Naligo si Edward sa kwarto niya at maririnig na lang ang ingay ng tubig sa loob ng banyo. "Hindi ka ba nagbibiro kanina na siya ang mother in law natin," tanong ni Matt habang nag-sasabon ng katawan si Edward. "Hindi," sagot ni Edward at nag-shampoo siya ng buhok niya. "Paano mo nalaman na siya?" tanong ni Matt hindi pa rin makapaniwala sa nalaman niya. "Dahil ang mukha niya nung panahon na makilala ko siya ganun na ganun parang hindi nagbago-sa pangalan niya siguro nabago," sagot ni Edward. "Hindi siya pamilyar sa akin hindi dahil ako, ikaw pero nang hawakan ko ang kwintas may alaalang bumalik sa akin nun." sagot ni Matt umupo siya sa pwesto niya. Parang naging maliit na tao siya sa loob ni Edward. Bumalik sa alaala ni Matt kung paano niya nakita ang kwintas. Habang nag-liligpit si

