"Edward!" tawag ni Dracula mula sa labas ng kwarto ni Edward. "Oh, bakit anong nangyari kay Irene?" tanong ni Edward nang lumabas siya sa kwarto niya. "Gising na siya!" sigaw ni Dracula tinakpan ni Edward ang tenga niya pangalawang beses na siya nabibingi sa dalawang kausap niya. "Ang lapit ko para sigawan mo pa ako," malumanay nasabi ni Edward at lumakad na sila at nakita nilang nakaupo na si Irene. Lumapit kaagad sila at nagtanong na si Edward. "Okay ka na?" tanong ni Edward hinawakan niya ang kamay ni Irene na tumango kaagad. "—Ok–ay na —ako," utal ni Irene huminga na lang siya ng malalim. Nilapat ni Edward ang kamay sa noo at leeg ni Irene. "Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" tanong ni Edward nang tignan niya si Irene. "Wala," sagot ni Irene. "Bumalik ka ba sa kasalukuyan?"

