Chapter 4

1086 Words
"How many times do I have to tell you na ayokong uminom nyan! Wag na wag ka ng babalik dito!" Mula sa malayo naaninagan ko si Jack na may kausap na babae at sa pagkaka alam ko ganon ang uniform ng mga maids. Takot na takot ang mukha ng matanda dahil sa pagsigaw ni Jack. May ibinato na kung ano si Jack doon sa babae. Sinundan ko ng tingin si Jack habang papasok ng University. Doon ko nilapitan ang babae kanina. "Hello po" magalang na bati ko. Tinignan ako nito at nginitian "May kailangan kaba iha?" Napakamot ako ng batok ko "Itatanong ko po sana kung ano po ba yang iniaabot nyo kay Jack?" Usisa ko. Naging malikot ang mga mata nito. Marahil ay ayaw nyang sabihin ang kalagayan ni Jack. "Wag po kayong mag alala kaibigan po ako ni Jack. Ako po si Eingrid Audrey Lopez" pagpapakilala ko Bakas sa mukha ng matanda ang gulat. Saan ba sya nagulat? Doon sa sinabi ko na kaibigan ako ni Jack. "Kaibigan ba kamo?" Pag uulit pa nito. Ngumiti ako at tumango. May pag aalinlangan man ay iniabot nya saakin ang isang kahon na may laman na iba't ibang gamot. "Yang alaga ko may mental disorder. Bipolar disease. Mabilis magpalit ng mood minsan tahimik lang yan tapos biglang magagalit at mananakit ng ibang tao. Obssess. Isa rin sa mga sakit nya. Ayaw nyang inumin ang gamot nya dahil akala nya ay itinuturing namin syang isang baliw" Gulat at Awa ang nararamdaman ko ngayon. May mental disorder si Jack kaya pala ganyan sya. "Ako na po ang bahala sa gamot nya." Naka ngiting tugon ko. "Salamat anak. Sana makumbinsi mo sya na inumin ang mga gamot nya. Mauna na ako at may lalakarin pa ako" Tumango ako bago sya umalis sa harapan ko. "Ay ineng! Maaari ko bang kunin ang cp number mo?" Ibinigay ko kay manang yung number ko. Titig na titig ako sa isang maliit na kahon na hawak ko. Ayaw uminom ng gamot ni Jack dahil akala nya ay iniisip nang iba na baliw sya. Pagpasok ko naman dumeretso ako sa cafeteria. Usapan kasi namin ni Jack kagabi bago kami maghiwalay ay magkikita kami dito. Ikinwento ko kay mommy ang tungkol kay Jack kaya pinabaunan nya ako ng pagkain para ibigay kay Jack. Iginawa ko din sya ng paborito kong dessert. Naka ngiti akong pumasok sa cafeteria. Kumaway ako sakanya ng magtama ang mga mata namin. Kumaway naman ito pabalik habang naka ngiti. Konti palang ang tao dahil maaga pa. Inilapag ko sa harapan nya ang iniluto ni mommy. "Pinapabigay ni mommy. Adobong manok yan at ginawan na din kita ng dessert. Graham balls" Lumawak ang ngiti ni Jack dahil sa pagkain na dala ko. Binuksan nya iyon at inamoy. "Sarap" komento nya. Umupo ako sa harapan nya. Pinagmasdan ko lang sya habang kumakain. Ang cute cute nyang ngumuya. Hinawakan ko ng mahigpit ang gamot nya sa aking mga kamay. "You want?" I convulse my head "Makita lang kitang kumakain busog na ako" "Dapat na ba akong kiligin?" Pagbibiro nito na tinawanan ko lang. "Hmmm Jack" pag aagaw ko ng atensyon nya pagkatapos nyang kumain. "Yes?" Naka ngiti namang sagot nya. Buong lakas kong itinaas at inilagay sa mesa ang mga gamot nya. Mabilis nya nawala ang ngiti sa mga labi nya. "Hayaan mo muna akong magsalita." pagpuputol ko sakanya. Huminga ako ng malalim "Nakita ko kasi yung ginawa mo sa kasambahay nyo kanina. She care for you kaya ginagawa nya to. You need to take your medicine. Can you do this for me?" Pangungumbinsi ko sakanya. Itinaas nya ang kamay nya napapikit ako dahil sa kaba. Binuksan ko ang mata ko at ang sumalubong saakin ay si Jack na umiinom ng gamot. "Thankyou Jack! Promise me iinomin mo na lahat ng yan ah? Ay wait. Where's your phone" Inilahad ko ang kamay ko sa harapan nya di naman ako nabigo dahil ibinigay nya ang cellphone nya. Idinail ko ng number ko. "Alright! Save my number. Tatawagan kita kapag iinom kana ng gamot. Baka makalimutan mo eh! Dont worry walang makaka alam dito" pagpapanatag ko ang loob nya. "I will." Maikling sagot nya. Iniligpit ko na ang pinagkain nya at inilagay sa bag ko. "Tell your mom na masarap ang luto nya. Next time pag baon ka ulit ah?" Natawa naman ako sa sinabi nya. Di naman sa pinagyayabang pero masarap talaga magluto si mommy. "Yes. Araw araw pagdadalhan kita ng pagkain. If you want pagluluto pa kita. Basta promise me you wont skip your medicine okey?" Paalala ko sakanya. Yung ngiti ko walang paglagyan dahil sa saya. Akala ko mahihirapan ako sa pangungumbinsi ko sakanya. "Why are you doing this?" Tanong nya. Di naman ako nagulat dahil alam kong itatanong nya yan. "I want to help you to past this challenges in your life Jack. I promise I will stay by your side" Itinaas ko ang kanang kamay ko tanda na nangangako ako. Ngumiti lang sya bilang sagot at hinawakan ang kamay ko. Medyo nasanay na ako sa ginagawa nyang pag hawak sa kamay ko. Napansin ko hobby nya ang humawak ng kamay. Padami ng padami ang estudyante na pumapasok. Napapalingon lahat sila pag nakikita nila kami. "Oh gosh! Totoo pala ang balita! Sila na!" "Geez! Di ba sya natatakot kay JM!" "Daig pa ni JM ang monster kung umasta eh" Napa igting bagang si Jack sa mga naririnig nya. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nya. Kinuha ko ang ear phone sa bulsa ng bag ko. I play a music and I put the ear phone to him. "Try to listen sa mga kanta para ma refresh ang utak mo" natatawang sambit ko kahit sa totoo lang ay awang awa ako sakanya. Ngumiti lang sya ng tipid. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag nya. Di ko pinansin ang mga tingin ng estudyante saamin. Kahit naman anong gawin mong tama may masasabi at masasabi pa rin sayo ang mga tao. Thats life. You just need to deal with it Pagdating namin sa tapat ng classroom. Nakasilip lahat sa bintana ang mga estudyante. Binitawan nya ang kamay ko Inalis nya ang ear phone ko at inilagay saakin. Titig na titig lang ako sakanya halos di ko na marinig ang kanta na tumutunog sa tenga ko dahil tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko. "You need it more than me. Takecare susunduin kita mamaya." Na estatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa nya. He kiss me In my lips. Tubig pleaseee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD