CHAPTER 1

1292 Words
"Gian! Gian ! Ang nanay mo, binubogbog na naman ni Mang Berto!" Sumbong ng isang babae sa papalapit na si Gian. "H - Ha? Diyos ko po!" Agad na humahangos at mabilis na tumakbo pauwi si Gian dala ang pangamba sa sumbong na iyon tungkol sa kanyang ina. Hindi lang isa, dalawa o tatlong beses na na pananakit ang nasaksihan niyang iyon. Maraming bese na at hindi na niya mabilang, kaya ganun na lamang ang kanyang pangamba at takot sa sinapit ng kanyang ina. Maraming tao sa labas ng kanilang bahay, mga kapitbahay na nakiki usyuso sa nangyayare sa kanila, ang ibay nag iilingan at nag kumpol kumpolan dahil sa naririnig nilang sigawan at iyak ng Ina ni Gian. "Nagmamatigas kana ngayon, ha?" sigaw ni Mang Berto na may tinig na pananakot sa kawawang niyang asawa. Hawak niya sa buhok ang asawa na humahagolhol sa iyak at pag mamakaawa na bitawan na siya nito. Nakaamba pang muli at kamay nito upang muling lumapat sa mukha ng kanyang asawa. "Tiyo!" Sigaw ni Gian " Tigilan niyo na ang pananakit sa nanay ko" "Aha, at dumating din ang anghel mo, sige mag tulong kayong mag ina! Tingnan natin . ang galing niyo kung wala ako!" Umiiyak at humahangos ang kawawang si Gian akap akap ang kanyang ina, na hindi mag kamayaw sa pag iyak dahil sa natamo nitong sakit galing sa kanyang asawa. Dahil sa galit at poot na matagal ng naipon sa dibdib ni Gian ay buong tapang itong lumaban pabalik sa kanyang amahin. " Sige, subukan niyo muling saktan ang nanay ko. Subukan niyong hawakan ni kahit na dulo ng daliri ko o ng inay ko at itatarak ko sainyo ang patalim na ito!" Sambit ni Gian na malakas at buong tapang ngunit umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Nanginginig at buong tapang nito itinutok ang patalim sa mapang abuso at mapa nakit na amahin. Kumikislap ang patalim. Nag papahiwatag ng tiyak na kamatayan ang dulo nito. Animo'y nagagalak sa dugo at lamang tatarakan nito. Napalunok si Mang Berto. Nag bago ang anyo nito at natakot sa banta ng anak anakan. Kilala niya ito, Matapang at Palaban, hindi nag papa abuso sa mga taong nakaka alitan nito sa palengke ng minsan na niya itong nakitang maki pag away. Talagang lumalaban ng sabayan! Patay kung patay! " Ano? Sige saktan mo kami! Ngayon hinahamon kita. Matagal na akong nag titiis sa pang aabuso sa aking inay o maging saamin ng kapatid ko! Husto na ang dinanas naming sakit at pighati mula sayo! Ngayon sigw subukan mong dumantay ni isa sa mga daliri ng aking ina, at makikita mo ang bagsik na dulot ng iyong mapang abusong pag katao! Husto na! " Sigaw ni Gian na nilabas lahat ng kanyang sakit at puot na mula sa kanyang amain. Walang salitang namutawi sa bibig ni Mang Berto! Dahan dahan umatras si Mang Berto dahil sa takot na kanyang naramdaman, wala sing bilis iton tumakbo ng makalayo na mula sa pag kakatutok ng patalim sa kanya ng kanyang anak anakan. Walang nagawa ang kanyang mapang abuso at mapanakit na amain hindi umubra ang tapang nito dahil sa hawak na patalim ni Gian. "Inay!" Umiiyak at nahahabag na muling niyapos ni Gian ang kanyang ina na humahagolhol dulot ng nangyare. "Bakit ba kayo nag titiis sa lalaking yun? Pwede naman tayong bumukod at mamuhay na tatlo lang. Ako, ikaw at si Buknoy. Pwede naman tayong mabuhay na wala sa puder na hayop nayun!" nag susumamong saad ni Gian sa kanya ina " Anak, malaki ang utang na loob ko kay Berting, siya ang tumulong sakin na itagaguyod kayong dalawa ni Buknoy, hindi kakayanin ang lahat ng hirap ng pinag daanan ko noon kung hindi dahil sa tulong niya" umiiyak na paliwag ni Aling Pasita sa kanyang anak na humahagolhol din sa iyak. " Bayad na tayo nay, sa tinagal tagal na panahong kinasama mo siya ay napag silbihan mo na siya ng higit pa sa utang na loob mo sa kanya, at hindi ibig sabihin nun na aabusuhin niya ikaw, o maging kami ni buknoy dahil lamang sa siya ang tumulong saiyo nuong mga panahong nag iisa kalang na tinataguyod kami! Bayad na kayo! Husto na! " Madiing sambit ni Gian sa kanyang ina " Pero anak, paano tayo makakapag simula na tayong tatlo lang nina buknoy? Pano tayo makaka takas sa iyong tiyo berto ? madalas niya akong pinag babantaan na papatayin niya daw ako at kayong mga anak ko pag iniwan ko siya at nakipag hiwalay ako sa kanya" " Inay, ngayon palang ay unti unti ka na niyang pinapatay, maging kami ni buknoy ay di na kinakaya ang kalupitan niya. Hihintayin paba nating mas abusuhin niya pa tayo? Kung natatakot ka sa kanyang banta nay, ako ako mismo ang papatay sa kanya, sumusobra na siya at di na siya nararapat na mabuhay at pasakitan tayo!" Buong tapang na saad ni Gian sa kanyang ina " anak, yan ang huwag na huwag mong gagawin! Ayokong makulong ka at mabahiran ng dugo ang iyong kamay. " " Manhid na ako inay, labis labis na siya, puno na ang baso ko at nag uumapaw na sa galit at poot. Hindi na ako natatakot na makulong basta lamang ay mawala na siya sa buhay natin." nakalarawan sa mukha ni Gian ang tapang at determinasyon sa kanyang mga binitawang mga salita. Samantalang sa labas ng kanilang bahay ay isa isa ng nag sisialisan ang mga kapitbahay na nakiki usyuso sa nangyayareng gulo sa kanila. Ang iba'y nagtatawanan dahil sa nasaksihang pag takas ng malupit na amahin. Ang iba namay nagbibigay ng kanilang mga kanya kanyang opinyon sa sitwasyon. " Duwag naman pala si Berto, eh!" usal ni aling marta habang tumatawa " Kaya nga eh, matapang lang ata iyo pag naka inom. Pero kung hindi naka lango sa alak ay nababahag ang buntot! Kung kay Gian nga ay natakot pano pa kaya kung malalaking tao ang makalaban niya edi mas maiihi pa yun sa salawal niya." Pang iinsulto ni Aling Barbara sa malupit na amain. Kasunod noon ay malakas ng tawanan ng iba pang nag uusap usap habang paalis. Siya namang pag dating ni buknoy, galing sa pag lalako ng babanaque na gawa ng kanyang ina. Hindi na siya nag taka dahil may mga taong nag kukumpulan sa labas ng bahay niya, dahil maging siya ay hindi na bago ang pag mamalupit ng kanilang amain sa kanilang mag kapatid, maging sa kanilang ina. Agad siyang tumakbo papasok at ganun na lamang ang kanyang pag hangos ay nadatnan niya ang kanyang ina at kapatid na humahagolhol sa iyak, may pasa ang kanyang ina bunga ng pag bubuhat ng kamay ng kanilang mapang abusong amain. Habang kalong kalong at yapos sa yakap ng kanyang ate ang kanilang ina. "A - Ate..." "Buknoy, mag madali ka at ayusin mo ang mga gamit natin." "S- Saan tayo pupunta?" " Aalis na tayo sa impyernong bahay na ito, kaysa naman habang buhay tayong mabulok at mag tiis sa pang aabuso at pag mamalupit ni tiyong." "A - anak" Tinig na may pag tutol ng kanyang ina " Husto na inay, ayoko nang makita pa kayong pag malupitan ng lalaking iyon, matagal ko na itong binalak at ngayon na ang tamang panahon para makaalis tayo sa sinumpang bahay na ito." Matatag na usal ni Gian sa kanyang ina na may himig ng pag uutos " Pero ate, san tayo maninirahan?, wala naman tayong ibang kamag anak dito! " sambit ng bunso sa kanyang nakaka tandang kapatid. " " May alam ako, mag tiwala kayo" may siguridad sa tono ng pananalita ng panganay na si Gian kung kaya ay nag ayos na sila ng kanilang gamit upang lisanin ang bahay na kanilang itinuring na tirahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD