Chapter Nine

2053 Words
UNTI – UNTING nawala ang antok na nararamdaman ni Justin nang halos mangalahati niya ang iniinom na kape sa loob ng Frances’ na nasa tabi ng St. Francis General Hospital. Frances owned the place that was established three years ago. Muli siyang nakaramdam ng guilt at pagkainis sa sarili nang maalala na wala siya sa bansa para suportahan ang dating kasintahan sa mismong araw ng pagbubukas ng mga shop nito. Of course, he was supported her by saying encouraging words, but would have been different if he was there during those times. Hindi man lang niya naipakita at naiparamdam sa dalaga kung gaano siyang ka–proud sa mga achievements nito. Naalala rin ni Justin na hindi niya nakasama ang dalaga sa mismong araw ng kaarawan nito sa loob ng anim na taon ng kanilang relasyon. They were celebrated one week before or after her birthday, at ito pa ang nagpupunta sa Portland para makasama siya. No doubt, he was the worst boyfriend ever! Napailing si Justin. Dapat bote ng beer ang hawak niya ngayon at hindi tasa ng kape. Pero naalala niyang isinumpa na nga pala niya ang lahat ng uri ng alak matapos niyang makaaksidente at hindi makauwi kaagad para damayan ang babaeng pinakamamahal. Sarado na ang kaso niya matapos bayaran ng kanyang pamilya ng malaking halaga ang pamilya ng teenager na kanyang nakabangga. The teenage boy was fine, still driving and enjoying life to the fullest. Habang siya ay bahagyang nagka–trauma sa pagda – drive. Mabuti na lamang at mabilis din niyang na – overcome ang takot na iyon.  Pitong buwan na ang nakararaan magmula nang pormal na nakipaghiwalay si Frances sa kanya.  Sinunod niya ang kagustuhan nitong lumayo siya dahil na rin sa payo ng mommy nito. “Alam kong hindi mo susukuan si Frances, pero mas makakabuti kung lalayuan mo muna siya para mas madali siyang maka-recover. Bumalik ka muna sa States, tapusin mo ang training mo at saka ka bumalik dito. After all of this, when she recovered, believe me, hindi rin magugustuhan ni Frances na hindi mo tinapos ang training mo nang dahil sa kanya,” sabi sa kanya ni Tita Cheska matapos siyang iwanan noon ni Frances sa library. Nang matapos at makapasa siya sa specialization niya ay bumalik kaagad siya sa Pilipinas, at wala na siyang intensiyong umalis muli. Walang dahilan para manatili siya sa Portland dahil hindi naman pumayag si Frances sa gusto niyang mangyari at tinapos na rin nito ang relasyon nila. Kinalimutan na rin niya ang tungkol sa fellowship program na naging dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan noon.  Tinaggihan ni Justin ang trabahong naghihintay sa kanya sa St. Francis General Hospital nang dumating siya sa bansa. Seryoso kasi siyang ligawan nang husto si Frances at kung maari ay hindi na siya umalis sa tabi nito. Bigyan lang talaga siya ng dalaga ng isa pang pagkakataon ay babawi talaga siya ng husto. Pero hanggang sa kasalukuyan ay ayaw pa rin siyang makita ng dalaga. Tinanggihan ni Frances ang mga ipinadala niyang bulaklak na nagmula rin sa store ng Perfect Petals. Bukod sa galit  ito sa kanya, napapalibutan na ito ng mga bulaklak kaya marahil hindi na nito kailangan ng mga bulaklak na galing sa kanya. At least, hindi nito ibinalik sa kanya ang mga regalo at mga pagkain na ipinadala niya sa opisina nito. O marahil, sumuko na ito sa kakulitan niya. Pagkatapos ng isang buwan ay kinausap si Justin ni Tita Cheska. Ito mismo ang nag–alok sa kanya ng trabaho sa ospital. Dahil sa malaki ang respeto niya sa ginang at sa magandang pakikitungo nito sa kanya ay hindi niya ito nagawang tanggihan. Tuwing pumapasok siya sa ospital, hindi maaaring hindi siya daraan sa Frances’ bago at pagkatapos ng duty niya. Nagbabaka-sakali kasi siyang makita roon ang dalaga kahit alam naman niyang hindi roon ang opisina nito. “Ano'ng ginagawa mo rito?” Nagtaas si Justin ng tingin nang marinig ang boses na kilalang–kilala niya. Dahil nakatutok ang kanyang paningin sa coffee mug na nasa harap at hindi niya namalayan ang pagdating ng dalaga. “F–Frances…”nasorpresang sambit niya. Noong una ay tinatanong pa niya sa mga crew kung naroon ito subalit dahil sa laging wala ang dalaga ay tinigilan na niya ang pagtatanong. Bahagyang magkasalubong ang kilay nito at nakapamaywang na nakatayo sa kanyang harapa. “What are you doing here?” muling tanong nito. “Drinking coffee. Regular akong pumupunta rito magmula nang magtrabaho ako sa ospital,” sagot niya. Hindi man lang ba ito aware na nagtatrabaho na siya sa ospital na pag – aari ng pamilya nito tulad ng dati niyang plano? Tumango–tango ito. “Okay, just enjoy your coffee,” sabi nito at mabilis na siyang tinalikuran. Kaagad siyang tumayo at mabilis na humabol. “Frances, puwede ba tayong mag-usap?” Humarang siya sa daraanan nito. Napahinto naman ang dalaga. “No. I am busy,” tanggi nito. “Marami akong nakatambak na trabaho sa opisina.” “Please, kahit sandali lang,” pangungulit pa niya. “No!” muling tanggi nito. Napabuntong - hininga si Justin. When she said no, it was final. He knew it. Pero hindi pa rin siya basta susuko. “Puwede ba kitang mabisita mamayang gabi?” giit pa niya. Sandali itong natigilan si Frances at tila nag – isip bago sumagot. “Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi.” “Maghihintay ako sa harap ng bahay n’yo mula seven P.M. Wala akong pakialam kung anong oras ka pa dumating, basta hihintayin kita.” “Ikaw ang bahala,” tugon nito. Napangiti siya sa narinig. Nang muling humakbang ang dalaga para magpunta sa opisina nito ay kusa na siyang tumabi para makadaan ito. Hindi na niya tinangkang humabol at mangulit pa. Sapat na sa kanyang pumayag ito na dalawin niya.   “SALAMAT sa dinner,” sabi ni Frances kay Jared matapos iparada ang sasakyan sa labas ng bakuran nila. Ngumiti si Jared. Dati nilang kaklase ni Troy noong high school ang lalaki.Aksidente silang nagkita sa isang food bazaar noong isang linggo at nagkakuwentuhan. Single pa rin ito tulad niya. Dinalaw siya kanina ng binata sa opisina at nang imbitahan siya na mag – dinner ay hindi siya tumanggi. Napatingin si Frances sa nakaparadang sasakyan sa kabilang panig ng bakuran nila. It was the BMW X5 owned by Justin. Ilang taon ding naging laman ng garahe nila ang kotse ng dating kasintahan at paminsan – minsan ay ginamit niya iyon, lalo na kung coding ang kanyang sasakyan. Puro kaskasero kasi ang mga kapatid nito kaya sa kanya ipinagkatiwala ang sasakyan habang nasa Portland ito. Nang magkahiwalay sila ay pinahatid niya iyon sa driver nila sa bahay nito. Ngayon lang niya naalala na pinayagan nga pala niya si Justin kaninang umaga na dalawin siya.  “May bisita yata kayo,” sabi ni Jared na nakatingin din sa tinitignan niya. “Oo,” tugon ni Frances. Bumaba ng sasakyan si Jared at pinagbuksan siya ng pinto. “Thanks again,” muling sabi niya.   Tinanggap ni Frances ang halik ni Jared sa kanyang pisngi bilang pamamaalam bago sumakay ng sasakyan at tuluyang umalis. Marahil ay iyon na ang huli nilang pagkikita ni Jared. Nang magpahayag ito ng interes na ligawan siya kanina ay tinapat na niya ito na hindi pa siya handa na pumasok sa panibagong relasyon na intindihan nito. Nanatili pa rin kasing si Justin ang nag – iisang lalaking mamahalin niya kahit galit pa rin siya sa dating nobyo. Pumasok na si Frances sa loob ng gate nila. Kaagad niyang nakita si Justin na nakatayo sa b****a ng teresa. Bahagya siyang kinabahan nang makita ang madilim na ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Matapos niyang makipaghiwalay sa lalaki ay muli siyang nasaktan nang malamang muli itong bumalik sa Portland na hindi man lang nagtangkang kausapin siya. Na parang sinukuan kaagad siya at itinuloy na nito ang mga plano  na hindi na siya kasama. Pero nagkamali si Frances, pagkalipas ng ilang buwan ay muli itong