JUSTIN POV
Akala ko talaga ay mapapahiya ako pero hindi, totoong si Shane ang babaeng nasa harapan ko. Tumangkad siya, gumanda ang mukha, at balat. Artistahing artistahin ang kanyang mukha. The fact of the matter is, kamukha niya ang ex girlfriend ko. So I am so glad na mas nauna pa ako kaysa sa kanilang dalawa.
Kumunot ang noo ni Shane at namutla ang kanyang mga pisngi. Mukhang na star struck yata siya sa akin at di niya ako nakilala. Paano ba naman kasi, siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako nag bago. Madalas niya akong inaasar na payatot at isang ubo na lang. Ang malala pa, pwede raw akong icremate sa tansan kapag namatay ako.
Pero hindi naman ako sensitive na tao, kaya sa halip na damdamin, nagig motivation ko ito para mag papogi at magpataba. But kahit na matagal akong nag stay sa France para mag aral, hindi ko pa rin kinalimutan na may pusong pinoy pa rin ako so marunong pa rin naman akong magtagalog.
Bumaba si dad sa sasakyan at inakbayan si Shane.
"Oh nandito na pala ang kuya mo Shane. Nagulat ka ba sa hitsura niya? Kahit nga ako, hindi makapaniwalang kaya kong makagawa ng ganyan ka gwapong lalaki hehehe."
Nag bless ako kay dad at pagkatapos ay muli akong tumingin kay Shane.
"Oh ano ang problema? Hindi mo ba ako na miss?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ahh ehhh... ano kasi..." nauutal niyang sabi, hinubad niya ang jacket at ibinalik ito sa akin, "Sorry I have my own jacket. Girl scout yata ako at lagi akong handa!"
Tinanggal niya ang jacket na ibinigay ko sa kanya. Medyo na offend ako pero dinaan ko na lang sa tawa. Mukhang walang pagbabago itong kapatid ko at na cha challenge akong magkasundo kaming dalawa.
"That's really rude of you, baby girl!" pagsusuway ni dad kay Shane. "Nagmamalasakit lang sayo ang kuya mo, tanggapin mo ang jacket at manghingi ka ng sorry!" he said with a commanding tone of voice.
Dinilaan ko si Shane sabay ngisi para asarin siya, mabuti na lang at sa kanya nakatingin si dad at hindi sa akin. Kung dati siya ang pinapaboran ni daddy, ngayon ako na! Bilog talaga ang mundo hehehe! Halata ko sa mukha ni Shane na asar na asar ito kaya medyo natakot ako sa kanya.
"Dad, okay lang po, mukhang may jacket naman po siyang dala eh. Pero dapat pa rin po yata siyang mag sabi sa akin ng sorry hehe!"
Tinaasan ako ng kilay ni Shane at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "Wow! Ang kapal naman ng mukha mo kuya Justin! Porket sa states ka lang nakapag aral, feeling mo kung sino ka nang umasta."
Kinuha niyang bigla ang purple jacket na binigay ko sa kanya.
"Akin na to ha? Wala nang bawian ng regalo, salamat half-brother!" halatang pilit na pilit pa ang kanyang ngiti nang magpasalamat ito.
"You are welcome Shane!" sagot ko, "Anyway, ang laki laki mo na."
"Huh! Magtaka ka kapag hindi na ako lumaki," pilosopong sagot niya sa akin.
"Of course! Pero ako hindi mo ba ako pupurihin? I mean, dati ang payat payat ko lang at palagi mo akong inaasar na isang ubo na lang ako. Ngayon tingnan mo naman, nakaka extra ako bilang isang model. Sa katunayan nga, pwede pa akong maging artista eh," proud na sabi ko sa kanya.
Tiningnan ako ni Dad at kitang kita ko sa mga mata niya na proud na proud ito sa akin. Samantalng si Shane, naka simangot pa rin ang kanyang mukha.
"What? Oo pumogi ka ng slight-"
"Slight lang?" pagputol ko sa kanya.
"Okay fine, medyo pumogi ka-"
"Tinagalog mo lang ang sinabi ko kanina eh-" hirit ko pa. "Bakit kasi ayaw mo sabihin na malaki talaga ang pinag bago ko? Ikaw pa naman ang dahilan kung bakit ako nagpataba."
"Oo nga anak, ako nga eh sobrang nagulat ako ng nakipag video call ako sa kuya mo nitong nakaraan. Marami nang babae ang nagkakagusto diyan pero kagaya mo, hindi siya allowed na magkaroon ng jowa. However, proud ako na naging scholar sa sa school mo."
"Thanks Dad," sabi ko.
Deep inside, medyo kabado ako kay dad sa part na yun. Matindi rin kasi siyang magalit lalo na kapag sinusuway ang gusto niyang mangayari. Mabuti na lamang ata wala na kaming dalawa ng jowa ko so I am single and ready to mingle.
"Tara na po sa apartment dad, nakahanda na po ang dinner natin sa balcony. Inakyat ko lang ang ibang mga gamit ko sa taas kanina at nakalimutan ko lang po ang jacket ko," pag aaya ko sa kanila.
Biglang naka receive ng tawag si dad kaya napatingin siya sa akin.
"Sige mauna na kayong dalawa. Mayroon lang akong importanteng tawag."
"Thanks dad, room 709 po tayo!"
"Okay, Justin!"
Hinila ko ang kamay ni Shane at naglakad papunta sa apartment namin. Dinala ko na rin ang maleta niya para talagang magkaroon siya ng utang na loob sa akin at may isusumbat ako sa kanya sakaling awayin niya ako.
"Ano ka ba, bitawan mo nga ako! Boyfriend ko lang at si dad ang pinangako kong pwedeng humawak sa kamay ko!" pagrereklamo ni Shane nang makarating kami sa lobby. Binitawan ko naman ang kamay niya.
Napahinto ako at tinitigan ko siya, "Aha! May jowa ka na pala ha! Lagot ka kay dad, isusumbong kita!"
"Ha? Ano bang pinag sasabi mo? Wala akong boyfriend ngayon! Ang ibig kong sabihin, exclusive ang kamay ko sa dalawang importanteng lalaki sa buhay ko. Si dad at ang future boyfriend ko. Kung alam mo lang, bantay sarado ako sa mansyon ni dad. Baka ikaw ang may syota jan? Kasi madali ka lang naman makakapag sinungaling kay dad dahil hindi ka naman niya nakikita araw araw eh!"
Medyo napangisi ako at napatitig na lang ako sa mukha ni Shane. Bakit ba kasi hawig na hawig niya ang jowa na sobrang mahal na mahal ko? Ang akala ko nga, isang case ng beer lang ang solusyon para makalimutan ko siya pero hanggang ngayon, siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko even thought it has been 3 months ng maghiwalay kami.
"Ha? Ako magkaka jowa? Varsity player ako ng football sa school at mahirap mag study ng business management so I really don't have any time to date someone let alone have a girlfriend. Kung gusto mo, tawagan mo pa ang mga friends ko eh!"
"Duh! At bakit ko naman yan gagawin? Kung tutuusin, wala naman akong pakialam sayo mag jowa ka man or what. Dalhin mo na ako sa room natin, gusto ko nang makita ang kwarto ko."
"You mean to say, kwarto natin right?" tanong ko.