chapter 7

2320 Words
LIESLY/SISAY'S POV "Mr. Rodrigo, ipinapatawag n'yo daw po ako." Sumilip siya sa loob ng library at nakitang nakaupo ito, waring hinihintay siya. Wala itong kangiti-ngiti at seryosong nakatingin sa kanya matapos sabihan siyang maupo. "Liesly, tinatanggal na kita bilang assistant ng anak ko." Hindi niya inaasahan ang sinabi ng kaharap. "Mr. Rodrigo, bakit po? May nagawa po ba akong pagkakamali? Inaayos ko naman po ang trabaho ko." Natatarantang paliwanag niya. "Pagdating sa trabaho mo, wala akong maipipintas." Mr. Rodrigo "Kung ganun, bakit po ninyo ako sisisantehen?" Nag-aalalang tanong niya. Ngayon pa lamang ay nag-aalala na siya, Baka wala na siyang maging amo na kasing bait nito. Sa halip na sumagot ay iniharap nito ang laptop sa kanya. "Ano po ito?" Nagtataka siyang tumingin sa mukha ng kausap. "Tingnan mo ang nasa monitor." Seryoso pa ring utos nito Unti-unti niyang ibinababa ang tingin sa laptop na nasa harapan. "A-ako po i-tong-itong mga nasa pic-tures." Nag-uunahan ng tumulo ang kanyang mga luha. Kuha ang mga larawan noong gabi ng kanyang birthday, nakahiga siya sa kama at may lalaking nakayakap sa kanya. Kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha ay nakikita niya ang hubad niyang katawan sa mga picture, iba-ibang anggulo at hindi maitatangging siya iyon. "Liesly, akala ko isa kang mabuting bata, pero ano itong ginawa mo? Dito pa sa loob ng pamamahay ko." Mariing wika ni Mr. Rodrigo "Mr. Rodrigo, hi-hindi ko po alam kung paano nangyari, paggising ko-" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil lalong nanariwa ang lahat sa kanya. Nagtakip siya ng bibig at humagulhol ng iyak. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat ang tungkol dito, dahil nakita niya ang lalaking sumira sa kanyng buhay. "How can you explain about this Liesly? Natulog ka lang at paggising mo wala na ang lahat." Umiiyak siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ni Mr. Rodrigo, naninikip na din ang kanyang dibdib sa matinding pag-iyak. "Alam mo bang isang malaking kahihiyahan para sa akin ang isyung ito? At kapag nalaman ng publiko na dito ka nakatira sa akin ay madudungisan ang pangalan kong matagal na iniingatan." Alam na niya ang patutunguhan ng mga salita ng kausap. "Na-iintin-dihan ko po." Sagot niya sa pagitan ng paghikbi. Muli siyang napasulyap sa monitor at tinitigan ang lalaking nakayakap sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito, kahit nakatalikod sa camera ay parang kilala niya ito, hindi lang niya matukoy kung sino. Instinct. "Pasensya ka na Liesly, but you need to leave my house." Masakit pa rin kahit alam niyang ito ang susunod na sasabihin ni Mr. Rodrigo. "Thank you po sa lahat, Mr. Rodrigo." Pinahid niya ang mga luha at pilit pinakalma ang sarili. Tumango lamang ito ng magpaalam siyang mag-iempake ng mga damit. Mabilis niyang nailagay sa isang bag ang ilang piraso ng mga damit ng mapansin niya ang alahas na ibinigay ni Mr. Rodrigo. Nagpasya siyang ibalik ito sa amo at ang relong kasama nito ay katibayan niyang mapanghahawakan. Nakapagtatakang paano sila nakuhanan ng picture? Ito ang kanina pa niya iniisip, ibig sabihin may iba pang nakakaalam ng nangyari at posibleng ang taong iyon ang kumuha ng mga picture. "Bilisan mong umalis dito, the door is widely open Liesly, ikaw na lang ang hinihintay." Nakakalokong tumawa si Trixie, nakasandal ito sa may pintuan. Hindi niya pinansin ang babae at mabilis na inilagay sa bag ang