PROLOGUE
PROLOGUE
SHIENNA
"Nasaan si Lucas Ricaforte?!" dumadagundong na sigaw ng maskuladong lalaki kay Itay.
Mahigpit nitong hawak ang kwelyo ng damit ni Itay na duguan na ang mukha dahil sa malakas na mga suntok ng lalaki. Napapaligiran ang bahay namin ng mga armadong kalalakihan na bigla na lamang pumasok ng dis oras ng gabi. Tuloy nabulabog ang pagtulog naming lahat.
Malakas na sigaw at hagulhol ang tanging nagawa namin nina Inay, Lola Josie at five years old kong kapatid na si Sam habang nakatingin kay Itay na ginugulpi ng mga ito. Walang habas na pinagsusuntok. Walang kalaban-laban sa kanilang mga armado.
Hindi ko alam kung bakit hinahanap nila sa amin si Lucas. Bukod sa hindi ko kilala ang mga iyon, wala kaming atraso sa kanila para ganituhin nila kami. Para bugbugin si Itay.
I'm just only seven years old girl. I don't have any strength to help my father and fight back to them. Ang mura kong isipan at luhaang inosenteng mga mata ay nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang mga nakakatakot na mukha, mga hawak na armas at mga nagsisigawan na pamilya ko habang humahagulhol sa subrang takot na bumabalot sa aking buong katawan.
"Hin--di ko ki--lala ang Lucas Ricaforte na hinahanap niyo sa ak--Arrgggh." muli nitong inundayan ng suntok ang mukha ni Itay bago pabalang na binitawan. Malakas na bumagsak si Itay sa lupa.
"Philiiiiip!" humahagulhol na sigaw ni Inay sabay takbo palapit dito.
Kaagad naman kami ni Sam niyakap ni Lola Josie.
"Ayaw niyong sabihin ah..." lalong lumakas ang hagulhol namin ng humakbang ang lalaki palapit sa aming tatlo. Padaskol nitong itinayo si Lola.
"Naaaay!" sigaw ni Inay.
"Bitawan mo ang Inay!" nanghihinang sigaw naman ni Itay.
"Lolaaaa!" mahigpit kong niyakap si Sam sabay atras papunta kina Inay. "Lola koooo!" tinakbo ko si Lola at hinatak ang kamay nito palayo sa lalaki pero malakas akong bumagsak sa lupa ng itulak ako ng lalaki.
"Apooo!"
"Shiennaaaa!"
Akmang tatayo si Itay para sana daluhan ako ngunit sabay-sabay na nagkasa ng baril ang tatlong maskuladong lalaking nasa loob ng bahay namin at tinutukan sina Itay. Malakas akong humagulhol.
"Shienna..." humahagulhol na tawag sa akin ni Inay.
Nilingon ko siya saka mabilis na bumangon mula sa pagkakasalampak sa lupa at patakbong lumapit dito. Napasigaw sina Inay ng magpaputok ang lalaki ng baril sa itaas. Napasubsob naman ako sa likuran ni Sam. Mahigpit kaming niyakap ni Inay at isiniksik sa kanyang katawan. To protect us to those monster.
"Nasaan si Lucas?" tanong ng lalaki kay Lola. Sunod-sunod naman itong umiling. "Nasaan?!"
"Hindi ko alam!" pasigaw na sagot ni lola. "Kung may atraso siya sa inyo 'wag niyo kaming idamay dahil wala kaming ugnayan sa lalaking 'yon!"
Malakas na humalakhak ang lalaki.
"Sinong niluluko mo?"
"Kung ayaw niyong maniwala--"
"Hindi talaga ako naniniwala dahil alam naming asawa ka ni Lucas!" tiningnan kami ng lalaki. "Kung ayaw niyong sabihin kung nasaan siya pwes..." tiningnan niya si Lola. "...ikaw ang kukunin namin." nilingon nito ang dalawang kasamahan. "Ilabas niyo sila..." tinuro kami. "...pagkatapos sunugin niyo ang bahay."
"Nooooo!" sabay na sigaw nina Inay at Itay ng kaladkarin ng lalaki palabas ng bahay si Lola.
"Tayo!" singhal sa amin ng dalawang lalaki at padaskol na kiladkad rin palabas ng bahay.
Sinabuyan nila ng galon-galon na gasolina ang buong bahay pagkalabas namin. Sinubukan pa sanang pigilan ni Itay ang mga lalaki pero malakas na suntok at sipa lamang ang kanyang natamo sa mga ito.
Kaagad nila kaming iniwan kasama si Lola matapos makitang unti-unting tinutupok na ng apoy ang bahay namin.
"Lolaaaaa!"
"Naaaaaay!"
Malakas na sigaw namin ngunit nilamon lamang ng malakas na halakhak nila ang mga boses namin na halos mamaos na kakasigaw at iyak kanina pa.
***
"Ano ng gagawin natin ngayon, Philip? Baka madamay ang mga bata." napahinto ako sa pagpasok sa loob ng bahay nang marinig ko ang sinabi ni Inay.
Nakakunot-noong nagtago ako sa gilid ng hamba ng pintuan at tahimik na nakinig sa kanilang usapan.
Bakit nandito si Itay? 'Di ba siya pumasok ngayon sa tubuhan?
Kararating ko lang galing Mansyon. Masakit ang ulo ko, para akong nilalagnat na iwan kahit hindi naman ako mainit kaya nagpaalam muna ako kay Sir Conrad na uuwi muna ng bahay. Baka kasi mahawaan ko si Tita Felly na asawa nitong may sakit at inaalagaan ko, mahirap na. Dumating naman kaagad 'yong nurse na tinawagan nila sa Hospital sa bayan para pumalit muna sa akin pansamantala kaya pinayagan nila akong 'wag munang pumasok ng isang linggo.
"Baka napa-paranoid ka lang Corz." sagot ni Itay. "Ang tagal ng panahon 'yong nangyari sa Isla Alona--"
"Sinabi ko naman na sayo dati pa na hindi talaga isang aksidente lang ang nangyaring pagkakasagasa sa akin sa bayan, Philip." sabad ni Inay. "Nakita kong ngumiti pa 'yong lalaki ng banggain niya ako. Kung hindi lang dahil sa tricycle na huminto sa tabi ko babalikan niya pa sana ako. Gusto niya akong patayin, Philip."
Naitulos ako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mga mata sa aking narinig. Bigla akong pinagpawisan ng malamig. Bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong pinangangapusan ng hininga. I parted my lips to gasp some air. Wala sa sariling napahawak ako ng kamay sa aking dibdib habang paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa aking utak ang mga katagang...
BABALIKAN..?
PAPATAYIN..?
Hindi aksidente ang nangyari? Hindi na hit and run si Inay?
"Pero diba sabi mo may lalaking nakasakay sa itim na motor na bumaril doon sa nakakotseng gustong sumagasa sayo?" tanong ni Itay.
Hindi na ako nakatiis pa sa aking naririnig na usapan nila kaya kaagad akong pumasok sa loob ng bahay. Gulat na napalingon silang dalawa sa akin.
"Shienna..." sabay pa nilang sabi.
"Ano pong ibig sabihin no'ng mga narinig ko Nay, Tay?"
"Bakit nandito ka? Iniwanan mo si Felly mag-isa?" kunot-noong tanong sa akin ni Itay. "Nagpaalam ka ba kay Sir Conrad?"
"May nagbabanta po ba sa buhay niyo Nay, Tay?"
Hindi sila umimik. Nagkatinginan lang silang dalawa sa tanong ko. Lalo tuloy akong na-curious.
Maya-maya tumayo si Inay saka lumapit sa akin. Kaagad ko naman siyang inalalayan.
"Kumain ka na ba anak?"
Malalim akong bumuntong-hininga sa tanong sa akin ni Inay. Masyadong halatang iniiwasan nila ang mga tanong ko sa kanila. Nagpalipat-lipat ang nagtatanong kong mga mata sa kanilang dalawa. Umiwas naman sila ng tingin sa akin.
Kaagad akong linukuban ng kakaibang kaba at takot sa nakikita kong ekspresyon at kakaibang inaakto nila. Pakiramdam ko may mali talaga e. At hindi na naman ako nito makakatulog kung hindi ko mabibigyan ng linaw at angkop na kasagutan ang mga gumugulo sa aking utak. Lalo na sa bangungot na paulit-ulit akong dinudurog sa aking pagtulog.
"May... nahuli po akong lalaking laging nakamasid dito sa bahay. Tatlong beses." muli akong bumuntong-hiningang malalim. "Pero after no'n hindi ko na siya nakita pa." inalalayan ko si Inay pabalik sa upuan sa tabi ni Itay. Pinaupo ko siya doon. "Yung... mga napapanaginipan kong mga armadong kalalakihan. 'Yong pagbugbug sayo. 'Yong sinusunog na bahay." pinalis ko ang luhang biglang tumulo sa aking mga mata. "At... pagtangay no'ng mga lalaki sa matandang babae..." mariin ko silang tiningnan. "...totoong nangyari ang lahat ng 'yon diba po? Hindi lang isang panaginip kagaya ng sinasabi niyo lagi sa akin. Si Lola 'yong babae 'di po ba? Si Lola 'yon at hindi siya patay."
Salubong ang mga kilay na tinitigan ako ni Itay.
"Kailan mo nakita 'yong lalaking sinasabi mong nakamasid dito sa bahay? Bakit 'di mo sinabi kaagad sa amin ang tungkol d'yan, Shienna?"
"Bakit ayaw niyo pong sagutin ang mga tanong ko Tay? Bakit lagi na lang kayong umiiwas sa tuwing tinatanong ko kayo sa mga napapanaginipan ko?
"Yung tanong ko ang sagutin mo."
Tumingala ako sa itaas para pigilan ang luhang nakaambang sa aking mga mata. Huminga akong malalim saka nagkibit-balikat.
"Wala naman po siyang ginagawang masama. Tinulungan niya pa nga ako doon sa dalawang lalaking gustong dumukot sa akin sa bayan. Sabi niya sa akin tauhan siya dati ni Lucas Ricaforte at naatasan na bantayan tayo."
"Naniwala ka naman!" singhal ni Itay. Napapitlag pa ako ng pagtaasan niya ako ng boses at sa bigla niyang pagtayo.
Nakakuyom ang mga kamao at nanlilisik ang kanyang mga mata. Galit na galit. Lalo akong naguluhan.
"Philip..." hinatak ni Inay ang braso ni Itay pero hindi ito natinag.
"Sila ang dahilan kung bakit nawala sa atin ang Lola mo at kung bakit tayo napadpad dito sa San Vicente. Tapos sasabihin mong wala siyang ginagawang masama sayo kaya 'di mo sinabi sa amin?" nakatiim bagang na sabi ni Itay. "Nasaan ang utak mo? Hindi mo man lang inisip na baka kinukuha lang ng lalaking 'yon ang loob mo para magtiwala ka sa kanya? Tapos ano? Mawawala ka rin na parang bula? Gusto mo bang mangyari 'yon sayo?"
"Bakit kayong dalawa ni Inay nagsinungaling din sa amin ni Sam?" balik tanong ko.
Marahas na napahilamos ng kamay si Itay sa kanyang mukha.
"Dahil gusto kong bigyan kayo ng normal na buhay!" singhal niya sa akin. "Ayokong mamuhay kayong dalawa ng kapatid mo sa takot at mawalan ng kalayaan."
"Hindi naman po ako natatakot--"
"For heaven sake, Shienna!" sabad niya. "Kung hindi ka natatakot pwes ako takot na takot. Ayokong mangyari sa inyong tatlo ang nangyari sa Lola mo." gumaralgal ang boses ni Itay. "Hindi ko kakayanin kung pati kayo mawawala rin sa akin." tuluyan na siyang umiyak. Kaagad naman siyang niyakap ni Inay. "Kita mo naman hanggang ngayon wala man lang akong magawa para mahanap siya. Ni hindi nga natin alam kung buhay pa ba siya or ano. Tapos ngayon may kakaibang nangyayari na sa paligid ni hindi mo man lang naisip na sabihin sa amin."
Tumulo din ang luha ko pero kaagad ko iyon pinalis. Makailang ulit akong lumunok bago ko nahanap ang aking boses.
"Hahanapin ko si Lola--"
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo, Shienna?" sabay pang sabi nila ni Inay.
I greeted my teeth. "Hahanapin ko sila." ulit ko. "Pagbabayarin ko silang lahat sa kahayupan na ginawa nila sayo, kay Inay, kay Lola, sa ating lahat."
Nanlaki ang kanilang mga mata sa sinabi ko.
"Nababaliw ka na ba?!"
"Siguro nababaliw na nga po ako Itay." mapakla akong tumawa. "Pero hindi ko mapapalampas ng ganun-ganun na lang ang ginawa nila sa inyo. Oo babae ako pero magte-training ako kung pa'no ko sila malalabanan. Kakayanin ko silang lahat. Wala tayong atraso sa kanila para katakutan natin. Naghirap tayo ng subra-subra--"
"Sindikato ang babanggain mo Shienna." sabad ni Itay. "Hindi lang ang buhay mo ang malalagay sa panganib kundi pati kaming lahat na pamilya mo. Lahat ng malalapit na mga tao sayo ay posibleng malagay sa alanganin. Hindi sila patas lumaban kaya kalimutan mo na 'yang binabalak mo para sa ikatatahimik ng pamilya natin."
"Ano tutunganga na lang tayo at mag-antay na pasukin muli ang ba--"
"Tumigil ka Shienna." nakatiim bagang at nangangalit ang mga ngipin na warning sa akin ni Itay.
Mariin kong kinagat ang aking dila para 'di makapagsalita ng makita kong nakakuyom na ang kanyang kamao.
"Umaasa akong hindi ito malalaman ni Sam. Kalimutan mo ang lahat ng narinig mo at pinag-usapan natin ngayon. Nagkakaintindihan ba tayo, Shienna?"
Hindi ako umimik. Mabigat ang loob ko para sumang-ayon sa kagustuhan niya pero alam ko sa sarili kong hindi ako mananalo kahit magdamag pa akong makipagtalo sa kanya.
"Nagkakaintindihan ba tayo Shienna?" ulit niya.
"Opo Tay. Sorry po."
"Mangako ka."
Mariin akong napapikit. A couple of minutes passed before I took out a heavy sighs then nodded.
"Pangako." nakakuyom ang mga kamaong sagot ko pero deep inside it's a big NO to me...
I NEED JUSTICE!
WILL MAKE SURE TO LET THEM PAY THE PRICE!
If they played dirty tricks then so be it... WILL USE THE SAME CARDS!
LINTIK LANG ANG WALANG GANTI!
Promise can be broken though. But... where should I start?
Damn. Lubog pa pala kami sa utang!
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023