
Bilyonaryo.
Guwapo.
Matangkad.
Maganda ang katawan.
Halos lahat na katangian na gusto ng mga kababaihan nasa kan'ya na. At isa na ako nangangarap na mapansin niya.
Laking tuwa ko na natupad ang pangarap ko na maging kasintahan ko siya. Pero saglit lang pala.
"Maghiwalay na tayo," aniya ni Allen sa akin.
"B-bakit? Paano ang k-kasal natin?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya.
"Walang kasalan na magaganap, come on, makakahanap ka rin na karapat-dapat na lalaki para sa iyo."
Lahat lang ba na lalaki na dumaan sa buhay ko, iniiwan agad ako? Isa na si Allen, pinaasa at pinangakuan ng kasal, pagkatapos kong isuko ang aking p********e.
"I thought you were healing me but no, you broke me even more!"
"Pagdating ng araw, kung sakaling babalik ka sa akin, maybe I still love you, I still care about you but no, I don't want you back, dahil nasira mo na ang tiwala ko."