relo, habang ang alahas naman ay nanatiling hawak. "Gotcha! Hindi nababagay sayo ang mg ito." Walang sabi-sabing inagaw nito ang kahon ng alahas. "Ibalik mo sakin 'yan, isasauli ko ang mga 'yan Kay Mr. Rodrigo." Ngunit inilayo pa ito ni Trixie. "Nope, ako na ang magsasauli kay tito." Trixie "Get outta here!" Wala siyang nagawa kundi ang pabayaan si Trixie at mabibigat ang mga paang lumabas ng kwarto. Tumigil siya sandali ng mapatapat sa kwarto ni Demark, nakasara ito at sa palagay niya ay natutulog pa ito. Gusto sana niyang magpaalam dito, kakaiba man ang ugali ng kaklase ay napakalaki ng naitulong nito sa kanya. "What are you waiting for? Bilis!" Itinulak siya sa likod ni Trixie, dahilan upang magpatuloy siya sa paglalakad. Pagdating sa baba ay naabutan niya sa salamin si senyora Melinda at mukhang masaya ito sa kanyang pag-alis. Ito ang gusto nilang mangyari. Dire-diretso siyang naglakad palabas ng main door at hindi pinansin ang mag-inang nagtatawanan. Hindi niya nakita si Mr. Rodrigo, marahil ay umalis ito. Papalabas na siya ng gate ng maulinigan niya ang boses ng kaklase sa may garahe at parang nakikipagtalo kung kanino. "You can't do this papa, she's not leaving in this fuckung house!" Kahit malayo ay malinaw niyang narinig ang sinabi ni Demark. "Bakit nag-judge ka agad sa kanya? I know her, hindi ko pa man nakakausap si Lesley alam ko na nagsasabi siya ng totoo. She is the victim here, papá," "Son listen to me-" "No, you listen to me papa, she's not leaving," Hindi na pinakinggan ni Lesley ang usapan ng mag-ama, makabubuting huwag na siyang abutan ni Demark baka siya ang maging dahilan ng pagkakaroon ng hidwaan ng mag-ama. "Hindi ka aalis," Napalingon si Lesley sa pamilyar na boses, nakita niya si Demark na nakalabas na din ng gate upang pigilan siya. Hinawakan agad siya nito sa isang kamay at ang isa naman ay kinuha ang malaki niyang bag. "Paano ang papá mo? Hindi siya naniniwala sa 'kin." muli na namang umagos ang masagang luha sa kanyang pisngi. "Nakausap ko na si papá, you don't have to worry about him, okay. Halika na bumalik na tayo sa loob." Nagpahila siya kay Demark at hindi na nagmatigas pa dahil wala din naman siyang pupuntahan. Ang kanyang ina ay matagal na niyang hindi nakikita Simula ng Iwan siya sa tiyahin ang huling balita niya ay mayroon na itong bagong pamilya sa Davao, wala din silang kumunikasyon ng ama. ---- "You're three weeks pregnant." Nayanig ang buong katawan niya sa sinabi ng doctor. Bago sila pumunta dito ni Demark, may palagay na posibleng buntis siya. wala siyang morning sickness pero hindi dumating ang buwanang dalaw niya na 'di nadedelay kahit minsan. Mas masakit pa rin pala ang katotohanan. Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Demark sa kanyang isang kamay. Nangingilid ang mga luhang nagyuko siya ng ulo, upang maitago ang tuluyang pagtulo nito. "Thank you doc." Si Demark na ang nakipag-usap sa doctor at wala siyang naiintindihan. Ukupado ang utak niya sa kanyang kalagayan. Lutang siyang inalalayan ng kasama at namalayang nasa loob na sila ng kotse ng lalaki. Dito na siya tuluyang bumigay, itinakip niya ang dalawang palad sa mukha at pinakawalan ang kanina pang pinipigilang emosyon. "I'm here, you need to be strong Liesly." Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. "Ba-kit ka-i-langang mang-ya-ri ito sa-kin." Sabi niya sa pagitan ng pag-iyak. "Hindi ko ka-ya, hin-di ko ka-ya..." "That's why I'm here, Hindi kita pababayaan." Pag-aalo ni Demark habang hinihimas ang likod niya. "Hi-hindi, wa-la kang ob-li-gasyon sakin, may sa-ri-li kang bu-hay." Inalis nito ang dalawang kamay niya at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad ni Demark. "Listen to me, may obligasyon na ako sayo mula pa noong iligtas kita sa tiyahin mo. At habang buhay kitang magiging obligasyon." Tumatagos sa puso niya ang bawat katagang binigkas nito. "Ba-kit, bakit, ginagawa mo sa akin ito? Isang hamak na alalay lang ako." Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. "Honestly, I don't know. All I know is you need my help." Huminga ito ng malalim. Dama niya ang pagiging sinsero ng mga sinabi ni Demark. "From now on, I don't wanna see you're crying." Pinahid nito ang mga luha niya sa mukha. "Baka kapag lumabas ang baby mo, iyakin din." Tumawa siya ng mahina sa biro nito, mahirap ang kalagayan niya ngayon, subalit gumagaan ito dahil kay Demark. Kahit papaano mayroon siyang masasandalan. Paano kaya ako, kung di ko nakilala si Demark? "Dumaan muna tayo sa pharmacy, bibilhin ko ang reseta ni doc." Pahayag nito bago binuhay ang makina. Matapos nilang bumili ng vitamins ay napagpasyahan din ni Demark na kumain sila ng dinner sa nakitang restaurant. "Oh, here comes our p**n Princess!" Panunuya ni Trixie ng naabutan nilang nakaupo sa sala. "Presenting!" Tumatawa pang sabi nito. "Shut up! You're not helping." Pinukol ni Demark ng masamang tingin ang babae. "Demark, wag mo na lang pansinin," Lalong lumakas ang tawa ni Trixie at halos mabingi siya. "Ipinagtatanggol mo ang babaeng iyan! Pinagsawaan na ng kung sinong lalaki at baka noon pa man gawain na niya ang-" Hindi nito naituloy ang iba pang sasabihin ng mabilis damputin ni Demark ang remote control at batuhin, tinamaan ito sa mukha. Dahilan upang mamula ang babae, marahil ay sa pagkapahiya. "Try to insult her again Trixie, hindi lang iyan ang matitikman mo. Kahit babae ka, papatulan kita." Pagbabanta ni Demark "Isusumbong kita kay tito!" Naiiyak na sigaw ni Trixie. "Go! The hell I care!" Tinalikuran ni Demark ang babae at nilapitan siyang nakatayo lamang habang pinapanood ang dalawa. "Let's go. Sabihin mo sa akin, once na ginulo ka ni Trixie." Hinawakan siya nito sa isang braso at iginiya paakyat ng hagdan. "Ahhh..... b***h!" Naririnig nilang sigaw ni Trixie kahit malayo na sila. "Wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano, matulog ka na. And make sure nakalock ang pinto mo." Paalala nito bago siya iwan at lumabas sa kwarto niya. Sinunod niya ang sinabi nito at sinigurong nakalock ang pinto. Naisip niyang baka naiwanang hindi nakalock ang pinto noong gabi ng birthday niya. ____ "Ayaw mo talagang sumama?" Paninigurong tanong ni Demark habang inihahatid niya ito sa labas ng mansion. "Mabilis ka naman siguro, green apple lang ang bibilhin mo." Nakangiting sagot niya. Ilang araw na magmula ng malaman nilang nagdadalang tao siya. Simula noon ay hindi siya iniwan ni Demark, madalas magkasama sila ng lalaki. Kapag inaaya ng barkada ay dito pinapapunta sa mansion. Lumalabas lang ito kapag may ipinapabili siya tulad ngayon. "Yeah, ang takaw naman kasi ng baby natin, four weeks pa lang kung anu-ano ang hinihingi." Nakangiting Biro nito. "Bro, what else? Would you like to try whiskey, wine, anything, just tell me." Yumuko pa ito sa tapat ng tiyan niya. Baby natin? Ito ang madalas sabihin ni Demark at palagi ding kinakausap ang baby niya. "Fetus pa lang ang baby ko, gusto mo ng lasingin." Biro niya. Tumayo na ito at ngumiti sa kanya. "Ganyan dapat, palagi kang ngumiti." Nakangiting sabi nito. "Ikaw din, ganyan dapat, palagi ding nakangiti." Mabilis niyang sagot. "Akala ko Hindi ka marunong ngumiti eh." "Hindi pa ako palangiti marami ng nagkakagusto sakin, ano pa kaya kung smiling face ako?" Pagyayabang nito. Napapansin din niya, palagi itong gumagawa ng paraan upang patawanin siya. "Yabang mo po, oo na." Nakangiti pa ring sagot niya. "Aalis na ako, baka mag-alburuto ang baby natin sa gutom. Dito ka maghintay mabilis lang ako." Inalalayan siya nitong maupo sa bench malapit sa gazebo. "Bro, wag makulit sa mommy mo, understand? Be a good boy." Hindi niya mapigilan ang sarili na tumawa sa sinabi ni Demark. Hindi pa nga nila alam ang gender pero parang sigurado na ito na lalaki ang magiging anak niya. "Akala mo talaga, sumagot ang baby ko sa sinabi mo." "Liesly, baby natin. Hindi man ako ang totoong ama ni bro, I should treat him like my real child." Sumeryoso ito bigla dahil sa sinabi. Hindi siya nakapagreact at nanatiling nakatingin lamang sa mga mata ni Demark. Lalo na ng hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya at ilagay sa likod ng kanyang tenga. "I really need to go, baka umiiyak na si bro sa loob ng tummy mo." Ngumiti ito at mabilis na tumakbo papuntang garahe. Ng dumaan si Demark, sakay ng kotse ay kumaway pa ito, kaya ginantihan niya ito. Napabuntong hininga siya ng tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. Demark, thank you, hindi ko alam ang gagawin ko, kung wala ka sa tabi ko. "Sarap naman ng buhay mo, mahal na prinsesa. Sana pala nagpabuntis din ako sa ibang lalaki, ng sa ganun ay akin lang ang atensyon ni Demark. p**n PRINCESS!" Bilang sumulpot si Trixie sa harapan niya. Nakairap itong tumingin sa kanyang tiyan at muling nagsalita. "Magkaroon ka naman ng kahit konting kahihiyan! Nagpabuntis ka na nga at si Demark pa yata ang mananagot sa bunga ng kalandian mo. Or maybe, sinadya mo ang lahat ng 'yan! Despesrada!" Sigaw nito sa pagmumukha niya. "Hindi totoo 'yan!" Nanginginig ang katawan sagot niya. Ayaw na sana niyang patulan si Trixie, kaya lang sumusubra na ang babae. "At ano ang totoo?" Tumawa ito ng pagkalakas-lakas. "Dapat d'yan sa pesteng bata na 'yan ay mawala!" Bilang nanlisik ang mga mata ng babae. Nakaramdam siya ng takot sa sinabi at mukhang hindi ito nagbibiro. "Trixie, saan mo ako dadalhin?" Nagpumiglas siya ng hilahin ang kanyang isang kamay. "Kailangan mawala ang peste mong anak! Pati na rin ikaw!" Mahigpit siyang hinawakan nito at kinaladkad patungo sa kotse. "Nababaliw ka na! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari." Inipon niya ang lakas at itinulak si Trixie, dahilan upang makawala siya dito. Tatakbo na sana siya pabalik sa loob, upang magkulong sa kwarto ng tumayo si Trixie at sipain ang likod niya, padapa siyang bumagsak. Sa sobrang lakas ng pagbagsak ay pumutok ang labi niya at agad na nalasahan ang dugo. Hindi iyon ang inalala niya kundi ang kanyang anak, mabilis na pinakiramdaman kung sumasakit ang tiyan. "Nagkamali ka ng binangga, b***h!" Naramdaman niya ang muling pagsipa ni Trixie sa kanyang tagiliran. Napahiyaw siya sa sakit at agad na hinawakan ang bahaging iyon. "Trixie, 'wag ang anak ko." Namimilipit sa sakit ng tagilirang pakiusap niya. "Kulang pa 'yan sayo, taste this my b***h kick again!" Ipinikit niya ang mga mata at hindi magawang tumayo. __ ***UNEDITED***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD