“You’re probably wondering why I got married so quickly, even though Atasha had just passed away,” may kirot sa mga matang sambit ni Slyth Aeryx sa kaibigang si Silvano. Ang mayor na nagkasal sa kanila ni Czerina.
Si Silvano ay kaibigan niya noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Isang abogado ang lalaki, at kasalukuyan ding alkalde ng Baguio kung saan nito nakilala ang babaeng napangasawa na si Emberlyn.
Matagal bago ulit sila nagkita ni Silvano. Nang magtagpo ulit ang kanilang landas, pumanaw na si Atasha at ang lalaki nama’y isang linggo nang ikinasal sa kasintahan na halos kakikilala pa lamang.
“Bakit nga ba biglaan ang pagpapakasal mo?” usisa ni Silvano, palihim nitong tinapunan ng tingin si Czerina na abala sa pakikipag-usap kina Santina at Aelinor. “Ang sabi mo sa ’kin bibisita ka lang, ’yon pala’y magpapakasal ka na. Kaya pala panay tanong ka kung hindi ako busy,” ani nito, bakas pa rin ang pagtataka sa tinig.
“I was actually planning to marry her in another country dahil ayaw kong malaman ng iba nating kaibigan ang pag-aasawa ko. Kaso kailangan kong tutukan ang bagong business na plano kong itayo,” kaswal na tugon ni Slyth Aeryx habang nakapamulsa. “At saka hindi naman importane sa ’kin ang kasalang ’to,” tiim ang bagang na dagdag niya.
Napailing si Silvano sa kaniyang tinuran. “Alam kong may mabigat kang dahilan sa pagpapakasal mo sa kaniya, and I can also see in your eyes the hatred you feel for her.” Ipinatong nito ang kanang sa kaliwa niyang balikat. “Kapag kailangan mo ng makakausap, tawagan mo lang ako.”
“Thanks, Dude!” Tinapik niya sa balikat ang matalik na kaibigan.
Matapos ang kanilang kasal, nagtungo sila sa isang French/European-inspired cuisine restaurant kasama si Silvano pati na ang asawa nito. Hindi na siya nag-abala pa na ipaalam sa iba nilang kaibigan ang tungkol sa kaniyang pagpapakasal. Wala din naman siyang balak patagalin ang pagsasama nila ni Czerina.
Natitiyak niyang itutuloy ni Aelinor ang balak nitong pamamahagi ng kanilang ari-arian kahit labag sa loob. Kaya kahit labis siyang namumuhi sa babae, napilitan siyang pakasalan ito.
Ayaw niyang mabalewala ang negosyong pinaghirapang palaguin ng mga magulang ng ina. Hindi rin niya gugustuhing makitang naghihirap si Aelinor lalo at nagkakaedad na ang ginang. Kaya napilitan siyang pagbigyan ang kagustuhan nito upang hindi na magtampo sa kaniya.
“AGAIN, congratulations sa inyo, Cedee!” nakangiting bati ng asawa ni Silvano kay Czerina bago siya hinalikan sa magkabilang pisngi.
“Maraming salamat po,” kiming tugon niya kay Emberlyn.
“You’re so pretty, Cedee. Alam mo, parang familiar ka sa ’kin, eh! Hindi ko nga lang maalala kung saan kita nakita,” dagdag pa nito habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa.
Sa kabila ng maayos na pakikitungo sa kaniya ni Emberlyn, hindi niya pa rin maiwasang mailang sa tuwing napapatingin siya kay Silvano. Hindi niya mawari kung lungkot ba o awa ang nabasa niya sa mga mata nito nang minsang dumako ang tingin niya sa lalaki.
Pakiramdam niya’y may alam si Silvano sa tunay na dahilan kung bakit siya pinakasalan ni Slyth Aeryx. At nahihiya siya sa lalaki lalo na kay Emberlyn kapag nalaman nito ang kaniyang ginawa.
Isa si Silvano sa mga kaibigan ng kaniyang asawa. Madalas bumisita ang lalaki sa mansiyon ng mga Del Castillo noong nag-aaral pa lang sa kolehiyo ang magkaibigan. Subalit nang makapagtapos ay naging madalang na ang pagpunta sa mansiyon. Sa isang taon ay halos dalawang beses lang kung dumalaw ang lalaki, tuwing kaarawan lang nina Aelinor at ng kaniyang asawa.
“Naku! Hindi lang ’yan maganda si Czerina, mabait, masipag, at matalino din ’yan,” pagmamalaki naman ni Aelinor na lalong ikinapula ng kaniyang pisngi.
Sa tuwing pupurihin siya ni Emberlyn, sesegundahan naman iyon nina Aelinor at Santina. Subalit kung gaano kahanga sa kaniya ang mga babaeng kasama, tila balewala naman sa asawa niya ang magaganda niyang katangian na hinahangaan sa kaniya ng tatlong babae.
Halos hindi siya tapunan ng tingin ni Slyth Aeryx. Kung tumingin man sa kaniya ang lalaki, agad na nalulukot ang mukha at ibinabaling sa ibang direksiyon ang mga mata na para bang panira siya sa tanawing nakikita nito.
“Kaya naman po pala pinakasalan kaagad, eh!” tugon ni Emberlyn.
Sa mga papuri at magandang pagtrato kay Cedee ng mga kasamang babae, tila natabunan niyon ang lungkot na nadarama niya sa malamig na pakikitungo ni Slyth Aeryx. Kahit papaano’y nabawasan ang kirot na nadarama niya.
Pagkatapos nilang kumain, kaagad na nag-ayang umuwi sa hotel ang kaniyang asawa kung saan sila tumutuloy. Kung balewala siya sa lalaki kahit kasama nila ang mga taong malalapit dito, mas lumala ang trato nito nang silang dalawa na lang ang magkasama. Tila naging hangin siya sa paningin nito.
Alak ang unang hinarap ni Slyth Aeryx nang makarating sila sa kanilang tinutuluyang hotel. Kahit ang magpalit ng damit ay hindi nito ginawa kaya siya na ang nagkusang kumuha ng pamalit nitong damit.
“K-Kumuha na pala ako ng damit na pamalit mo. Ipinatong ko muna sa kama, kunin mo na lang sakaling magpapalit ka na,” ani Czerina sa asawa na abalang umiinom ng whiskey sa minibar area.
Pagkatapos niyang magpalit ng damit, kinuhaan niya din ng maisusuot si Slyth Aeryx. Isang gray chino shorts at puting polo shirt ang kaniyang napili.
“Masiyado mo naman yatang ginagalingan ang pagiging asawa?” ani Slyth Aeryx sa nanunuyang tinig. Diniinan nito ang huling salitang binanggit habang sinusuri siya ng nang-uuyam na tingin.
“Obligasyon kong asikasuhin at alagaan ka ngayong mag-asawa na tayo,” depensa niya sa malumanay na boses.
Bagama’t napahiya siya sa tinuran ni Slyth Aeryx, nanatili pa rin siyang kalmado. Ayaw niyang makipagtalo sa lalaki. May malaki siyang kasalanan sa asawa, kaya hangga’t maaari ay magpapakumbaba na lang siya upang makabawi sa naging pagkakasala niya rito.
Hindi man ma-appreciate ng lalaki ang kaniyang ginagawa, kahit papaano’y alam niya sa sarili na ginampanan niya ang tungkulin bilang legal nitong asawa.
Mula sa bar stool, bumaba si Slyth Aeryx at dahan-dahang lumapit kay Czerina. “Sige, halika at pagsilbihan mo ’ko.” Hinaklit nito ang kanan niyang braso saka siya hinila patungo sa kanilang silid.
“Now take off what I’m wearing—and you change my clothes yourself.” Pabalya siya nitong itinulak paupo sa malambot na kama kung saan nakalatag ang mga damit na inihanda niya para sa asawa.
Namilog ang mga mata ni Czerina sa tinuran ng lalaki. “B-Bibihisan kita? Ako ang magbibihis sa ’yo?” nauutal niyang tanong.
“Yes. And before that, hubarin mo muna itong suot ko,” utos pa ni Slyth Aeryx na ikinabilis ng tíbøk ng kaniyang puso.
Napatingin siya sa damit na pamalit na kaniyang kinuha, saka muling ibinalik sa asawa ang tingin, bakas ang pag-aalinlangan sa mga mata.
“Ano pa ba ang tinutunganga mo diyan?!” singhal ni Slyth Aeryx. “Take off my clothes–now!”
Napapitlag si Czerina nang sumigaw si Slyth Aeryx. Tumayo siya at lumapit sa asawa, saka mabagal na hinübád ang suot nito nang ikasal sila.
Habang pabawas nang pabawas ang damit ni Slyth Aeryx, pabilis naman nang pabilis ang tíbôk ng kaniyang puso. At kahit anong pigil ni Czerina, hindi niya pa rin maiwasang panginigan ng kamay.
Pakiramdam niya’y matutuyuan siya ng laway lalo na nang tumambad sa kaniya ang matikas na kàtåwan ng asawa.
Mula sa malapad nitong balikat, matigas na dib dib na may mga pinong balahibo, at pati na rin sa mabato nitong abs na kagaya ng dib dib nito’y may mga balahibo ding tumubo mula sa pusod pababa sa parte ng katawan nitong natatakpan ng kulay krema na slacks.
Sunod-sunod na napalünøk ng laway si Czerina habang dahan-dahan niyang ibinababa ang slacks ni Slyth Aeryx. Pakiramdam niya’y lalagnatin siya sa init na nararamdaman.
Nang tuluyang malaglag sa sahig ang pantalon ng asawa, tumambad sa kaniyang paningin ang harapan nitong namumukol. Napaawang ang bibig niya. Sa laki ng nakaumbok, tila may kamay na nakakubkob sa pagitan ng mga hita nito.
Ayaw niyang titigan ang ûmbok sa pagitan ng mga hita ni Slyth Aeryx subalit tila may magnet na humahatak sa kaniyang mga mata.
Ilang ulit na niyang napagmasdan ang magandang hübog ng katawan ng asawa. Alam niyang nabiyayaan ng malaking hinaharap ang lalaki sapagkat madalas niyang itong palihim na pagmasdan habang naliligo sa swimming pool. Subalit hindi niya akalaing mas malaki pala iyon kapag malapitan.
“Tutunganga ka na lang ba diyan?” untag ni Slyth Aeryx kay Czerina, dahilan upang siya’y mapapitlag.
Uminit ang magkabilan niyang pisngi nang mapagtantong nakatitig sa kaniya si Slyth Aeryx. Huling-huli ng lalaki kung paano niya pagpantasyahan ang katawan nito.
“S-Sorry po.” Aligaga siyang tumayo, kaagad na dinampot ang pamalit ng asawa.
“Heto ang tatandaan mo, babae,” maya-maya’y untag ni Slyth Aeryx kay Czerina matapos niyang maisuot ang huling saplot nito sa katawan. “Hinding-hindi mo na ulit makukuha ang katawan ko. Don't fool yourself–being my wife doesn't give you any right over me! Kaya makuntento ka na lang sa mga panakaw na tingin mo, dahil hanggang diyan ka na lang!”
Pagkasabi niyo’y dali-daling lumabas ang lalaki sa kanilang silid, naiwan siyang naninikip ang dib dib dahil sa uri ng tinging ipinukol nito bago siya iwanan.
“Hindi ko naman sinabing gusto kong may mangyari sa ’tin,” himutok ni Czerina. “Sus! Pero kung makatingin ka sa abs niya kulang na lang tumulo ang laway sa bibig mo!” kontra naman ng isang bahagi ng kaniyang isip.
Dahan-dahang siyang nahiga sa malambot na kama. Huminga nang malalim at mapait na napangiti.
“Huwag kang mag-alala, sapat na sa ’kin ang ginawa mong pagpapakasal sa ’kin. Aalagaan kita sa abot ng aking makakaya.” Napaluha si Czerina. “Kahit hindi mo suklian ang pagmamahal ko, tatanggapin ko ’yon bilang kabayaran sa nagawa kong kasalanan sa inyo ni Ma’am Atasha.”