PROLOGUE
Unblazoned. That's all i can say, but. yes may pero. Saka alam ko naman na dito sa shop na ito lahat ay matibay ang materyales at ang pagkakagawa kaya ito na ang bibilhin ko
"Hello po" magalang na bati ko kay ate lusing na na nagtitinda.
"Oh! hello Cat! Hindi mo yata kasama tatay mo?"
"Ah opo, tinatastas na po kase ni tatay yung ire-repair niya po kaya po ako nalang po ang bumili."
"Ah ganun pala, sige ano sayo?"
Nginitian ako nito kaya naman tinuro ko na ang bibilhin ko at nagsalita na. "Heto pong kulay black ang bibilhin ko ate mga pitong metro po."
Umalis na si ate Lusing sa kinauupuan niya kanina at nagtungo sa direksyon na tinuro ko para sa bibilhin ko. Sumukat ito ng pitong metro, tinupi, binalot at saka binigay sakin.
"130 isang metro Cat kase bagong deliver lang yan at alam mo namang magandang klase" sabi ni ate Lusing habang nagco-compute at gumagawa ng resibo sa cashier
"pero dahil suki na naminkayo dito at kumare ako ng tatay mo 125 nalang " dagdag pa nito na ito sakin at ngumiti bago magpatuloy sa ginagawa
"Sige po ate Lusing. Maraming salamat po!" inabot ko na ang isang libo at hinintay ang sukli at ang resibo.
Nang maibigay sakin ito ay lumabas na ako sa shop na iyon , binalingan ng tingin ang lalaking naghihintay sa akin at saka nginitian. Kinuha niya sakin ang bitbit at pumunta sa kabilang shop para sa iba ko pang bibilhin.
"Teka, Theus" tawag ko sa kaniya, lumingon siya sakin at nagbigay ng nagtatanong na tingin.
"Bakit, Thope?" tanong naman niya habang inaayos pa rin ang mga bitbit niya na kinuha sa aking pagkakahawak
"Sama ka sakin sa loob ahh" hinapit ko siya at inangkla ang braso namin na nakangiti saka tinapos na ang pagbili ng mga kailangang bilhin.
HAPON na nang matapos bilhin ang lahat ng kailangan kaya naman hinatid na ako ni Theus sa amin.
Bumaba na kami sa tricycle at binigay na sakin ang mga pinamili namin
"Salamat, Theus. Pahinga ka pag uwi mo. Sige na bye love you. Baka mabuko pa tayo. Naku patay"
""Sige na Thope pahinga ka din love you too" sabay halik sakin. Tinapik ko na ang balikat niya saka tumalikod na at naglakad na papunta sa bahay malapit na den naman
Ngunit natigilan ako sa matang masamang pinupukol sakin
'CAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT'
_____________________
??????????????10