chapter 13

2077 Words
Natigilan si Lesley sa huling sinabi ni Trixie, hindi pa nga siya nakakabawi sa labis na pagkagulat dahil sa walang pasabi na pagdating ng taong naging dahilan sa muntik na pagkawala ng baby niya. Kung sabagay wala siyang karapatan ito na pagbawalang pumunta dito. Nanginginig ang mga kamay na napahawak sa tapat ng tiyan sa takot na baka may gawin na namang masama sa kanya ang babae. Masasakit ang mga salitang binitiwan ni Trixie pero ang mas inaalala niya ang magiging reaksyon ni Landon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit mahalaga sa kanya na baka maniwala ang lalaki sa mga pinagsasabi ng pamangkin nito. Pigil ang luha na huwag kumawala sa kanyang mga mata na sinalubong ang nagbabagang mga mata ni Landon. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili sa harap ni Landon ngunit ang pagkibot lamang ng kanyang mga labi ang nagawa niya. “Go to your room, Lesley.” Hindi inaalis ang tingin sa kanya ni Landon nang buksan ang maindoor. Gumagalaw ang mga panga nito at matalim ang mga mata na nakatitig lamang sa kanya. Buong pangalan din niya ang binigkas ng lalaki hindi ang nakasanayan nitong itawag sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin nito-galit ang binata. “Hi-hindi totoo ang mga sinasabi ni Trixie, wala akong plano na ganoon,” Hindi niya alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob, ang gusto lang niya sa ngayon ay siya ang paniwalaan ni Landon. Kahit maliit ang tsansa na mangyari iyon dahil pamangkin nito si Trixie. “Ako ang mas nakakakilala sa kanya, uncle, kaya alam ko ang galawan ng babaeng 'yan,” mataray na dagdag ni Trixie, nakuha pang humawak sa braso ni Landon tanda na paniwalaan ito ng tiyuhin. “Hindi-“ “Are you depth? I said, go to your room now.” Mariing wika ni Landon at hindi na pinatapos ang iba pa niyang sasabihin. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Landon at Trixie. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki habang ngiting tagumpay naman si Trixie. Bago pa tuluyang bumuhos ang kanina pa pinipigilang mga luha ay nagtatakbo siya papasok sa loob ng bahay diretso papunta sa kuwartong ginagamit. May iba pang sinabi si Landon ngunit wala na siyang naintindihan dahil pagtalikod pa lamang niya ay nagpaligsahan na ang mga luha niya sa pagbagsak. Pagdating sa kuwarto agad siyang dumapa sa kama at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi ng mga sandaling iyon. Kung narito si Demark ay hindi ito makapapayag na pagsalitaan siya ng masama ng kahit na sino. Basang-basa na ang unan ni Lesley pero balewala iyon, awang-awa din siya sa sarili. Hindi na siya umaasa na papakinggan ni Landon ang side niya, malamang tulad ni Trixie ay masama na din ang tingin sa kanya ng lalaki. “Magkakalahi nga sila, pareparehong masasama ang pag-uugali. Mabuti na din siguro na magalit sa akin si Landon ng sa gano'n ay makauwi na ako sa Cebu.” Mahabang sandali pa ang lumipas na wala siyang ginawa kung 'di ang umiyak nang umiyak. Lalo siyang nalungkot dahil walang Landon na dumating para kumustahin ang baby niya. Nasanay siya na kapag ganitong oras ay nakahanda na ang kanyang meryenda. Baka nagpapabook na ito ng flight patungong Cebu. Bakit ba mas nasasaktan siya sa isiping mapapalayo sa lalaki? Samantalang masama naman ang ugali nito. HINDI halos maimulat ni Lesley ang mga mata resulta ng walang tigil niyang pag-iyak kanina. Wala siyang ideya kung ilang oras siyang nakatulog, nang ilibot ang paningin sa buong kuwarto ay madilim na. Nang makapag-adjust sa dilim ay kinapa niya ang switch ng lampshade na nasa katabi ng kama. “Bakit ka tumakbo kanina?” Kasabay ng pagkalat ng liwanag sa buong silid ang naninitang tinig ni Landon ang nabungaran niya. Hinanap niya ang nagsasalita, nakadekuwatro ang lalaki na nakaupo sa gilid ng kama kung saan ito natutulog. Unang araw pa lamang nila dito ay hindi pumayag ang lalaki na mapag-isa siya sa kuwarto, katuwiran nito ay baka daw sumakit bigla ang tiyan niya at least daw narito ito para maisugod siya sa ospital. Kaya naman hindi niya nagagamit ang buzzer na itinuro ng lalaki na