Nasa byahe na sila papunta sa gubat kung saan nakatira ang lola ni Dracula.
"Nakakatakot ba ang lola mo?" tanong ni Irene sa katabi niya.
"Hindi naman, basta huwag mo lang siya lolokohin," sagot ni Dracula nang hindi tumitingin.
"Ah," sagot ni Irene natawa sina Matt at Dracula sa reaksyon ng katabi nila.
Sina Señior Irving, Dracula, Irene at Matt kasama ang ina nito na si Evangeline ang kasama sa pagpunta sa gubat.
"Ang seryoso mo naman, hija relax mabait si Corazon katulad mo siya pero ka-edad ko." sagot ni Evangeline natatawa na lang din.
"Katulad ko? Na ka-edad mo?" nasabi ni Irene kumunot ang noo niya.
"Hindi siya katulad ng iniisip mo na panget ang mukha o kulubot ang mukha dahil matanda na, Irene haha masasampal ka niya panigurado haha..." natatawang sagot ni Dracula alam niyang naririnig sila sa hangin ng lola niya.
"Buwisit kayo!" sabi ng isang boses na mas lalong tumawa si Dracula.
"Nabaliw na," sabat ni Irene nang tignan niya si Dracula.
Napatingin si Evangeline kay Dracula may hinala na siya kasama nila ang lola nito at naririnig ang biruan.
"Katulad mo siya, Auntie?" sabat ni Irene tumango na lang si Evangeline.
Inawat na sila ni Señior nang may naramdamang kakaiba sa paligid.
"Tumahimik kayo," mahinang sabi ni Señior Irving sa mga kasama.
May kumalabog sa sasakyan nila nang may dumaang van huminto sila sa gilid.
"Ako ang bababa," sabi ni Señior.
Hindi na sila nagsalita at tumango na lang.
"Tulong.." dinig nilang boses sa labas ng sasakyan.
Nakita nila ang duguang babae at ang duguan nitong tyan.
Kaagad na binuksan ni Irene ang likod ng sasakyan at dinala nila ang babae sa hospital. Kaagad na pinaharurot ni Señior ang sasakyan.
"Tulong..tulong.." tawag ni Señior sa mga nurses at doctors.
Lumapit kaagad sila kay Señior na may buhat sa babae.
"Nakita namin siyang duguan sa kalsada mamasyal lang sana kami ng pamilya ko," dinig nilang sabi ni Señior sa doctor na lumapit.
Tinuro pa ang mga kasama pinapa-kalma ni Matt ang kasama na si Irene dahil nakadikit sa kanya ang dugo ng babae.
"Mag-hagilap ka ng damit niya, ma sa bag magpapalit siya." sabi ni Matt sa ina na kaagad tumango.
"Irene...kalma.." sabi ni Matt.
"Kalma lang, Irene." sabat ni Dracula gumagamit na siya ng powers para maharangan ang buong sasakyan at hindi magwala ang kasama.
"Palit tayo, 'nak ako ang magbibihis sa kanya." sabi ni Evangeline.
Nagpalit ng pwesto si Matt at ang ina tumalikod sila ni Dracula sa dalawang babae. Napatingin sila sa paligid dahil may naamoy silang masamang enerhiya.
"Maghanda ka," bulong nina Matt at Dracula sa isa't-isa.
"Sige," sagot ni Dracula.
"Anong meron, Dracula?" tanong ni Irene nang may maramdaman kakaiba sa paligid.
"May kalaban o hindi..hindi natin alam," sagot ni Matt sa mga kasama.
Nagulat sila nang biglang lumagabog sa sasakyan.
"Ahh!!" sigawan ng mga tao nang makita ang mga nilalang hindi ordinaryong tao.
"Harangan mo ng shield ang hospital kukunin nila ang sanggol!" sigaw ni Matt kay Dracula kaagad na ginawa ang inutos.
"Señior!" sigaw nila nang makitang nakikipag-laban na ito sa mga kalaban.
Nakipag-suntukan na rin sila nang masira ng isa ang sasakyan.
"May buena mano ang mga gunggong!" inis na sigaw ni Irene at nakipaglaban sa mga kapwa niya.
Nakaka-ilag sina Dracula, Matt at ang ina nakikipaglaban na rin.
"Nagulat sila na kasama ng mga masasamang bampira ang Bernadine.
"Kamusta, Evangeline.." sabi ng isa sa Bernadine.
"Agnes...apo ka niya." nasabi ni Evangeline.
"Oo ako nga! Ang apo sa tuhod ng pinatay mong lola!" halakhak nitong sagot at tumawa ng malakas nagbago ang anyo.
Nilabas ni Evangeline ang pangil at nakipaglaban sa apo ng kalaban ng lola niya.
"Ma!" sigaw ni Matt nang makita natumba ito kaagad niyang nilapitan tinulak ang kalaban nito.
"Buwisit!" sigaw ng nagngangalang Agnes.
"'Nak, ikaw na ang bahala sa papa mo.." nanghihinang sabi ni Evangeline sa anak.
"No, ma!" sabi ni Matt nagbabago ang anyo niya may pangil nakalabas pero ang kulay ng mata niya mas tumitingkad ang pagka-pula nito.
Nagulat ang lahat nang biglang naglaho na si Evangeline kung saan ito nakahiga. Nagulat ang lahat nang mabilis na gumagalaw si Matt at nahintakutan sila sa itsura nito.
"Matt!" sigaw ni Irene sa kasama niya.
"Matt!" tawag ni Señior Irving.
Nagulat sila sa ginawa nito sa pumatay sa ina niya.
"Ahh!! Pwe.." tili ni Agnes habang nagwawala sa pagkaka-hawak ni Matt sa kanya.
"Hindi ako makaka-payag na siya lang mamatay!" sigaw ni Matt nagsama ang boses nilang dalawa ni Edward.
"Putragis! Ang gamot!" sigaw ni Señior kay Irene pinatay muna niya ang mga nadadaanang kalaban at bumalik sa sasakyan hinagilap ang gamot.
Hindi pang-karaniwan ang bilis ni Matt/Edward.
"Anong nangyayari sa kanya, Señior?" tanong ni Dracula nang lapitan niya si Señior Irving.
"Tulungan mo na lang ako," sagot ni Señior.
Tumakas na ang ibang kalaban nila at ang natitira na lang ang Bernadine at ang ibang bampira.
"Ahhh!!" sigaw ni Agnes nang dukutin ang lamang-loob niya at ang tunay nitong anyo bumabalik nang bitawan siya ni Matt.
Mabilis na kumilos si Matt at pinatay isa-isa ang natitirang kalaban hanggang sa wala nang buhay natira.
"Matt!" sigaw ni Señior hinawakan nila ito ni Dracula nang mahabol ito.
"Ahh!!" sigaw ni Matt nagwawala na siya.
May malakas na hangin ang dumikit sa kanilang pwesto.
Isang babae na matangkad, maputi at mahabang buhok na kulay abo.
"Lola.." tawag ni Dracula nagulat nang may humarap sa kanila.
Bumulong ito at nawalan ng malay si Matt.
"Señior.." bungad ni Irene nagulat na may malakas na hangin dumikit sa mga kasama niya.
"The one," sabi ng boses mula sa hangin sina Señior Irving at Dracula lang ang nakakakita sa anyo nito.
"Paano?" tanong ni Señior.
Alam ni Señior na wala nang natirang pamilya sa Alegayo maliban kay Evangeline at Frieda.
Nalingunan nila ang sasakyan napapailing na lang sila sa itsura nito.
"Paano tayo, nyan?" tanong ni Irene naiinis dahil sa nangyaring gulo wala na sila magagamit na sasakyan.
"Mister?" tawag ng doctor nagkalat ang mga patay na tao sa paligid.
"Tawagan mo ang pulis, doc papatayin nila ang dinala ko dito mabuti may isang misteryosong tao ang tumulong sa amin hindi sila tao katulad natin tinulungan kami." pag-sisinungaling ni Señior napatingin ang doctor sa kanila at sa mga taong walang buhay.
"Sino kayo?" seryosong tanong ng doctor sa kanila.
"Katulad mo, tumulong lang sa nangangailangan nasaktuhang may humahabol sa babaeng dinala ko—namin! Okay lang kami natalsikan ng dugo kakatago alam nila 'yon." sabi ni Señior tukoy ang mga taong tulala at takot ang itsura.
Napatingin sa kanila ang mga tao at kaagad sila tumango. Ginamit nina Señior, Dracula, Irene ang bilis para makalayo sa hospital inalis muna ni Dracula ang alaala nakilala at nakita sila ng mga tao.
Pumunta na sila sa gubat nang makarating sinalubong sila ng matangkad, maputi at mahabang buhok na kulay abo.
"Lola! Sinugod kami habang nasa daan." sumbong ni Dracula nasa kaliwa naka-alalay ito sa kasamahan.
"Magandang araw, Corazon." sabi ni Señior Irving.
"Tumuloy kayo," sagot naggangalang Corazon.
Pumasok na sila sa loob at tinuro nito ang isang kwarto. Naiwan sa sala si Irene na nagmamasid sa paligid nito.
"Mga Bernadine at bampira ang sumugod sa amin," panimula ni Señior nang palabas sila pagkatapos ihiga ang walang malay na si Matt.
Umupo si Señior sa tabi ni Irene habang tumuloy sa kusina si Corazon kasama ang apo nito.
"Siya ba 'yong Corazon—lola ni Dracula, Señior?" tanong ni Irene nang sundan niya ng tingin ang papalayong pigura ng mag-lola.
"Oo." sagot ni Señior.
"Tea para sa inyo, kalma na.." bungad ni Corazon nilapag ang dala niya sa maliit na mesa.
"Lola, sino si the one?" tanong ni Dracula sa lola niya nang tabihan niya ito ng upo.
"Sa tamang panahon malalaman nyo pero kailangan nyo ng tulong ko dahil sa isang tao, tama ba?" tanong ni Corazon sa mga taong kasama.
"Oo," sagot ni Señior.
"Sino siya at bakit?" tanong ni Corazon.
"Asawa siya nung kaibigan namin sa nakaraang buhay niya," sabat ni Irene.
"Si Edward 'yan nabuhay sa katauhan ni Matt bumalik na ang alaala niya ginamit namin ang time machine na ginawa ni Señior Supreme at bumalik kami sa nakaraan nalaman naming namatay ang magulang ni Edward sa taong 1990 at ang asawa nito pero hindi ito namatay, binuhay ni Maria si Edward at ang asawa nito pero naglaho ito." mahabang kwento ni Señior kay Corazon.
"Maria..wala siyang kamalay-malay.." sabi ni Corazon lumingon sa kwartong pinang-galingan niya.
"Wala daw sa taong 'yon ang asawa ni Matt—si Edward, kailangan namin ang tulong mo ayaw umilaw ng time machine." sagot ni Señior nakikinig ang dalawang kasama nila.
"Gusto ni Matt na malaman kung nasaan ang asawa niya at baguhin ang lahat mula sa pagkamatay ng magulang niya," sabat ni Irene.
Natahimik silang apat at nagkatinginan bigla.
"Posible pero imposible mahahanap nyo pa at magawang mabago ang lahat," sagot ni Corazon.
Binuka ni Corazon ang palad sa harap ng mga kasama at umilaw kasama ang pag-ilaw ng mata niya.
"Nasa taong 2026, na ang hinahanap nyo pero mahahanap nyo rin siya sa taong kasalukuyan." sabi ni Corazon nakatingin sa kanya ang tatlong kasama.
"2026?" sabat ni Señior
"Ang pagsisimula ng pag-dadalaga nito," sabi ni Corazon.
"14 years old pa lang siya sa taong 2026," sabi ni Dracula sa lola at Señior niya.
"18 years old na siya ngayon," sabi ni Irene.
"Bumalik kayo sa 2026, dun dapat unang magkakilala ulit ang mag-asawa." sabi ni Corazon.
"Kapag bumalik dun kami dun mamatay sa kasalukuyan si Matt, magtataka ang mga agents at Señiors sa House Of Z." sabat ni Señior.
"Hindi naman kayo mananatili sa 2026, isang buwan dito, sa isang taon kayo mananatili dun 'yon lang, Señior." sagot ni Corazon.
"Kapag mananatili dun may magbabago sa nakaraan at kasalukuyan kaganapan o nangyayari?" tanong ni Irene kay Corazon.
"Depende sa mangyayari kapag may binago o nabago si Edward, ang nangyayari sa 2026 magbabago ang lahat sa nakaraan at kasalukuyan wala akong nakikita kung ano ang magbabago pero ang pagkamatay ng magulang niya hindi magbabago talagang tegi na ito." sabi ni Corazon.
"Hintayin muna magising si Matt bago tayo bumalik sa tao'ng 2026," sabat ni Señior.
"Hindi lang siya ang nasa katawan niya tama ba ako?" tanong ni Corazon kay Señior Irving.
"Hindi na ako magkakaila pero sana huwag nyo ipaalam sa iba, Corazon at Dracula," seryosong sabi ni Señior sa mag-lola.
"Señior..." tawag ni Irene.
"Si Edward nasa katawan ni Matt, nagkita sina Matt ng kasalukuyan at Edward sa nakaraan nung nagpunta kami at nang bumalik kami hindi namin kung paano dahil nasa loob kami ng isang malaking sasakyan na ngayon dekorasyon sa House Of Z at nagising sila nasa iisang katawan." sagot ni Señior.
Tumatango si Corazon sa narinig at huminga.
"Dapat hindi sila nagkita dun pa lang may nagbago na, hindi ko alam kung ang nagbago sa tao'ng 'yon." sagot ni Corazon huminga siya.
"Patay..." sabi ni Irene narinig ng mga kasama niya.
"Wala na tayong magagawa sa ngayon ang isipin ang mangyayari sa inyong paglalakbay sa tao'ng 2026," sagot ni Corazon napalingon sila ng marinig na yabag.
"Señior?" tanong ng taong hinihintay nilang magising.
"Okay ka na?" tanong ni Dracula.
"Anong nangyari? Si mama? Nasaan tayo?" sunod-sunod natanong ni Matt palipat-lipat ng tingin.
"Wala na si Auntie Evangeline namatay siya sa laban, napatay mo ang pumatay sa mama mo at sa ibang kalaban natin," sabat ni Irene natahimik naman si Matt tumitig siya kay Corazon.
"Lola mo, Dracula siya ba ang pupuntahan natin?" tanong ni Matt kay Dracula hindi man lang pinansin si Irene.
"Oo," sagot ni Dracula.
"Edward, Matt maupo kayo.." alok ni Corazon.
"Paano ko 'to sasabihin kay papa pagbalik? Maganda ang byahe natin pero ganito naman ang kapalit," sagot ni Matt huminga siya.
"Kausapin mo ang papa mo na aalis ka, at huwag mo sabihin na wala na ang mama mo, si Corazon na ang magsasabi nito dahil kilala ni Eduardo si Corazon." sagot ni Señior kay Matt natahimik ulit.
"Saan tayo pupunta, Señior?" tanong ni Matt tinitignan niya ang naggangalang Corazon.
"Who is she? Where are we going is she the one we went to, I sympathize with Evangeline’s death." Edward replied even though he had never experienced having a mother he had a second mother he considered the mother of his wife.
"Where will we go? I thought this is all we are going to do?" Matt asked frowning as he understood what was being said.
"In the past, in the year 2026," Señior replied to Matt.
"Kailan tayo aalis?" tanong ni Matt.
"Ngayon, basta dapat makabalik kayo sa 12am ng january 01," sabat ni Corazon.
"Paano ang katauhan namin?" tanong ni Matt.
"Ako na ang bahala, ito ang kwintas na pula suotin nyo basta hindi 'yan mawawala sa inyo magbabago rin ang pagkatao nyo babalik kayo sa pagkabata at Matt hindi ba nasa loob mo si Edward?" tanong ni Corazon.
"Oo, bakit po?" tanong ni Matt.
"Magpapalit kayo ng pagkatao kapag nandun na kayo, ikaw ang papalit kung nasaan si Edward sa katawan mo at si Edward ang papalit sa'yo." seryosong sabi ni Corazon.
"Sasama ako sa kanila, 'la." sabi ni Dracula.
"Mag-iingat kayo dahil bago kayo sa lugar huwag kayo magpa-halata maging dayuhan kayo sa paningin nila," bilin ni Corazon.
"Can I talk to him?" Corazon said she was staring Matt in the eye.
"Why do you want to talk to me?" Edward said as Matt's voice changed.
"Edward, you can't remember me but, I know you knew what your wife looked like when you were kids," Corazon replied she was smirked and everyone could see it.
"Of course, she was my childhood friend, so I knew–" Cut off Edward said as he stared at Corazon.
"You will go back to the past where you first met her but, she is someone who is no longer your wife," Corazon replied.
"So don’t we wonder when he approached it she didn't know us?" Irene asked and looked at Corazon.
"Yes, and follow my instructions if you haven't done it, you're never come back you're staying for the rest of your life there, and you can't go back to the present," Corazon answered.
Pina-pwesto ni Corazon sa gitna ang sina Señior Irving, Irene, Dracula at Matt at tumayo siya sa gitna nag-hawak ng kamay ang pina-pwesto niya bago yumuko naramdaman nila ang pag-higop ng katawan nila mula sa isang bagay.
Pumikit sila ng maigi hindi sila bumibitaw sa pagkaka-hawak hanggang sa—