CHAPTER 2

1168 Words
Halos mag wawalong taon ng patay ang tunay na ama ni Gian.  Namatay ito sa kasong Hit and Run. Mula noon at hanggang ngayon ay hindi man lang sila naka kuha ng supporta mula sa taong naka sagasa sa kanya, at mistulang parang simpleng bagay lang ang nangyare at natabunan ng ibang kaso ang sa pag kamatay ng kanyang itay. Tuluyang nalimot ng panahon, nalibing sa hukay ng kawalang pag asa. Pitong taon palang noon si Gian ng pumanaw ang kanyang ama at ang kanilang bunso ay kasisilang palamang, halos di ka yanin ng kanilang ina ang lubos na hinagpis at kasawian sa pag kawala ng kanilang padre de pamilya, mabuti nalang at dumating ang matandang si mang berto na naging masugid na manliligaw ng kanilang ina. Ubod ng bait nito kung kaya ay naka pag palagayang loob ni Aling Pasita, ngunit di nag laon ay ipinakita din nito ang totoo niyang kulay. Walang araw na hindi nag tatalo ang bagong mag asawa na humantong sa pananakit ni Mang Berto kay aling pasita. "ayos na lahat ng gamit natin ate" "mabuti, sigurado kang wala kang nakalimutang importante?" paninigurado ni Gian sa kanyang bunsong kapatid " Anak, eh san naman tayo maninirahan? wala tayong isang kamag anak pag umalis tayo sa lugar at bahay na ito" may pag aalin langan na himig sa boses ni aling pasita. " Ako ang bahala inay, mag tiwala kayo, hindi ko kayo pababayaan ni buknoy" determinadong saad ni Gian sa kanyang ina at kapatid. Walang nagawa si Aling pasita kundi ang pag patianod at mag tiwala sa kanyang panganay na anak. Isang ginhawa nadin ito para sa kanya ang matakasan ang mapang abuso at malupit na kinasama na si Mang Berto, magiging panatag nadin ang pag tulog niya dahil hindi na niya aalahanin ang kanyang mga anak sa tuwing maiidlip siya sa gabe. Ngunit andun padin ang konting pangamba sa kanya na baka hanapin sila at hindi sila tigilan. Ngunit sa ngayon ang nasa isipan niya lang ay malayo din ang kanyang anak sa pang aabuso ni Mang Berto. Nakasakay sila sa isang jeep matapos ang isang oras na pag lipat lipat ng sasakyan ay narating nila ang patutunguhan nila. Ito ay kaibigan ni Gian na nag ngangalang Martina, isang transgender na nag mamay ari ng isang kilalang Salon sa lugar nila. "Pasensya kana Marty, ngayon ko na kailangan ang tulong mo" saad ni Gian sa kaibigan niya "Loka, ano kaba what are friends are for diba?. Saka perfect nga yun eh may kasama na ako sa bahay. Hali kayo tuloy kayo. Basi sa mga dalahin niyo ay nilayasan niyo na ang malupit niyong tiyo." Sagot at saad nito sa mag iina. " Matagal ko na itong plano marty, noong pinag usapan natin at sinabi mong handa mo akong tulungan ay pinag isipan kong mabuti. At alam ko na tama ang desisyon ko. Konting pabor lang sana hanggang sa makahanap ako ng trabaho" sabi ni gian sa kanyang kaibigan Tinulungan ni Marty ang mag iina na maka pag ayos ng gamit at para nadin maka pag pahinga dahil sa layo ng kanilang byinahe. Pinag handaan niya ito ng makakain para busugin ang kanilang mga kumakalam na sikmura at nang sa ganun maibsan din ang kanilang pagod at pangamba. Masaya siya at nagawang maka layo ng kanyang kaibigan kasama ang pamilya nito sa kanilang mapang abusong tiyuhin. Matapos nilang kumain ay pinag pahinga na ni Gian ang kanyang Ina at kapatid. Silang dalawa ni Marty ay minsan pang nag usap ng masinsinan. " Mabuti naman at naka takas na kayo sa kadenang naka gapos sainyong mag iina" sabi nito sa kanyang kaibigan "Nang makita kong pinagmamalupitan na naman ng demonyong yun ang aking inay ay hindi na ako nag dalawang isip na lumaban at ipagtanggol ang aking ina. Husto na ang kanyang pang aabuso saamin maging sa kaawa awa kong nanay. Nang mga sandaling iyo ay isa lang ang nasa isip ko. Ang lumayo sa bahay na iyon at hindi na bumalik. Naisip kita Marty at alam kong matutulungan mo ako. Pakiusap alam kong may alam kang trabaho na mapapasukan ko. Kahit ano basta't mag kakalaman ng sikmura ang aking inay at bunsong kapatid. Nais kong iangat ang aking pamilya sa hirap, nais kong maging maginhawa ang kanilang buhay. At kailan man hindi na nila marasan ang pait ng buhay." pag mamakaawa ni Gian sa kanyang kabigan May pagkahabag si Marty sa kanyang tumatangis na kaibigan, may alam siyang isang trabaho na tiyak na kikita siya ng limpak limpak na salapi. Ngunit nag aalin langan siya na sabihin kay Gian sapagkat ilegal ito at hindi katanggap tanggap sa mata ng naka rarami. Hindi muna siya umimik at inakap ang kaibigan at inaalo ang pag tangis. Pinag iisipan niya kung sasabihin niya ito o hindi. Naisin man niyang bigyan ito ng isang marangal na trabaho, ngunit wala siyang maipapayo sapagkat ganun din ang kanyang pamumuhay. Isa din siyang Cybora. Siya ay taga bigay aliw sa mga lalaking malilibog at puno ng pagnanasa sa harap ng computer. Kaya nga siya ay dahan dahang umaayos ang buhay dahil dito. Nang tumahan ang kaibigan ay buong tapat niyang sinabi ang kanyang trabaho maging ang trabahong nais niyang e alok kay Gian. " Sa totoo lang Gian. Ako rin minsan ay dumanas ng sobrang pag hihinagpis at kahirapan. Pero nakahanap ako ng isang trabahong, mabilis kumita ng malaking halaga ng pera. Yun ay pagbibigay aliw sa mga lalaking puno ng pag nanasa sa harap ng camera o computer. Ito ang nakita kong sulosyon para labanan ang hirap na dinaranas ko. Pero kita mo naman ngayon ang buhay na meron ako. Dahan dahan akong umaangat sa laylayan ng kapos palad. Alam kong hindi marangal ang aking trabaho pero ito na ang patalim na kinapitan ko. Ito lang din ang tangi kong mae aalok saiyo. Pag isipan mong mabuti ito. Pag bibigay ng aliw sa mga lalaking puno ng pagnanasa kapalit ng limpak limpak na salapi." sinserong saad niya sa kaibigan Nabigla si Gian sa pinagtapat na trabaho ng kaibigan pero mag gayon paman ay hindi nawala ang respeto niya dito. Hindi niya lubos mawari kong nais niya ring tahakin ang mundong tinahak at daang binabaybay ng kaibigan niyang si Marty. Pero dahil sa pag kauhaw na magkaroon ng maraming pera at mag karoon ng masaganang buhay ay naiisip niya pasukin ang pagbibigay aliw. Sadyang nasisilaw siya ng salapi, at lahat ay gagawin niya para sa pamilya. May pag aalinlangan man sa isip niya'y, mas nangibabaw ang kagustuhan na yumaman at guminhawa ang buhay. "Oo Marty, kaya ko. Gagawin ko. Para sa pamilya ko at para sa kayamanan" ang buong pag aambisyon niyang saad sa kaibigan Binigyan pa ng oras ni Marty si Gian na pag isipan ang kanyang desisyon. Nang gabeng yung ay nag pahinga na sila ngunit si Gian ay pinag iisipang mabuti kung tama ba ang desisyon na kanyang ginawa kanina. Pagbibigay Aliw, pag lalaro ng apoy, nakakapaso, nakakadarang kapalit ng limpak limpak na salapi at maginhawang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD