MEET LANDON HARKIN----
LANDON'S POV
"Sorry, I'm late." Bungad niya sa stepsister, kasama ng asawa nito.
"No, it's okay, my dear brother." Lumapit agad ito sa kanya at niyakap siya.
"I'm glad your here Landon, how are you?" Ang asawa naman nito ang nakipagkamay sa kanya.
"I'm fine, Mr.Villanueva." tipid na sagot niya.
"Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago, its too formal, just call me Rodrigo.'' Tumatawang sabi nito.
"By the way, where is my niece." Pag- iiba niya.
Hindi sa ayaw niya sa kinakasama ng kapatid, ganito lang talaga siya makitungo sa mga tao. Nasanay siyang maging pormal ang pakikipag-usap, marahil umiikot ang mundo niya sa trabaho at walang panahon sa ibang bagay. Kung hindi siya pinilit ng pamangkin na umatend ng birthday nito ay mas pipiliin niyang magtrabaho habang nasa bahay niya sa Finland. Pinagbigyan niya dahil noong isang taon ay hindi siya umuwi para sa birthday nito.
"There, she is dancing with Demark, I'm sure matutuwa si Trixie kapag nakita ka." Itinuro ni Melinda ang anak.
"Honey, let's dance, napag-iiwanan na tayo ng mga bata." Narinig niyang sabi ni Mr. Villanueva sa kapatid.
"Sure hon, Landon, dito ka muna." Tumango siya sa kapatid pagkatapos inumin ang alak sa basong hawak mula sa waiter.
"Landon, do a favor for me, ikaw na ang tumayong escort ni Liesly, kaarawan din niya ngayon, ang party na ito ay para sa pamangkin mo at sa kanya." Sinundan niya ng tingin nito sa isang stage. "Parang tunay na anak ko na rin ang batang iyon." Napansin siguro nito ang pagkunot niya ng noo.
Nakita niya ang isang babae na nakayuko mula sa kinauupuan nito at hindu rin niya makita ang kabuuan ng babae dahil may kadiliman ang lugar.
"Ito kasing bayaw mo masyadong mapagkawanggawa, ultimo katulong ipinaghanda ng ganito.'' Nakangiti pero kilala niya ang kapatid.
"Ikaw na ang bahala sa batang iyon, mauuna na kaming magsayaw." Tinapik siya sa isang balikat ni Mr. Villanueva bago umalis kasama si Melinda.
Nakaubos pa siya ng dalawang baso ng alak bago nagpasyang lapitan ang naturang babae.
Hindi maalis ang tingin niya dito habang umiinom kanina at ngayong naglalakad papalapit dito ay may kakaiba siyang nararamdaman.
"This is f*****g weird." Bulong niya sa sarili.
Umakyat siya sa stage at nakalapit sa babae ng di nito namamalayan.
"Can I dance with you, young lady?" Inilahad niya ang isang kamay sa isa pang celebrant.
Napakunot-noo siya ng hindi tumugon ang babae at nanatili pa ring nakatayo. Gusto niyang umalis na lamang at bumalik sa kinaroroonan, wala siyang hilig sa ganitong mga okasyon.
"Miss, your wasting my time! Are you going with me or not?" Iritable na niyang tanong.
Pinakaayaw niya sa lahat ay nasasayang ang oras at gusto niyang mabilis palagi ang kilos. Kaya hindi umuunlad ang isang tao dahil isa ng rason ang pagiging makupad nito.
"So-sorry." Nagtaas ito ng tingin sa kanya at bahagyang nakaawang ang mga labi.
The feeling is mutual, he also drop his jaw when he saw the angelic face of this girl. Mga matang may malalantik na pilikmata, katamtamang tangos ng ilong at katamtamang hugis ng mga labi. Balingkinitan ang katawan ng babae na bumagay sa suot nitong gown, kumikinang sa tama ng ilaw ang itim ang lampas balikat na buhok na lalong nakaagaw ng atensyon niya ang chinitang mga mata at malaporselanang kulay ng kutis na marahil ay alaga ang balat sa mamahaling pampaganda.
"But she's too young, kahit maganda siya, maraming mas magagandang babae sa Finland." Sabi niya sa sarili.
Tumayo ito mula sa kinauupuan ng hindi iniabot ang isang kamay sa nakalahad pa rin niyang kamay, kaya nababastusan siya sa inaasal ng babae.
"Walang modo." Naiiling niyang sabi. "Iba na talaga ang mga kabataan ngayon."
Siya na mismo ang kumuha sa isang kamay nito at inalalayang makapaglakad pababa ng stage. Habang magkawak sila ng kamay ay pilit niyang iwinawaksi ang nararamdamang init na dumadaloy sa kanyang katawan.
"Nalasing na yata ako sa ininom kong alak." Nagtatakang wika niya sa sarili dahil mataas ang intolerance niya sa alak pero ngayon ay nag-iinit ang kawatan na tila lalagnatin siya.
_______
LIESLY's POV
"So-sorry po ulit." Hinging paumanhin niya ng muling maapakan sa paa ang lalaking lumapit sa kanya at nagyayang sumayaw.
Bukod sa hindi siya marunong sumayaw ay kanina pa siya pinagpapawisan ng malapot. Abnormal din ang bawat pagtibok ng kanyang puso, para siyang nasa track in field habang tumatakbo ng napakabilis. Kaya lalo siyang natataranta kung paano ang tamang pagsasayaw. Kahit may suot siyang damit ay dama ang mainit na palad ng lalaki at para siyang lalagnatin dahil sa init ng katawan.
"D*mn." Narinig niya ang mahinang pagmumura nito.
Lihim niya itong sinulyapan, kahit sandali ay nagawang matandaan lahat ng features ng mukha ng lalaki. Mabuti na lang nakasuot siya ng halos isang dangkal na sapatos, kung hindi lalo siyang magmumukhang maliit para dito, hanggang balikat lamang siya ng lalaki.
"Mukha siyang foreigner, matangos ang ilong, mga matang kung tumingin ay parang tumatagos sa buo Kong pagkatao. At ang mga labi niyang palaging isang linya dahil sa pagiging seryoso, tulad ng makapal niyang mga kilay." Puna niya.
Nakasisiguro siyang ito ang lalaking kausap ni Trixie kahapon, hindi siya maaaring magkamali. Dahil tumatak na sa kanyang isipan ang baritono nitong boses at ito ang dahilan ng pagkapuyat niya kagabi.
Hindi maitatangging napakagwapo ng first dance niya ngayon, pero mukhang nakakailang ang pagiging seryoso nito at mukhang napakalaki pa ng agwat ng kanilang edad.
"Mukha na siyang mid thirties o baka matured lang ang hitsura, baka may asawa na rin ito." Hula niya.
Napansin na lamang niyang tapos na pala ang music at inalalayan siya ng kapareha pabalik patungo sa kinauupuan. Gusto niyang alisin ang kamay mula sa pagkakahawak nito, pero nahihiya siya, baka mabastusan sa kanya.
Nakahinga siya ng maluwag ng walang paalam na iniwan ng lalaki, matapos maihatid sa upuan niya. Pero bakit ganoon? Nanghihinayang siya at umaasang manatili na lamang silang magsayaw buong gabi o di kaya ay magkahawak-kamay.
"Haist, Sisay! Ano bang nangyayari sayo?! Ngayon pa lang kayo nagkita, nagkakaganyan ka na!" Sermon niya sa sarili.
Pero sinundan niya itong naglakad patungo sa pamangkin kasama si Demark at ang mga magulang ng mga ito. Nakita niyang masayang yumakap si Trixie sa lalaki, pero nanatiling kalmado lang ito.
"Ganun? Hindi ba siya masaya na makita ang pamangkin?" Puna niya.
"Hi Liesly, happy birthday, I'm Denise." Lumapit sa kanyang ang isang magandang babae, niyakap pa siya at hinalikan sa pisngi, aakalain mong matagal na silang magkakilala kung makaasta.
"Ha-hi, salamat." Naiilang niyang sagot.
"Come on, join us, let's enjoy the party." Hinila siya ng bagong kakilala patungo sa isang umpukan ng mga kapwa nila kabataan.
Matapos ipakilala ni Denise, isa-isang bumati ang mga ito at naging palagay ang kanyang loob dahil mukha namang mababait hindi katulad ni Trixie.
"Here, don't you worry girl, juice lang yan, halata namang hindi ka umiinom ng alak." Nakangiting inabutan siya ni Denise ng isang baso ng juice.
