Levi's POV
Kumikirot ang mga sugat at namimilipit sa sakit akong nagising sa mahimbing na pagkaka-tulog, Nang naramdaman ko ang malamig na pagbuhos ng tubig at marahas na pag-sipa sa aking katawan.
Halos mangiyak-ngiyak akong napa baluktot, habang pilit na iniinda Ang sobrang sakit na aking nararamdaman. Dahan-dahan ko ring itinaas Ang aking tingin at agad na sinalubong Ang tingin ni Hiro.
Yes, you heard it right. Si Hiro nanaman Ang may kagagawan nito. Si Hiro na halos patayin ako sa bugbog at sapilitang nag patulog sa akin sa labas na parang hayop. Pero patuloy ko paring minamahal.
"Oh anong tinitingin-tingin mo bakla, bilisan mo't bumangon ka na riyan at ayusin mo Ang sarili mo. Para kang baboy diyan na Naka subsob sa lupa"
Patuyang turan nitong sabay talikod na tinungo Ang garahe.
Pagka-alis na pagka-alis ni Hiro ay dahan-dahang nag sibagsakan
Ang aking mga luha. Sobra-sobra na kasi Ang sakit na aking naramdaman. At parang gusto ko nang bumitaw, pagod na pagod na ako, pagod na pagod na
"Sana Hiro Hindi mo pag-sisihan sa huli Ang mga pinag gaga-gawa mong Ito, Dahil may hangganan din Ang pagtitiis Ng aking puso."
Umiiyak kong taimtim na bulong sa hangin, sabay dahan-dahang tayo, habang pilit na iniinda ang sakit na tinungo Ang loob ng kwarto.
Pagkarating ko sa kwarto ay agad Kong isinarado Ang pinto habang naka-harap sa salaming dahan-dahang hinubad Ang aking saplot na madumi dahil sa natuyong dugo at lupa na kumapit dito.
Tinitigan ko Ang aking repleksiyon sa salamin. Puno nang pasa at namamaga halos buo Kong katawan. May mga galos din ako sa mukha na dulot nang madiing na pagkaka-haklit Ng kamay. may bahid din nang dugong natuyong dugo't sugat Ang dati kong mapu-pulang labi.
Hindi ko maiwasang maiyak dahil dito. Ni minsan kasi ay hindi pa ako napag-buhatan nang kamay nila mama at papa, pero ang mas lalong ikina-sasakit
ng aking damdamin ay ang kadahilanang siya palamang, Si Hiro pa lamang Ang bukod tanging naka-panakit sakin nang ganito.
Kung natuturuan lang sana ang pusong huwag mag-mahal ay matagal ko na sana itong ginawa, nang sa gayon'n ay Hindi ako ngayon nasasaktan. Pero Wala eh, martir na talaga yata Ang puso kong Ito para tanggaping hindi ako mahal ni Hiro.
Pinunasan ko Ang aking mga luha at pilit na ngumiti sa salamin.
"Hangga't kaya ko ay titiisin Ang lahat para sayo Hiro. Kahit gaano mo pa man ako saktan at paulit-ulit na ipagtabuya't ipahiya, ay kakayanin ko paring intindihin ka. Dahil naniniwala akong darating ang araw na magbabago ka. Kahit huwag mo na akong mahalin ay okay lang, dahil ang mahalaga sa akin ay maibalik ang dating ikaw, ganon kita kamahal."
Huling turan ko sa sarili, bago tumalikod na tinungo ang shower room.
Hiro's POV
Nandito ako ngayon sa garahe habang inaayos ang gulong nang aking Ducati bike na matagal ko ng hindi nagagamit.
Pero kahit anong gawin kong mag focus sa pag me-mekaniko nito, dahil sa paulit-ulit na rumirehistro sa aking balintataw, ang imahe ni Levi na umiiyak habang puno nang takot na nagmamakaawa sa akin.
Actually last night I didn't have a good sleep. Dahil parang nakokonsensiya ako sa ginawa kong pambubugbog at pagpapa-tulog sa kaniya sa labas nang bahay.
"Hays f*ck this life! Wala akong pakialam sa baklang salot na yun."
Inis kong turan sa sarili sabay hagis nang wrench sa kung saan.
Someone's POV
"Damien, kunin mo Ang lahat nang detalye tungkol Kay Levi Sky del Castillo at dalhin mo sa akin bukas. Pati na rin ang family background at mga detalye tungkol sa kaniya. Maliwanag ba?."
Seryosong turan nang isang matipunong binatang naka de-kwatrong umiinom nang alak, habang naka upo sa isang mamahaling couch sa loob nang magarang opisina nito, kaharap Ang tauhang private investigator nitong nag nga-ngalang Damien.
"Opo boss, masusunod po. Bukas na bukas ay asahan nitong ipapadala ko kaagad Ang mga impormasyong kina-kailangan niyo."
Magalang na sagot ding turan ni Damien sabay tango dito at agad na umalis upang gawin Ang ipinag-uutos nang amo.
Napa ngiti na lamang ang lalaki sabay lagok nang alak, matapos lumabas ang private investigator nito. Alam niya kasing maaasahan niya't magtatagumpay si Damien sa ini-atas niya dito. At higit sa lahat ay nalalapit na ang pagkikita nilang muli nang kaniyang minamahal na si Levi.
"Naghintay ka lamang Levi at sa tamang panahong ay magiging akin ka. Konting-konti na lamang ay makakapiling na kita't papakasalan, bubuo tayo nang sarili nating pamilya."
Naka-ngising makahulugang turan nito na tila sabik na sabik na makita't makapiling ang taking unang nagpatibok at bumihag nang kaniyang puso't damdamin. sabay lagok nang alak na nasa wine glass.
"Malapit na Mahal ko"