bumalik sa bansa para ligawan siya. Tinapos lang pala nito ang specialization  at ayon sa mommy niya ay permanente nang mananatili sa bansa ang binata. “Kanina ka pa?” tanong niya nang makalapit. “Sabihin mo sa akin ang gusto mong gawin ko para payagan mo akong bumalik muli sa buhay mo,” sa halip ay sagot nito. “Justin …” “I know in the past I was such a lousy boyfriend in terms of showing how much you mean to me,” patuloy nito. “Dapat noon pa kita inalok ng kasal. Hindi kita dapat hinayaang maghintay sa akin nang matagal at magsakripisyo. Hindi ako dapat umalis, kaya ngayon nakahanap ka na ng iba.” “A – ano?” naguguluhang tanong Niya. “Ikaw lang ang minahal ko, Frances, pero bakit ang dali mong nagbago? Bakit ang dali mong napagod na mahalin ako?” tila nasasaktang tanong ni Justin. “Ako pa ngayon ang may kasalanan?” gulat na tanong niya. “I lost our baby, Justin. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Kung gaano kahirap tanggapin ang lahat habang wala ka?” Natigilan  si Justin sa narinig. “Hindi ako nagbago. I have enough reason to stop loving you. Enough reason, Justin, but I still can’t,” basag ang tinig na sabi niya. “Frances …” Tinangka siya nitong hawakan, pero mabilis siyang umiwas. Nagtatakbo siya papasok sa loob ng kanilang bahay at sa kanyang silid  itinuloy ang pag – iyak.   “HINDI mo pa rin ba kayang patawarin si Justin?” tanong kay Frances ni Troy habang nilalantakan nito ang pina-deliver na fried prawn ni Justin na mula pa sa Amelia’s. Napatingin siya sa kaibigan nang marinig ang tanong nito. Maaga pa lang ay nakatambay na si Troy sa opisina niya dahil ayon dito ay wala itong magawa dahil kasalukuyang naka – break ang PBA. But she knew him so well. Kahit hindi nito sabihin ay nag – aalala pa rin si Troy  sa kanya matapos niyang maospital. Kapansin – pansin din ang paglalaan nito ng mahabang oras sa kanya at pagtawag sa kanya para makipagkuwentuhan lang ng kung ano – ano.  Hindi ito naiiba sa pamilya niya at mga kaibigan nila. Na – touch si Frances sa concern ng mga ito kaya pilit niyang ipinapakita sa lahat na nakapag–move on na siya sa pamamagitan ng pagbubuhos ng maraming oras sa kanyang trabaho kahit gabi – gabi ay umiiyak pa rin siya sa pagkawala ng baby niya.           “Kapag pinatawad ko siya, ang ibig lang sabihin n'on, tinatanggap ko na siya uli sa buhay ko. Hindi na kami puwedeng magkaibigan muli, Troy,” sagot niya na muling ibinalik ang tingin sa sinusulat sa desk. “Maybe it was hard for you to forgive Justin because until now, sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa pagkawala ng baby n’yo. Let it go, Ces. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Wala kang kasalanan, pati na rin Justin,”  bale-walang sabi ni Troy habang patuloy pa rin sa pagkain.           Tinignan ni Frances nang masama ang kaibigan. “Nagpunta ka ba rito para lang pag – usapan ang tungkol sa amin ni Justin?” salubong ang mga kilay na tanong niya. May katotohanan kasi ang sinasabi nito. Siya ang may kasalanan sa nangyari. Kung nalaman lang niya kaagad na buntis siya at iningatan niya ang sarili ay hindi sana nawala ang kanyang baby.           “Oops, sorry,” hands – off na sabi nito. “Concern lang ako sa ’yo dahil gusto ko nang makapag – move on ka,” katwiran nito.           “I’m moving on, Troy.”           “Okay,” sagot ng kaibigan at muling sumubo ng fried prawn.           “Wala ka bang balak magtira?”           “Akala ko ba galit ka sa nagpa-deliver nito?”           “Oo. At pati na rin sa kinakain mo galit ako.” Binitiwan niya ang hawak na sign pen at nakisalo sa kinakain ni Troy.           Na–appreciate ni Frances ang pagpapadala ni Justin ng pagkain sa opisina niya pero hindi ibig sabihin niyon ay lumalambot na ang kanyang puso. Patuloy pa rin siyang nagagalit sa binata, kung hanggang kailan ay hindi niya alam.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD