Ilang araw na hindi nagising si Irene naka-observe sila sa mangyayari. "Bakit hindi siya nagigising, Señior? Bumalik ba siya sa kasalukuyan?" tanong ni Edward napatingin sa kanya ang tatlong kasama. "Anong kasalukuyan? Ngayon taon?" sabat ni Eduardo kumunot ang noo nito sa narinig. "Hindi, Eduardo iba ang ibig niyang sabihin hindi natin alam kailangan natin kausapin ang lola mo, Dracula." sagot ni Señior. "May tanong ako, buhay ba kami sa panahon na ito as Dracula, Matt at Irene sa kasalukuyang panahon, para alam ko kung paanong kakausapin ang lola ko." seryosong sabat ni Dracula. "Buhay kayo, maliban kay Matt." sagot ni Señior. Natahimik naman sila bigla at tumingin si Edward sa nakahiga na si Irene. "Ano ba ang sinasabi nyo?" sabat ni Eduardo hindi niya maintindihan ang pinag-uusa