"Salamat." Kanina pa mga pala siya nauuhaw, maraming pagkain pero wala siyang gana para kumain.
"Let's party! Hoooo..." Sumasayaw na sigaw ni Denise.
Nagsayawan ang mga ito sa harapan niya pero hindi siya nakigulo, nakangiti lamang siya sa ang mga ito.
Palihim niyang hinanap ang lalaking nakasayaw, ngunit bigo siya dahil maraming bisita.
"Denise, pupunta lang ako sa cr."
"Sure, bumalik ka agad." Sagot nito habang abala sa pakikipagsayaw.
Ang totoo, plano na niyang pumunta sa sariling kwarto, dahil bigla siyang nahilo at parang nag-iinit ang buong katawan niya. Hindi talaga siya sanay sa ganitong okasyon na puro mayayaman ang mga bisita, hindi siya nababagay sa ganito kaengrandeng okasyon. Muntik na siyang matisod dahil sa mahabang damit mabuti na lang ay naibalanse agad ang katawan. Marahil ay nahihilo na siya dahil sa puyat, pasado alas dos na kasi ng madaling araw.
Pagpasok pa lamang sa kuwarto ay agad hinubad ni Lesley ang suot na gown, hinayaan muna niya ito sa sahig dahil bukod sa nahihilo ay mainit din ang kanyang pakiramdam parang may gustong magwala sa loob ng katawan pero 'di maipaliwanag kung ano ang tamang description ng nararamdaman. Pabagsak siyang humiga ng nakadapa suot lamang ang pang-ilalim na damit. Panatag ang loob na walang magtatangka na pumasok sa kanyang kuwarto. Paikot-ikot pa siya sa kama bago tuluyang makatulog dahil sa hindi maipaliwanag na pag-iinit ng katawan.
__
SISAY'S POV
Nagising siya kinabukasn na masakit ang ulo, ng magtangkang bumangon ay napansing maging ang ibabang bahagi ng katawan ay masakit din.
Nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ang sarili, wala siyang suot na damit at tanging ang kumot lamang ang nakatakip sa kanya.
Napahawak siya sa sariling ulo at pilit iniisip kung ano ang nangyari kagabi. Ang natatandaan lamang niya ay umakyat na dito para matulog dahil inaantok na siya, at higit sa lahat hindi niya hinubad ang kanyang bra at panty pero bakit ngayon e wala ni Isang saplot ang kanyang katawan?
"Bakit ganun, wala akong maalala pagkatapos kong humiga sa kama para matulog," naiiyak na wika niya.
Pinagmasdan niya ang buong kwarto ngunit walang ibang tao dito maliban sa kanya. Nahagip ng paningin ang nagkalat sa sahig na gown at underwear niya. Napaiyak na siyang tuluyan ng marealized ang posibleng nangyari.
Nagtakip siya ng dalawang kamay sa mukha, habang nakaupo sa kama at nababalutan ng kumot.
"Sino ang gumawa nito sa akin?" Paulit-ulit niyang tanong sa sarili. "Sino ang pangahas na gu-gumahasa sa 'kin?"
Mahigit isang oras yata siyang nasa ganoong posisyon, yakap ang sariling mga tuhod at patuloy sa pagpatak ng mga luha.
Blangko ang utak niya at walang mahagilap na sagot kung sino ang may kagagawan nito sa kanya. Kahit anong gawin niyang pagpiga sa utak ay wala talaga siyang maalala.
Lalo siyang naghina ng mapansin ang kapirasong mantsa ng dugo sa bedsheet. Palatandaan na hindi siya nanaginip at totoong may lumapastangan sa p********e niya.
"Balansag, are you awake?" Nakilala niya ang boses ni Demark na kumakatok ng malakas.
"O-oo." Pilit na sagot niya.
"May pupuntahan tayo." Demark.
"Pwede bang ikaw na lang, masama ang pakiramdam ko, may-may dysmenorrhea ako ngayon dahil sa monthly period ko." Palusot niya at lihim na nagdasal, sana ay huwag ng mangulit ang amo.
"Okay, magpapadala ako ng gamot sa maid."
"Hindi na kailangan, meron akong stock." Sagot niya.
"Kailangan ko ng umalis." Sigaw nito.
Nakahinga siya ng maluwag ng magpaalam ang lalaki, mabuti na lang hindi nagpumilit ito na isama siya.
Sinikap niyang makapunta sa banyo kahit nahihirapan, halos mapaiyak siya sa sakit ng nakapagitan sa mga hita. Nagtagal siya sa paliligo, sa pagbabakasakaling maalis at makalimutan ang mga nangyari. Pero bigo siya, dahil hindi man natatandaan ang umangkin sa murang katawan,ay Hindi maikakailang hanggang ngayon ay parang may mainit na palad ang humahaplos sa kanya at uhaw na mga labing humahalik sa bawat parte ng katawan.
Matapos makapagbihis ay isa-isa niyang pinulot ang isinuot na gown kagabi at itinabi ito. Kinuha din niya ang under garments na nasa sahig, kunot ang noong dinampot ang isang relong panlalaki.
Malakas ang kabog ng dibdib niya ng mahawakan ang naturang relo at pagmasdan. Hindi siya marunong tumingin kung mamahalin ito o nabibili lamang sa palengke. Pero malakas ang kutob niyang ang may-ari ng relong hawak at ang gumahasa sa kanya ay iisa.
"L, H," basa niya sa initial na nakaukit sa likod ng relo na mukhang customize. "Paano ko siya hahanapin? Kung ipagtatanong ko naman, may makakaalam na nabiktima ako ng r**e at ayokong mangyari iyon, nakakahiya." Problemadong sabi niya.
Minabuti niyang itago iyon kasama ng hinubad niyang alahas kanina bago maligo.
Muli siyang nahiga sa kamang hindi pa napapalitan ng bedsheet dahil manghihina pa rin ang katawan hanggang ngayon. Nanatiling kumikirot ang kanyang ari lalo na sa tuwing kumikilos siya.
Masama ang loob at nagagalit sa kung sinuman ang may kagagawan nito sa kanya. Ang nakakainis ay wala pa rin siyang maalala kahit katiting, hindi naman siya uminom ng alak sa party.
Natigilan siya mula sa malalim na pag-iisip ng malanghap ang amoy ng kanyang unan.
"Amoy pabango ng lalaki at parang pamilyar, Hindi ko lang natandaan, haist! Ano ba yan Sisay?! Lahat na lang hindi mo maalala!" Napasabunot siya sa sariling buhok.
Sa halip na palitan ang ginagamit na unan ay may kung anong nagtutulak sa kanya, upang amuyin pa ng husto ang naturang unan.
"Mali! Mali! Dapat magalit ako ng sagad sa buto sa taong iyon!" Inihagis niya ang unan sa sahig at kumuha ng panibago.
"Ibig sabihin dito siya natulog kasama ko, dapat pala inagahan ko ang gising, para nahuli ko siya." May panghihinayang na sabi niya.
___
TRIXIE's POV
"Hello Denise, anong balita sa ipinagawa ko sayo kagabi?" Nakahiga sa kama habang may kausap sa cellphone.
"Okay na girl, nakuhanan ko si Liesly ng picture, pero tulad ng sinabi mo, hindi ko isinama ang mukha ng lalaki, nakatalikod siya." Napangiti siya sa narinig.
"Good, iupload mo na yan sa lahat ng social media sites."
"Hindi mo man lang titingnan?" Denise
"Later girl, kapag nagtrending na, lagyan mo ng magandang caption." Dagdag pa niya.
"Very effective talaga ang bago kong natuklasang s*x enhancer, Hahahaha. Dapat pala video recorder ang ginamit ko. Liesly's s*x life! Oh di ba girl bongga." Inilayo niya sa tenga ang cellphone dahil sa matinis na pagtawa ng nasa kabilang linya.
"Iupload mo, ngayon na." Pagmamadali niya dito.
"Oo ito na, nagloloading pa itong laptop ko, mahina ang internet." Sagot nito.
"Sh*it! Fine! I'll call you later."
"Tingnan ko lang Demark kung Hindi mo pandirihan ang PA mo, and I'm sure si tito Rodrigo ang unang magpapalayas sa alalay mo. Kahit si tito ay inaagaw ang atensyon na dapat ay sa akin lang, I hate you Liesly!" Sigaw niya sa huling sinabi.
***UNEDITED***