NAPAMURA si Landon ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinamahan pa ng paminsan-minsang pagkulog. Basang-basa na siya ng ulan pero wala doon ang kanyang and atensyon kung 'di nasa babaeng kanina pa niya sinusundan simula ng lumabas ito ng kuwarto nila. Kanina pa niya pinipigil ang sariling huwag lapitan si Lesley, gusto niyang malaman kung saan ito papunta kahit alam niyang wala pupuntahan dito sa Manila ang babae. Papasok na sana siya sa kuwarto upang yayain ito na kumain sa labas ng launch nang nakita niyang papalabas ng bahay. Sinundan niya ang babae sa pag-aakalang magpapahangin sa labas nang dire-diretso itong naglakad palabas ng subdivision. Mahigit isang oras na niya itong sinusundan na kung 'di pa umulan ay hindi titigil sa paglalakad.
Nagtungo si Landon sa likurang bahagi ni Lesley na walang kamalay-malay na naroon lamang siya habang pinupunasan nito ang braso na nabasa ng ulan. Mabilis na nabasa ang suot na manipis na dress na suot nito. Ang ilan sa kabataang kasama nilang nakasilong sa waiting shed ay nakatingin sa babae na wala namang pakialam sa paligid na bakas ang pagod sa mukha.
"Miss, ipahihiram ko na sa 'yo itong jacket ko."
Nagdilim ang anyo ni Landon nang nilapitan ito ng isang lalaki na sa tantiya niya ay kasing gulang din ni Lesley. Bago pa kuhanin ng babae ang naturang jacket ay mabilis siyang nakalapit sa mga ito.
"Hindi niya kailangan ang tulong mo." Agad na tinabig ni Landon ang kamay ng lalaki na may hawak na jacket, nagulat ito sa ginawa niya pero nanahimik na lang nang tingnan niya ng masama.
"Tama na ang pamamasyal, let's go home." Hinubad ni Landon ang suot na coat at inilagay sa likod ni Lesley na halatang nagulat. Hinawakan niya ito sa isang braso upang igiya sa tinawag na taxi na paparating.
"Hindi ako namamasyal! Ayokong umuwi, hindi na ako babalik doon. 'Di ba sinabi mo na hindi ka pa nababaliw, kaya bakit ka narito?" Parang bata na tungayaw ni Lesley nang makabawi sa pagkagulat, tinabig din nito ang kamay niya.
Pinagtitinginan na din sila ng mga tao sa kinaroroonan. Ayaw niyang patulan ang pagiging isip bata ni Lesley kaya naman muli niyang hinawakan ang braso nito. Nagulat siya sa ginawa ng babae, nasanay siya na tahimik lang ito palagi kahit napapansin niyang hindi bukal sa kalooban nito.
"Yeah, you're right hindi ako nababaliw na hayaan ka na umalis sa bahay." Muli niyang kinuha ang isang braso ni Lesley. Sa pagkakataong iyon ay ginamit ang lakas para mapasakay sa taxi na naghihintay sa kanila. "Ayokong madamay ang anak ko dahil sa pagiging isip bata mo, look at yourself, kid." Pinasadahan niya ang basang babae nang makaupo sa loob ng taxi. "Kapag nakapanganak ka na wala akong pakialam kahit saan ka pumunta, o kahit anong gawin mo sa sarili mo."
"Nakokonsensya ka ba dahil wala akong pera para makauwi sa Cebu? Bakit bibigyan mo ba ako ng pamasahe? Sige, akin na ang pera. Para matapos na 'to. Sino ba may Sabi na kuhanin mo ako para panagutan ang baby ko? Kung sa akala mo gusto kitang kasama, nagkakamali ka. Palaging ikaw na lang ang nasusunod! Para akong robot na kung anong ipag-utos mo ay susundin ko ng walang reklamo. Kahit minsan ba tinanong mo ako kung gusto ko ang sitwasyon natin,ha?"
Natigilan si Landon sa mga sinabi ni Lesley, ngayon lang ito nagsalita ng mahaba. Akala niya ay habang buhay siyang magtitiis na makasama ang isang babae na magiging ina ng kanyang magiging mga anak na mabibili ang mga pagsasalita. Sa halip na magalit ay napangiti siya.
"Pinagtatawanan mo pa ako, anong nakakatawa? Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo." Lalong lumakas ang hagulhol ni Lesley dahil sa ginawi niya. "Hindi porke mas bata ako kesa sa 'yo, pwede mo na akong pagtawanan!" Hinubad nito ang coat na ibinigay niya saka galit na ipinaghahampas sa kanyang mukha. "Ikaw ang pangit hindi ako! Huwag sanang maging kamukha mo ang anak ko. Kapag nangyari 'yon mag-iipon ako ng pamparetoke niya!" Hindi pa nakuntento si Lesley sa ginawang paghampas sa kanya, pinagkakalmot pa nito ang mukha niya at pinuntirya ang kanyang labi.
Hindi inawat ni Landon sa paglalabas ng galit si Lesley, masaya pa siyang ginagawa ito ng babae. Lalo yatang nagalit dahil ang kaninang ngiti ay naging mahinang pagtawa ang lumabas sa kanyang bibig. Kailan nga ba siya huling ngumiti ng tagos sa puso, 'yong walang halong pagkukunwari.
"Boss, saan ko po kayo ihahatid?" Umaandar na pala ang taxi na hindi niya namalayan.
"Sa BGC, manong." Nasulyapan niya ang driver na pigil ang ngiti nang tumango.
"Nakakainis ka alam mo ba 'yon? Gusto kitang patayin sa kalmot! Akala mo kung sino ka na mabango, para sabihin ko sa 'yo nagsasawa na ako sa amoy mo!" Patuloy na litanya ng gigil na gigil na si Lesley habang Patuloy sa ginagawa na umabot na sa kanyang leeg ang pangangalmot nito.
Gusto na niyang humagalpak ng tawa sa mga walang katuturang sinasabi ni Lesley, kahit mahapdi na ang kanyang balat. Bakit pati ang amoy niya ay nadadamay sa galit ng babae.
Humihingal na tumigil si Lesley marahil ay napagod na ito sa ginagawa.
"s**t, ang hapdi!" Napangiwi siya ng kumirot ang mga kalmot ng kuko ni Lesley, eksakto namang naroon na sila sa tinitirhan.
Nang tangka niyang aalalayan si Lesley ay nagmadali itong bumaba ng taxi, hindi na niya hinabol dahil kinailangan niyang magbayad ng pamasahe.
"Siguro, boss, buntis ang asawa mo at kayo ang napaglilihihan. Ganyan na ganyan din kasi ang misis ko noon sa panganay namin," nakangiting kuwento ng driver bago tuluyang umalis.
Napaisip tuloy siya sa sinabi ng driver, bakit nga ba hindi niya naisip na iyon. Well, that's good news excited na siyang makita kung ano ang magiging hitsura ng anak. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya hanggang pagpasok sa loob ng bahay.
"Oh my! What happened to your face, uncle?" Nag-aalalang mukha ni Trixie ang sumalubong sa kanya. "And it's weird, naka-smile ka pa, come here I'll help you to put some ointment,"
"No thank you, Trix, it's nothing I'm okay." Iyon lang at malalaki ang hakbang na nagtungo si Landon sa kuwarto nila ni Lesley. Walang alam ang pamangkin na binalak maglayas ni Lesley. Nag-aalala siya na baka magkasakit ang babae kapag hindi agad nakapaligo ng maligamgam na tubig. "She need a hot shower," kausap Niya sa sarili.
Naabutan niyang naghahanda si Lesley para maligo. Walang imik na mabilis siyang pumasok sa banyo upang timplahin ang shower ng itapat ang kamay at napagtantong tama lang ang init ay sunod niyang ginawa ang paglalagay ng towel sa sahig kung saan tatapak ang babae pagkatapos mag-shower. Mabuti na ang ganito kahit parang sobra na ang ginagawa niyang pag-aalaga kay Lesley masiguro lang na walang mangyayari dito at sa anak niya.
"Mag-shower ka na, baka magkasakit ka,"
Walang imik na nagtungo si Lesley sa banyo ni hindi ito nagpasalamat tulad ng palaging sinasabi nito. Kanina lang ay wala itong tigil sa kakangawa ngayon naman mas lumala pa yata ang pagiging tahimik.
"Ganito ba talaga ang pag-uugali ng buntis o ganoon na talaga siya?"
"ANO bang ipinakain mo kay Uncle Landon? Naging uto-uto na din katulad ni Demark. Ang lakas talaga ng kamandag mo, Lesley. Kunwari ang tahimik mo, bait-baitan, mahinhin pero I know that's your technique para makaakit ng lalaki,"
Natigil sa ginagawang pagsubo ng ice cream si Lesley nang biglang malakas na hilahin ni Trixie ang upuan sa katapat niya, padabog na naupo ito saka sinalubong niya ang matatalim nitong mga tingin subalit siya din ang kusang nagbaba ng tingin.
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo?"
"Alam kong iyan ang sasabihin mo, b***h!" Inagaw ni Trixie ang bowl ng ice cream na kinakain niya. "Kilala ko si uncle, I'm sure may pinaplano siya dahil sa panloloko mo sa kanya, sinasakyan lang niya ang mga trip mo. Hindi 'yon naging matalinong business tycoon for nothing." Kasabay nito ang pagtapon sa bowl ng ice cream sa sahig. "Ops, sorry..." tumatawang iniwan siya ng babae.
Dali-daling pinulot ni Lesley ang nagkalat na nabasag na bowl sa sahig. Mabilis niyang iniligpit ang kalat bago pa maabutan ni Landon, malamang siya pa ang pagalitan ng lalaki.
"Hey, kid, may pupuntahan tayo." Hawak ni Landon ang susi ng kotse sa isang kamay nang masalubong niya sa hallway patungong kuwarto.
Tumango lang siya saka sumunod kay Landon palabas ng bahay.
"Prince Landon, look at this news." Humahangos na dumating si Dimitri galing sa tinitirhan nitong bahay na nasa kabilang kalye lang na pag-aari ng lalaki, ipinamana daw ito ng mga magulang. Napag-alaman niyang half-filipino pala ang alalay mas mukha nga lang itong foreigner dahil kamukha siguro ang ama. "The L Restaurant is burning now in France, and the manager called me a minute ago."
"Of all my business bakit ang L Restaurant pa. Call my pilot and get ready my jet,"
"Yes Prince." Tumalima agad ang inutusan sa sinabi ni Landon.
"Ihahatid na kita sa kuwarto mo, hindi na tayo matutuloy sa pupuntahan natin maybe next time na lang." Inalalayan siya ni Landon pabalik sa kuwarto. "Kailangan kong pumunta sa Finland, si Dimitri na muna ang bahala sa 'yo habang wala ako."
"Hindi ka na ba babalik?" may garalgal sa tinig ni Lesley ng magtanong. Alam na niyang iyon ang sasabihin ni Landon pero nabigla pa rin siya.
Pagak na tumawa si Landon. "Of couse not. Babalik ako agad kapag naayos ko na ang mga dapat asikasuhin sa restaurant. The L Restaurant is my life, hindi pwedeng mawala iyon. Mawala na lahat ng negosyo ko 'wag lang ang isang 'yon." Makahulugang sabi ng lalaki.
Ngayon pa lang ay namimiss na niya si Landon hindi pa man ito nakakaalis. Wala naman siyang karapatan na pigilan ito.
"I need to get ready my things, sa isang guest room na muna matutulog si Dimitri habang wala ako. By the way narito naman si Trixie, pagpasensyahan mo na lang kung may pagkamaldita ang pamangkin ko pero mabait iyon."
"Wala namang pagmamanahan ng kabaitan!" wika niya sa isip.
Hindi siya kumbinsido sa sinabing mabait si Trixie, kapag nasa paligid ang babae tiyak na gagawa ito ng mga bagay na ikapapahamak niya.
Tumalikod na si Landon matapos siyang paupuin sa kama at binuksan ang tv. Muli siyang tumayo upang habulin ang lalaki. Nang maabutan niya ang lalaki ay nasa pintuan na ito ng katabing kuwarto kung nasaan nakalagay ang mga damit nito. Kahit magkasama silang matulog sa iisang kuwarto ay sa katabing silid nakalagay ang mga gamit ng lalaki na ginawa din nitong opisina.
Nakatalikod si Landon sa kanya kung kaya hindi siya napansin nito, akma na nitong bubuksan ang pinto nang hawakan niya ang kamay ng lalaki na nakahawak sa doorknob. Halatang hindi inaasahan ni Landon ang ginawa niya base sa nakaawang nitong mapupulang mga labi dahil siguro sa pagkagulat. Nagsusumamo ang mga mata niyang sinalubong ang nagtataka nitong mga mata.
"Kung may kailangan ka tawagin mo si Dimitri, nagtext na ako sa kanya. I think nasa sala 'yon. Nagmamadali ako." Inalis ni Landon ang kamay niyang nakahawak dito.
Parang umurong yata ang dila niya sa nais sabihin kaya naman wala siyang nagawa nang pumasok sa loob ng kuwarto si Landon at isara iyon. Laylay ang balikat na bumalik siya sa sariling kuwarto.
Magkukulong na lang siguro siya dito sa loob ng kuwarto habang wala si Landon ng sa gano'n makaiwas kay Trixie.
Mayamaya ay nakarinig si Lesley ng papaalis na sasakyan kaya dali-dali siyang sumilip sa bintana. Nakita niya ang papaalis na kotse ni Landon, marahil nakasakay na doon ang binata.
"Napakawala mong kuwentang daddy, hindi ka man lang nagpaalam sa baby natin." Naiiyak na kausap ni Lesley sa sarili. "Hindi mo ba alam na kahit nasa tummy ko pa lang si baby, aware na siya sa nangyayari sa outside world!" Nakasilip pa din siya sa bintana umaasang babalik ang kotse para magpaalam ang lalaki. "Mamimiss ka ni baby e, hindi ka man lang nagpaalam. Gustong-gusto pa naman ni baby ang mabango mong amoy pero wala naman akong magawa para pigilan ka kahit para kay baby na lang." Tumutulo na din ang sipon niya kasabay ng masaganang luha habang nakatanaw sa labas.
Naalala ni Lesley noong iwan siya ng ina sa bahay ng Tiya Mely niya. Wala siyang nagawa noon kung 'di ang umiyak nagmamakaawa na huwag iwan ng ina. Hinabol pa niya ito hanggang sa kalsada pero agad siyang pinigilan ng tiyahin. Napakahirap malayo sa magulang lalo na sa ina at ngayon muling nanariwa ang pakiramdam na ayaw niyang iwanan ng taong napalapit na sa kanya. Ngayon pa lang ay sobra na siyang nangungulila sa lalaki. Aaminin niyang unti-unti na siyang nasasanay sa prisensya ng ama ng kanyang baby. Kung kailan naman na nakakapag-udjust na siya sa sitwasyon saka umalis ang lalaki.
___
Happy reading....
**UNEDITED**