Chapter Six

2128 Words
Five years later Nagising si Frances dahil sa ingay na nagmumula sa bintana ng kanyang silid. Sandali siyang nag – inat mula sa pagkakahiga sa kama, pagkatapos ay inabot niya ang kanyang cell phone na nasa ibabaw ng nightstand. Napangiti siya nang makitang nag – iwan si Justin ng offline message mula sa Skype account niya. Isang simpleng take care at I love you lang ang mensahe nito pero sapat na iyon upang gumanda ang gising niya. Nag - reply siya sa message nito at masiglang bumangon sa kama.    Kung minsan, hindi pa rin niya mapaniwalaan na matagal nang  kasintahan ang lalaking dati ay lihim lang niyang minamahal. Naalala pa niya noong una silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Malinaw kasi sa kanya ang plano ni Justin na sa oras na makapasa ito sa board exam at maging ganap na doktor ay babalik na ito sa bansa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nagdesisyon ang nobyo na mag – take ng specialization sa ospital kung saan ito nag – internship na hindi kaagad sinasabi sa kanya kaya kailangan nitong manatili sa Portland ng ilang taon pa. Nahirapan siyang tanggapin ang desisyon ni Justin noong una pero sa bandang huli ay sinuportahan din niya ang kasintahan matapos siyang paliwanagan ng kanyang pamilya. Bukod sa problema nila sa distansya sa isa’t – isa at paminsan – minsang tampuhan at selosan na mabilis rin naman nilang nareresolba, masasabi niyang maayos at matatag naman ang kanilang relasyon. Sa kasalukuyan ay nasa huling taon na si Justin ng training nito. Konting panahon pa at babalik na ito sa bansa at permanente nang mananatili sa Pilipinas. Ngayon pa lang ay excited na si Frances na makasama ang nobyo ng mas matagal at makitang pumapasok sa St. Francis General Hospital. Lumapit si Frances sa bintana nang muling makarinig ng mga hagikgikan at tawanan. Nakita niya ang kanyang mga kapatid at pinsan na naliligo sa swimming pool kasama ng kanyang mga pamangkin. Sa paglipas ng mga taon, nadagdagan at mas lumaki pa ang kanilang pamilya. Halos magkakasunod kasing nag – asawa ang kaniyang mga kapatid at mga pinsan. Ganoon din ang mga kapatid ni Justin. Nakita rin niya ang Ate Jane ni Justin kasama ng pamilya nito na naging kapitbahay na nila simula nang makapag – asawa. Nagpunta na si Frances sa banyo at mabilis na naligo. Araw iyon ng Linggo pero kailangan niyang magpunta sa opisina ng Perfect Petals dahil tambak na ang mga dokumentong kailangan ng pirma niya. Hindi kasi siya nakapunta roon ng mga nakaraang araw dahil naging abala siya sa pagbubukas ng bagong branch ng Frances’, ang bakeshop at coffee shop niya. Three years ago nang sa wakas ay nagawa niyang itayo ang pinapangarap na bakeshop sa compound ng St. Francis General Hospital na pinangalanan niyang Frances’ dahil sa suhestiyon ni Justin. Pagkalipas ng ilang buwan, nang maging stable at kumikita na nang maayos ang kanyang negosyo ay nagbukas siya ng dalawa pang branch. Ang isa ay sa ibaba ng YA Building and Condominium sa Ortigas Center na tulad ng sa main branch ay hindi siya nagkaroon ng problema sa lokasyon dahil pag – aari ng pamilya ng daddy niya ang building at doon din nag – oopisina ang kanyang mga kapatid. At ang isa pa na kabubukas lang ay sa Green Field District naman sa Mandaluyong. Half owner at si Frances na rin ngayon ang nagma – manage ng Perfect Petals. Ilang araw bago siya grumaduate ng college ay kinausap siya ng mommy at Auntie Danna niya. Nagkasundo ang mga ito na ibenta sa mommy niya ang kalahati ng ownership ng Perfect Petals at flower farm sa Cavite, pero mangyayari lang iyon kung papayag siyang pumalit sa posisyon ng Auntie Danna niya. Gusto na kasi nitong magretiro at sa kanya nito gustong ipagkatiwala ang pinakamamahal na negosyo. “You've work here for a long time, Frances, at alam na alam mo na kung paano i – manage itong business pati na rin ang flower farm. Nakita ko rin kung gaano ka kagaling mag – handle ng mga tao at gustong – gusto ka nila. Pamangkin kita, mas mapapanatag ako kung sa 'yo ko ipagkakatiwala ang Petals. Tutulungan pa rin naman kita sa oras na kailanganin mo ako,” sabi ng Auntie Danna nang mag – alangan siyang tanggapin ang posisyong inaalok nito.   Dahil sa sinabi ng tiyahin at sa encouragement ng mommy niya ay pumayag si Frances sa gustong mangyari ng mga ito. Binili ng mommy niya ang kalahati ng ownership ng Petals na ipinangalan sa kanya.Regalo iyon ng ina sa kanya sa pagtatapos niya ng college. Sa kasalukuyan ay maayos naman ang pamamahala niya sa Petals at wala siyang gaanong nagiging malaking problema. Matapos maligo at makapag – ayos ay bumaba na siya. “Puro ka trabaho, isusumbong kita kay Justin,” biro ni Ate Jane nang tumanggi siyang sumali sa mga ito pagsu – swimming at sinabi niyang pupunta pa siya sa opisina. “Hmp! Siya rin naman, eh,” ingos niya habang kumukuha ng pagkain. Magmula ng umalis si Justin matapos nilang magkaunawaan ay mabibilang lang sa daliri ang pag – uwi nito sa bansa. Sobra itong naging abala sa ospital kaya siya na lang ang nag – adjust. Halos buwan – buwan ay nagpupunta si Frances sa Portland para magkita sila.  Kung minsan ay hirap siyang ayusin ang schedule niya sa pagbisita sa nobyo dahil madalas din siyang abala pero dahil ito ang mas mahalaga kaysa sa trabaho, ang binata pa rin ang inuuna niya sa tuwing naglalambing ito na magkita sila. Matapos kumain ay kaagad nang nagpaalam si Frances. Baka kasi magbago ang isip niya at hindi na umalis.  Masisira ang schedule niya kapag nagkataon. Kailangan niyang matapos ang trabaho hanggang bukas dahil sa Martes ay nakatakda siyang magpunta sa Portland para bisitahin ang nobyo at i – celebrate na rin ang ika – anim na taon ng kanilang relasyon.   “JUSTIN, I’m hungry and tired!” protesta kay Justin ni Frances nang muli niyang panggigilan ng halik ang leeg nito.  “Pinagod ba kita?” tumatawang tanong niya habang patuloy pa rin siya sa pagpapaulan ng light kisses sa mukha at leeg ng nobya. Isang malalim na pagsinghap ang isinagot nito sa kanya. Hindi napigilan ni Justin ang sarili at muli na namang inangkin ang mapupulang labi nito. Lagi siyang ganoon kapag nagkikita sila. Kailanman ay hindi siya magsasawang halikan ang pinakamamahal na nobya. Gumanti na rin si Frances sa kanyang maiinit at malalim na mga halik. Ilang sandali pa ay tila solo na naman nila ang mundo. Dumating sa Portland si Frances upang bisitahin siya. Aminado siya na ang nobya ang mas gumagawa ng effort upang magkita sila. Mas hawak kasi nito ang schedule kumpara sa kanya at hindi naman ito nagrereklamo. Hindi na mabilang ang pagbisita nito sa kanya sa mga nakalipas na taon kasama ng kanyang mga kapatid o kung sino man sa mga kaibigan nila pero mas madalas na mag – isa lang ito. Minsan na ring sumabay ang nobya sa kanyang mga magulang sa pagbisita at ilang beses na rin silang nagkita sa isang bansa tulad Hongkong at Singapore para i – celebrate ang kanilang anibersaryo. Bukod sa trabaho, ibinibigay naman niya ang lahat ng oras sa nobya kapag binibisita siya. “Gutom na talaga ako,” humihingal na sabi ni Frances nang sa wakas ay tantanan niya ang mga labi nito.  “Ako rin,” tugon niya. Nagkatawanan sila. Inalalayan niya nito sa pagtayo at sabay na silang nag – shower. Nagsimula silang maging intimate nang makapagtapos ng kolehiyo si Frances. Tulad ng ipinangako niya ay dumating siya sa araw ng pagtatapos nito. Kapwa sila nahirapang pigilin ang naramdamang pagkasabik sa isa’t – isa kaya hinayaan na lang nilang magpatangay sa bugso ng damdamin. Kapwa naman silang responsible sa bagay na iyon at batid nila ang kanilang mga priyoridad. Si Justin ang unang natapos at nag - set ng table. Kanina pa nakapagluto si Frances ng dinner nila. Pumasok lang ito sa kuwarto para gisingin siya at makapaghanda sa pagpasok sa ospital. Pero hindi niya napigilan ang sarili at nilambing ito, na nauwi nga sa mainit na tagpo sa pagitan nila.  “Grabe, if you would stay here for a long time at masasarap lagi ang ipapakain mo sa akin tataba na talaga ako nito,” sabi niya habang maganang kumakain. Nag – roast ito ng beef na ayon dito ay nanggaling pa kay Ate Trisha ang recipe. “I don’t mind. Mabuti nga ‘yon para mabawasan ang mga nagkakagusto sa 'yo,” kaswal na sabi ni Frances pero halatang nagpipigil na mairita. “Paano mo nasabi ‘yan?” amused na tanong niya bago uminom ng tubig. “Naobserbahan ko sa ospital. Nakita ko kung paano ka titigan ng mga babae roon or pati na mga bakla.” “Really?”  Natawa si Justin. “Porket tinititigan may gusto na kaagad?” “Malay ko sa’yo,” ingos nito. “Do you just wanna hear you’re the only one that I love, that even they flirt with me, it doesn’t affects me, don’t you?” nakataas ang isang sulok ng labi na tanong ni Justin. “W - what, they flirted with you?” nandidilat na tanong ni Frances. “Yeah,” pabalewala niyang sagot bago ipinagpatuloy ang pagkain. “You should quit your job!” padabog na sabi nito. Natawa siya pero hindi nagsalita.  “Justin…” naghihintay ng sagot na sabi pa nito. “You know I can’t do that, sweetheart.” “You can’t?” hindi makapaniwalang sabi ni Frances na nanlalaki pa ang butas ng ilong. Maganda pa rin ang nobya kahit ganoon ang hitsura at naaliw siya rito. “Paano kung may plano talaga ang isa sa kanila na i – seduce ka at –” “Sweetheart, wala silang planong ganoon,” putol niya sa sinasabi ng nobya. “Para na kaming isang malaking pamilya sa ospital at halos lahat rin ng mga babaeng empleyado roon ay may mga asawa’t anak na. At wala naman akong planong magpa –seduce,” natatawa sabi niya. “Pero sabi mo nagpi-flirt sila sa 'yo!” “Nagbibiro lang ako.” Napaingos si Frances at nagpatuloy sa pagkain. “So, saan mo gustong pumunta bukas?” tanong ni Justin habang nakatitig dito. Iniba na niya ang usapan dahil baka may masabi pa siya na hindi nito magustuhan at sumama pa ang loob sa kanya. Hindi pa naman siya matahimik kapag alam niyang galit ito sa kanya. “May pasok ka, ‘di ba?” “Oo nga, eh. Kung may oras lang sana tayo, puwede tayong pumunta sa Las Vegas para magpakasal.” “W - what?” Muli itong nandilat sa kanyang sinabi. Alam niyang iyon ang unang pagkakataon na nagbanggit siya ng tungkol sa kasal. Matagal nang nag-suggest ang mga magulang ni Justin na pakasalan na niya ang dalaga at kahit hindi sabihin ng mga magulang ni Frances ay iyon din ang inaasahan ng mga ito sa kanya, lalo pa’t sa apartment niya tumutuloy ang nobya kapag bumibisita sa kanya. Pero hindi niya sinunod ang kanyang mga magulang. Alam kasi niya na marami pang plano si Frances sa Perfect Petals at kakabukas pa lang ng unang branch ng Frances’ noong mga panahong iyon. Siguradong mag – iiba ang mga plano at mga priorities nito kapag ikinasal na sila at ayaw niyang mangyari iyon. Gusto muna niyang matupad ng nobya ang mga pangarap nito at ganoon din siya bago sila magpakasal. Pero ngayon ay established na at may tatlong branch na ang business nito at nasa huling taon na siya ng specialization kaya pinaplano na niyang pakasalan ang dalaga.  “Joke!” mabilis na bawi niya. “'Wag kang ma-pressure, sweetheart, alam ko naman na hindi pa tayo handa at marami pa tayong dapat na i – prioritize,” sa halip na sabi niya na sinundan pa ng tawa. Nakita ni Justin ang  disappointment sa mukha ni Frances. Biglang rin itong natahimik. Lihim siyang napangiti. Nangangati na siyang kunin ang engagement ring ng mommy niya at mag – propose na rito pero pinigilan niya ang sarili. May tamang oras para doon. Makakapaghintay pa siya sa araw ng anibersaryo nila bukas.  “So, saan mo gustong mag - celebrate bukas?” muling tanong ni Justin. “Magluluto na lang ako. Maaga ka na lang umuwi,” halatang biglang nawalan ng ganang sabi ni Frances. “No cook for tomorrow, sweetheart. May pupuntahan tayo bukas. Gusto kong maging special ang anniversary natin,” sabi niya. Isang tipid na ngiti ang isinagot nito at hindi tumutol sa kanyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD