Nagluluto si Edward nang maramdam niyang may tumabi sa kanya. "Sasabihin mo ba sa kanya ang nalaman natin habang wala si Señior?" bungad ni Dracula sa tabi niya. "Hindi ko alam hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa ni Señior na mag-traydor sa House Of Z kahit may hinala na ako nang may iba akong naramdaman sa kanya nang magkita kami ulit," sabi ni Edward sinalang niya ang kaldero sa kalan at sinindihan. Sumandal na lang si Edward sa tiles ng lababo. "Maski naman ako, mula pagkabata nakasama ko na siya at siya ang naging trainor namin sa lahat maliban sa witch powers may isa pa." sagot ni Dracula napabaling ang tingin niya kay Edward. "Ikaw ba?" tanong ni Dracula. "Siya ang nagdala sa akin sa House Of Z at maging parte nito," sagot ni Edward. "Nabanggit mo na, pina-hanap niya ang

