Isang linggong ibinurol ang mga låbī ni Atasha sa chapel ng isang funeral home. Gustuhin man ni Czerina na dumungaw at makiramay kay Santina subalit hindi niya magawa.
Laging naroroon si Slyth Aeryx. Halos hindi na natutulog ang binata. Walang oras na hindi niya nasisilayang umiiyak ang binata sa tuwing tatanawin niya sa malayo ang burol ni Atasha.
Gusto niyang humingi ng tawad sa dalaga, subalit ano pa ba ang magagawa niya ngayong sumakabilang buhay na ito?
Kaya araw-araw niyang ipinagdarasal na maging mapayapa ang kaluluwa ni Atasha pati na ang bata na nasa sinapupunan ng dalaga na kasama nitong pumanaw.
Labis siyang nalulungkot sa sinapit ng anak ni Santina. Pati ang magiging anak sana nina Atasha at ni Slyth Aeryx ay nadamay pa sa kadémonyohàn ng lalaking bumaril dito.
Dalawang araw matapos ang nangyaring pamamaril, may dumating na dalawang lalaki sa presinto. Kusang sumuko ang dalawa at inamin ng mga ito na nagkamali lang umano ng taong babàrilin. Ayon pa raw sa isang suspek, nais lamang daw nitong maghiganti sa babaeng nanloko dito.
Nang dahil lang sa kagustuhan ng mga taong iyon na makapaghiganti sa isang babae, dalawang buhay ang nagbuwis ng buhay. Walang awa nilang pinagbabaril si Atasha na para bang balewala sa mga ito ang pumatay ng tao.
Ramdam ni Czerina ang pagdadalamhati at lungkot na nararamdaman ni Santina para sa pagkawala ng anak at magiging apo nito. Kapag pupunta siya at magmamasid nang patago sa ’di kalayuan, lagi niyang naaabutan ang ginang na nakatunghay sa kabaong ng anak habang umiiyak.
Danas na ng dalaga ang mawalan ng mahal sa buhay, hindi lang isa kundi dalawa pa. Kaya alam at ramdam niya kung gaano iyon kasakit sa d*bdib.
Nang pumanaw noon ang kaniyang Lola Carina lalo na ang inang si Czarina Dulciana, pakiramdam ng dalaga’y magugunaw na ang kaniyang mundo. Bawat sandali na maiisip niyang kailanma’y hindi na niya makakasama pa ang ina at lola, halos hindi siya makahinga sa sakit na naramdaman.
“S-Sorry po, Ma’am Santi, hindi ko po kayo madamayan,” ani Czerina Dulce habang may mga luhang pumapatak sa magkabila niyang pisngi.
Nanatili pa siya ng halos tatlong minuto habang pinagmamasdan sina Santina at Aelinor na magkayakap at nagdadamayan. Habang pinagmamasdan ang dalawa, lihim siyang nagpasalamat dahil may taong nariyan para kay Santina sa mga panahong kailangang-kailangan nito ng makakaramay.
Nang mamatay ang ina niya’y si Aelinor lang din ang halos nasa tabi niya parati pati na din si Nana Tonya. Ang ama niya’y abala sa pakikipag-inuman sa mga kaibigan nito.
“Thank you po sa ’yo, Ma’am Lin,” aniya habang nakangiting pinanonood ang magkaibigan. “Napakaswerte po namin sa ’yo, bukod sa hindi ka madamot sa amin ay maaasahan ka rin namin sa mga ganitong pagkakataon.”
Pinahid ni Czerina ang mga luhang pumatak sa kaniyang pisngi. Handa na sana siyang lisanin ang pinagkukublian subalit bigla niyang narinig sa bandang likuran ang tinig ni Slyth Aeryx.
“So, ikaw pala talaga ang taong nararamdaman kong nagmamatiyag sa a’min,” may panunuyang sambit ng binata.
Bahagyang napaigtad ang dalaga, agad na namilog ang mga mata. Hindi niya magawang kumilos. Tila siya ipinako sa kaniyang kinatatayuan habang mabilis na tumitibōk ang kaniyang puso.
“Ano, huwag mong sabihing naestatwa ka na diyan?” untag pa nito.
Nagtagis ang mga bagang ni Slyth Aeryx. Mariin siya nitong hinawakan sa kaliwang braso upang ipihit paharap.
“Nag-iispiya ka ba, ha? Bakit ka nagtatago dito? May balak ka na naman bang gumawa ng masama sa ’min?” magkakasunod na akusa nito sa kaniya.
Umawang ang mga låbī ng dalaga, nag-isang linya ang mga kilay niya sa paratang ng binata.
“W-Wala po akong masamang balak, Kuya Aeryx,” tanggi niya sa paratang ng lalaki. “Gusto ko lang naman po sumilip sana sa burol ni Ma’am Atasha.”
Pagak na natawa si Slyth Aeryx. Tumikwas ang dulo ng labi nito. “Wala kang balak? But why are you hiding here?”
“Ayaw ko lang pong makagulo. Alam ko po kasi na magagalit ka kapag nagpakita ako doon.” Napayuko si Czerina At saka, ’di ba po sumuko na ’yong mga totoong pumatay sa kaniya?”
Sandaling hindi nakakibo ang binata, aminado ito na hindi ikatutuwa sakaling magpakita ang dalaga sa burol ni Atasha. Subalit mas nanaig ang galit nito sa babaeng kaharap.
“Buti naman at alam mo,” kapagkuwa’y sambit nito. “Ngayon, umalis ka na dito dahil hindi namin kailangan ang pakikiramay mo!” namumula sa galit ang mukha na sigaw ni Slyth Aeryx.
Umatras ng ilang hakbang si Czerina Dulce, nahintakutan sa poot na nababakas sa mga mata ni Slyth Aeryx. “Sige po, aalis na po ako. Pasensiya na po.” Mariin niyang kïnagát ang ibabang labi upang hindi mapaluha. Tila tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya sa pagkamuhing nababakas sa mga mata ng binatang lihím na iniibig.
Nilampasan niya si Slyth Aeryx. Subalit bago siya makalayo ay muli itong nagsalita, “Don’t you ever come back here again,” pahabol nito sa malamig na tinig. “Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo, o kahit ang maramdaman ang presensiya mo na nakatanaw sa malayo. Mas ikatutuwa ko kung mawawala ka na nang tuluyan sa landas ko,” puno ng pagkamuhing dagdag ng binata.
Bumagsak nang tuluyan ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Czerina. Walang salitang nanulas sa kaniyang mga lâbi. Sugatan ang puso na nilisan niya ang lugar na madalas niyang pagkublian upang lihim na makiramay.
Kinagabihan, dumating si Aelinor sa bahay na binili nito upang pansamantala niyang tirahan.
“Kumusta ka dito, Iha? Ayos ka lang ba dito?” usisa ng ginang. Bakas sa mukha nito ang pagod at puyat.
“Ayos lang po ako dito, Ma’am Lin,” tipid siyang ngumiti sa amo.
Lahat ng mga pangangailangan niya’y ipinapaabot sa kaniya ni Aelinor sa pamamagitan ng driver nitong si Pablo.
Ayaw siyang palabasin ng kaniyang among babae hangga’t hindi pa nahuhuli ang ilan sa mga tauhan ng kaniyang ama.
Ayon pa kay Aelinor, may binuong grupo ang ama kung saan nâgnanâkaw ang mga ito sa iba’t ibang bayan sa kanilang lugar. May inutangan din umano ang lalaki kung saan siya ang ginawang kabayaran.
Kailangan niyang magtago pansamantala habang hindi pa tuluyang napapasakamay ng mga pulis ang bawat miyembro ng magkabilang grupo.
“Nakarating nga pala sa ’kin na lumalabas ka raw ng bahay at sumisilip sa burol ni Atasha,” maya-maya’y pahayag ng ginang.
Nagbaba siya ng tingin. “O-Opo, Ma’am Lin,” pag-amin niya. “Gusto ko po kasing makiramay kahit sa malayo.”
Hindi na siya tumanggi pa. At lalong hindi na rin niya ikinabigla na nalaman nito ang kaniyang ginagawa. Alam niyang ipapaalam iyon ni Sebastian–isa sa mga tauhan ni Aelinor na inatasan upang magbantay sa kaniya.
“Naiintindihan kita, Cedee,” ani Aelinor sa malumanay na tinig. “Pero alalahanin mo sana na hindi pa nakukulong ang mga taong pinagkakautangan ni Romeo. Siguradong ikaw ang hahanapin nila ngayong nahuli na ang ama mo.”
Agad na nag-angat ng tingin ang dalaga. “Nakakulong na po si Papa?” Nakadama siya ng galak sa d*bdib. Pakiramdam niya’y nabunutan siya ng tinik dahil sa ibinalita ni Aelinor.
Marahang tumango ang ginang. “Oo, Iha. Kaya ako pumunta rito ay para ipaalam sa ’yo na nahuli na si Romeo. Pagbabayaran na niya ang mga ginawa niyang kasalanan kay Czarina.”
Nag-unahang pumatak ang mga luha sa kaniyang pisngi. Kung kanina ay mabigat ang d*bdib niya dahil sa mga salitang sinabi ni Slyth Aeryx, ngayon nama’y gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Kahit sabihing ama niya pa rin si Romeo, hinding-hindi niya makakalimutan ang pagpapahirap nito sa kaniyang ina. Higit sa lahat ay ang pagtangka nitong gawan siya ng masama.