pipindutin kapag may kailangan siya. “Kabilin-bilinan ng doktor mo kanina na maging maingat sa bawat pagkilos. But when we get home kumaripas ka agad ng takbo. Paano kung nadulas ka o nadapa? Alam mo naman na risky ang first trimester ng pregnancy mo, kid. Hindi mo ba tinandaan ang mga sinabi ng obgyne?” Siya pa ngayon ang mali, nakalimutan ba ni Landon kung bakit siya tumakbo? Himutok niya ngunit hindi maisatinig. “You need to eat your dinner it’s very late. Tulog-mantika ka kanina pa kita ginigising!” Tumayo si Landon matapos tingnan ang pambisig na relo. Umikot ito patungo sa kabilang side ng kama kung saan siya nakapuwesto. Maraming katanungan si Lesley kay Landon habang inaalalayan siya ng lalaki patungo sa kusina pero sa tuwing susubukan niya ay umuurong ang kanyang dila. Natatakot siya sa maaaring isagot nito. Pasimple din niyang hinanap si Trixie pero bigo siyang makita ang babae. Nahiling niya na sana ay umalis na ang pamangkin ni Landon. Napangiwi si Lesley nang makita ang pagkain na nasa mesang pang-apatan. Simula nang magdalang tao siya ay naging mapili siya sa mga pagkain na gustong kainin. Hindi siya nagsusuka o nahihilo Lalo na sa umaga. Kung wala ang resulta ng ultrasound ng baby ay iisipin niyang hindi siya buntis. “You need to eat a healthy food, don’t say no this time, kid.” Ipinagsandok siya ni Landon ng tingin niya ay ginisang brocolli at sinamahan ng grilled chicken. “You should try this, it’s taste like a dumpling pero round shape tulad ng meat balls mas malaki nga lang, this is taste good natikman ko ito sa isang Restaurant sa Germany.” Hiniwa muna nito ang tinutukoy gayundin ang grilled chicken bago ibinigay sa kanya. Ang kaninang parang pari na nagsesermon ay biglang naging kalmado ngayon na bihirang mangyari. Dapat ay galit pa rin ito sa kanya dahil sa mga sinabi ni Trixie. Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang tinawag na kid ng lalaki. Hindi niya mahulaan ang iniisip ng kaharap. Pabago-bago kasi ng mood ang lalaki hindi na siya magtataka kung ang magiging anak nila ay saksakan din ng pagkabugnutin. Naiilang siyang sumubo ng pagkain pakiramdam niya ay pinagmamasdan siya ni Landon, tulad ng dati ay nakayuko na naman ang kanyang ulo. Sa totoo lang ayaw niya ng mga ganitong pagkain, kung siya ang tatanungin hindi niya ipagpapalit ang nakasanayang pagkain sa Cebu gaya ng danggit at mga gulay na makikita sa lugar na kinalakhan. Matapos niyang kumain ay bumalik agad sila sa kuwarto, naiilang man ay nasasanay na siya sa prisensya ni Landon na makatabi sa iisang kama. Iyon nga lang para siyang tuod na hindi gumagalaw sa puwesto niya maging paghinga niya ay pigil na pigil. “Nakalimutan mong uminom ng vitamins, paano kung wala ako sa tabi mo kawawa ang anak ko, ngayon pa lang ay nagpapabayaan mo na,” nagsimula na namang mag-init ang ulo ni Landon. “Sa-an ka pu-punta?” wala sa sariling tanong niya. “What?” Nag-isang linya ang mga kilay ni Landon dahil sa tanong niya. “I am not going anywhere okay, just in case lang na may kailangan akong puntahan.” “Aalis ka pa rin,” may kung anong nakabara sa lalamunan ni Lesley nang magsalita. Bakit ba siya nagkakaganito? ‘Di ba ang gusto nga niya na sana ay hindi na lang siya hinanap ni Landon. “Sa madaling Sabi, iiwan mo pa rin ako,” Napabuga ng marahas si Landon habang hawak ang baso ng tubig at gamot. “Take this.” Inilapit sa bibig niya ang tableta ng vitamins gayundin ang tubig. “Ang kulit mo, kid, ilang ulit ko bang sasabihin na hindi kita iiwan. Ikakasal pa tayo.” Wika ng lalaki sa papahinang tinig. “A-ano?” hindi siya sigurado sa huling sinabi ng kaharap o baka nagbibingi-bingihan lang siya, mali baka gusto lang niyang marinig ulit. “Sabi ko, nakahanda na ang mga gagamitin mo para sa paliligo bago matulog. Look at your hair.” Tiningnan ni Landon ang buhok niyang nabasa ng luha kaya naman nagkadikit-dikit ang ilang hibla ng matuyo. Nagmamadaling tinalikuran siya ng lalaki palabas ng kuwarto bitbit ang baso, wala siyang nagawa kung 'di sundin ang inutos nito. “MY Gosh, Uncle Landon, nababaliw ka na talaga,” halos mabasag ang eardrum ni Lesley sa pagtili ni Trixie. Naaalimpungatan na bumangon si Lesley sa kama, nakita niya si Trixie na nakatayo sa may pintuan hawak ng isang kamay ang doorknob at nanlilisik ang mga mata. Halatang bagong gising lang din ito dahil sa suot na seksing pantulog. “Will you please get out, Trixie, can’t you see natutulog pa kami. Kung ano na naman ang sasabihin mo mamaya na lang.” Puwersahan siyang pinahiga ni Landon upang bumalik sa naudlot na pagtulog. “Close the door when you leave.” Muling ipinikit ng lalaki ang mga mata matapos ayusin ang kumot sa katawan niya. Nagtitili pa ang walang nagawang si Trixie na may kasamang pagpadyak ng mga paa bago tuluyang isara ang pinto. Binalingan niya ang nakapikit na katabi na parang walang nangyari. Samantalang siya ay muling nabuhay ang pag-aalala sa dibdib sa kaalamang narito pa si Trixie. “That is good, palagi mo akong titigan ng sa gano'n ay kamukha ko ang magiging anak natin, kapag sa 'yo nagmana kawawa ang baby dahil pangit ka naman. Tama lang na sa akin magmana ng hitsura I’m sure guwapo o maganda ang anak natin,” hindi nagmumulat ng mga mata na turan ni Landon. “Hindi kita tinitingnan,” mabilis niyang sagot at tumalikod sa lalaki. Pulang-pula na yata dahil sa pagkapahiya. Paano ba nalaman nito na nakatingin siya e nakapikit ito. “Guwapo nga nakakasuka naman ang ugali,” bulong niya saka mariing pumikit ngunit hindi na siya muling dinalaw ng antok. Pero walang magawa kung 'di sundin ang utos ni Landon. “UNCLE, I already told you na hindi ikaw ang father ng baby ng b***h na 'yon. I saw the video and I am sure na hindi ka pa nababaliw para gawin iyon. Bumalik ka na sa Finland, gusto kong sumama sa 'yo susundin ko na ang gusto mo na doon ako mag-aral,” Naudlot ang paghakbang ni Lesley patungo sa kusina, balak sana niyang tumulong sa pagluluto ng hapunan kay Landon kahit imposibleng payagan siyang tulungan. “That’s good to her, Trix, matutuwa ang mommy mo. As soon as possible mag-bo-book ako ng flight. And you’re right hindi ako baliw para-“ Hindi na hinintay ni Lesley na marinig pa ang ibang sasabihin ni Landon dahil alam niya ang iba pang sasabihin nito. Tama nga naman sino ba ang matinong lalaki ang pananagutan ang baby niya ng walang pinanghahawakan na katibayan. Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan. Desisyon na tama para sa kanya at sa baby niya. Hindi siya maghihintay na palayasin dito ni Landon, siguradong mamaya ay kausapin siya ng lalaki upang pauwiin sa Cebu. “Bahala na ang mahalaga makaalis ako dito,” Hindi alam ni Lesley kung paanong nakaalis siya sa bahay ni Landon na walang nakakapansin. Ang problema niya ngayon kung paano makakauwi sa Cebu. Wala siyang pera o cellphone, naiwan sa villa nina Demark ang cellphone na ibinigay nito sa kanya. Nalilitong napatingin siya sa paligid, nagtataasang mga gusali, nagmamadaling mga tao na naglalakad na bawat isa ay may tiyak na pupuntahan maliban sa kanya na walang direksyon kung saan siya patungo. Nanginginig ang mga tuhod na inakyat ni Lesley ang hagdan patawid sa kabilang kalsada. Pinahid niya ang tumatagaktak na pawis sa mukha dahil tirik na tirik ang sikat ng araw. “Ate, pwede po bang makigamit ng cellphone, tatawagan ko lang po ang pamilya ko sa Cebu,” Si Demark ang una niyang naisip na tawagan mabuti na lang memorya niya ang cellphone number ng cellphone na ibinigay nito. Ang hiling na lamang niya na sana ay nasa lalaki ito. “Hindi pwede baka mamaya tangayin mo pa ang cellphone ko at isa pa baka hindi kita kilala,” sagot ng tindera ng mga prutas na nasa gilid ng kalsada, nagtitinda ito gamit ang kariton. Magmamakaawa pa sana siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagmamadali siyang nagtungo sa isang waiting shed kasama ng iba pang nais ding sumilong. Maging panahon pabago-bago din, ngayon mainit mayamaya biglang uulan. Naalala niya si Landon na parang klima pabago-bago ng mood sa loob lang ng isang araw. Marahil alam na nito na umalis siya siguro ay natutuwa pa ito dahil hindi na mahihirapang paalisin siya. --- ***UNEDITED***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD