CHAPTER 22

1364 Words
“Tsk! Alam naman niyang buntis ako tapos ako pa talaga ang pinagbitbit niya nitong maleta,” himutok ni Czerina. Bitbit niya ang maleta ng asawa habang paakyat sa hagdan patungo sa silid nito. “Pwede naman niyang bitbitin na lang, pero ako pa talaga ang inutusan.” Bawat hakbang niya paakyat, napapahawak siya sa kaniyang püsön sa pag-aalala na baka mapano ang baby sa kaniyang sinapupunan. Kung tutuusin, kayang-kaya niyang buhatin ang bagahe. Sanay siya sa mabibigat na trabaho sa isla. Ilang beses siyang palihim na tumutulong sa mga nagkokopra noong dalagita pa lamang siya para lang makatulong kay Carina. Subalit iba na ang sitwasyon niya ngayon, may munting anghel na sa kaniyang sinapupunan na kailangan niyang protektahan, kaya dapat ay maging maingat siya sa lahat ng oras. “Kapag may nangyari sa baby ko, humanda ka lang talaga sa ’kin!” Napairap si Czerina. Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan at nagpahinga pansamantala bago muling nagpatuloy. “What took you so long?!” bungad ni Slyth Aeryx kay Czerina nang makapasok siya sa malawak nitong silid. Nakapamaywang ang kaniyang asawa. Ang mga kilay ay halos mag-isang linya na dahil sa pagkakakunot. “Sorry, nagdahan-dahan lang ako sa pag-akyat sa hagdan. Medyo mabigat din kasi ’tong maleta mo, baka mapano ang baby natin,” hinihingal na sagot ni Czerina sa lalaki. Pinunasan niya ang pawis na gumitaw sa kaniyang noo gamit ang likod ng kaniyang kamay. Hindi pinansin ni Slyth Aeryx ang kaniyang sinabi. “Bilisan mo diyan! Ikuha mo ako ng pamalit na damit!” bulyaw pa nito sa kaniya. Tila hindi man lang nabagabag ang loob kung may mangyari man sa kanilang magiging anak. Nagpanting ang tainga ni Czerina sa paninigaw sa kaniya ni Slyth Aeryx. Gusto niyang sigawan at sagutin din ng pabalagbag ang lalaki, subalit nanatili lang siyang walang kibo upang hindi na humaba pa ang usapan. “Sige,” tugon ni Czerina. Dumiin ang mga kamay niyang nakahawak sa maleta. Hinila niya iyon patungo sa walk-in closet ni Slyth Aeryx at kaagad na naghanap ng maisusuot nitong pambahay na damit. “Tsk! Kukuha na lang ng isusuot, ako pa talaga,. Kita na ngang nagbuhat pa ako ng maleta niya. ” bulong ni Czerina. “May mga kamay naman.” “Pagkatapos mong ayusin ang mga gamit ko, magluto ka na ng tanghalian natin, nagugutom na ’ko,” utos ni Slyth Aeryx kay Czerina. Matapos niyang ipasok ang sariling maleta sa kuwartong inookupa, sunod naman niyang hinila ang maleta ni Slyth Aeryx at dinala iyon sa silid nito. Hindi pa man din siya natatapos ayusin ang mga gamit na dinala nito sa Baguio noong ikasal sila, may ipinag-uutos na ulit sa kaniya ang asawa. “Hindi ba pwedeng um-order na lang muna tayo ng lunch natin? P-Pagod kasi ako sa byahe,” suhestiyon niya. “Kung hindi mo kayang gampanan ang obligasyon mo sa ’kin bilang asawa, bumalik ka na lang kay Mommy,” mariing tugon nito habang nakaharap sa laptop. Napabuntong-hininga si Czerina, napilitan siyang sundin ang utos ni Slyth Aeryx. “Sige, magluluto na ako pagkatapos ko dito,” labag sa loob na tugon niya. Pagod siya sa byahe, gusto niyang magpahinga at matulog. Dati nama’y hindi siya antukin, ngunit dala ng pagbubuntis kaya madalas ay namimigat ang talukap ng mga mata niya. “Hi Cedee!” nakangiting bati ng kararating lang na si Allan kay Czerina. Kagagaling lang nito sa pamimili. “Hello,” walang buhay na tugon ni Czerina sa driver ng kaniyang asawa habang mabagal na naglalakad pababa sa hagdan. Hinintay ni Allan na makababa si Czerina saka sinabayan sa paglalakad patungo sa kusina. “Bakit parang matamlay ka?” usisa pa ng binata, umagapay ito sa kaniyang paglalakad nang tuluyan siyang makababa habang bitbit ang mga pinamili. Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa mga labi ni Czerina. “Wala naman, medyo inaantok kasi ako.” Sinabayan niya iyon ng pagkibit ng balikat. “Gusto mo ako na lang muna ang magluto? Umidlip ka muna saglit?” alok ni Allan. “Mukhang pagod ka pa sa byahe.” Marahang umiling si Czerina sa mungkahi ng lalaki. “Hindi, ako na lang, baka magalit si Aeryx.” Huminga nang malalim si Allan sa naging tugon ni Czerina. “Sabagay. Baka mamaya pagalitan ka na naman,” malungkot na turan ng binata. “Hindi ko nga alam diyan kay Sir kung ano ba ang trip niya sa buhay. Halos kumpleto naman ang laman ng ref kasi ako lang naman mag-isa dito sa bahay pero inutusan pa akong mamili sa halip na sunduin kayo. Pina-check niya nang maigi kung ano pa daw ang mga wala, binutlatlat ko tuloy ang laman kahit katatapos ko pa lang linisin,” mahabang paliwanag nito. Hindi nagpasundo si Slyth Aeryx kay Allan. Sa halip na magpasundo, inutusan ng lalaki ang personal driver na mamili sa supermarket kahit halos puno pa at marami pang stocks ang refrigerator. “For sure sinadya niyang paalisin ka para ako na naman ang magbitbit ng maleta niya paakyat.” Subalit hindi niya iyon isinatinig. Hindi maganda ang trato sa kaniya ng asawa, ngunit ayaw niyang lalong magmukhang kawawa sa harap ng ibang tao. “Baka ayaw niya lang na kapusin tayo kaya gano’n.” Napalabi si Czerina. Nang makarating sa kusina, kaagad niyang inihanda ang mga sangkap na kakailanganin niya sa lulutuing ulam. Tinulungan na rin siya ni Allan sa pagluluto upang mabilis silang matapos. “Ready na ang lunch ni Aeryx.” Napangiti si Czerina matapos ilapag ang isang mangkok ng adobong pusit. “Parang kilalang-kilala mo si Sir, ’no?” puna ni Allan habang nakatitig sa mga inihanda niyang pagkain. “Lahat ng niluluto mo hindi niya tinatanggihan, lahat nauubos. Pati ang gusto niyang timpla kuhang-kuha mo rin, hindi kagaya noong si Mericel pa ang nagluluto, kakaonti lang ang nakakain niya.” Napangiti si Czerina sa mga tinuran ni Allan. Sa kabila ng pagkamuhi sa kaniya ni Slyth Aeryx, hindi nito tinatanggihan ang mga pagkaing inihahain niya para dito. Mahilig sa seafoods ang kaniyang asawa. Lahat ng paborito nitong pagkain ay alam na alam niya. Kahit ang timpla ng bawat putahe ay hindi niya kinaligtaan. Biglang sumagi sa isip niya ang babaeng dapat ay mapapangasawa ni Slyth Aeryx. “Si Ma’am Atasha ba, nilulutuan din ba siya?” wala sa loob na tanong niya. Nang mapagtanto ni Czerina ang mga salitang binitawan, namilog ang kaniyang mga mata at agad na natutop ang bibig. “Ang OA naman ng reaction mo,” natatawang saad ni Allan. Nag-aalalang lumingon siya sa likuran ng lalaking kaharap. “B-Baka kasi marinig tayo ni Aeryx.” Maging si Allan ay napalingon din. Ngunit nang masigurong wala ang kanilang amo, muli itong nagpatuloy. “Bago pa lang ako dito, pero naabutan ko ng isang buwan si Ma’am,” ani nito sa mahinang tinig. Bahagyang lumapit si Allan kay Czerina. “Halos mabibilang lang sa daliri kung magluto ’yon si Ma’am Atasha, kaso kaonti lang ang nakakain ni Sir. Hindi kasi masarap,” pabulong na dagdag nito. “Ikaw talaga, mamaya marinig pa tayo ni Aeryx,” kunwa’y saway niya sa binata ngunit ang totoo ay lihim siyang natuwa. Kahit papaano, nakalamang siya kay Atasha sa larangang iyon. Sa mga panahong nagbabakasyon si Atasha sa mansiyon ng mga Del Castillo, kahit kailan ay hindi tumuntong sa kusina ang dalaga upang ipagluto si Slyth Aeryx. Kahit noong naging fiancee na ito ng huli, kailanma’y hindi nagluto ang babae. “Totoo naman.” Napasimangot si Allan, saka pinagkrus ang mga braso sa dib dib, tila walang balak na bawiin ang mga salitang nanulas sa mga labi. “Pakitawag na nga lang si Aeryx, baka mamaya multuhin pa tayo ni Ma’am Atasha,” utos niya sa binata na agad namang tumalima. Nang mawala sa kaniyang paningin si Allan, may ngiti sa mga labi na pinasadahan niya ang mga inihandang putahe. Adobong pusit, ginisang ampalaya na may itlog, at ensaladang pipino bilang side dish. Mahilig sa gulay ang kaniyang asawa. Sa tuwing kakain ang lalaki, hindi maaaring walang gulay na nakahanda sa hapag. Kahit simpleng gulay ay kinakain nito. Bata pa lang ay sinanay na ni Aelinor ang anak na huwag maging pihikan sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD