CHAPTER 11

1535 Words
“Nana Tonya, wala pa po ba si Ma’am Lin?” tanong ni Czerina nang makapasok sa kusina. Lumingon sa kaniya ang mayordoma na abala sa pagluluto ng pansit. “Wala pa, Iha,” malungkot na sagot nito saka muling hinarap ang kawa. “Sasamahan daw muna niya si Ma’am Santi.” Bakas ang lungkot sa mga mata at tinig ni Tonya. Nakarating na sa mayordoma pati na rin sa ibang kawaksi ng mansiyon ang pagkawala ng kasintahan ng kanilang amo. “G-Gano’n po ba?” Pinuno niya ng hangin ang d*bdib habang pinipisil-pisil ang kaliwang kamay. “Sige po, babalik na po muna ako sa kwarto ko.” Tatalikod na sana siya subalit muling nagsalita si Tonya. “’Wag ka na muna umalis, malapit na rin naman itong maluto. Magmeryenda na muna tayo,” pigil ng mayordoma sa kaniya saka ini-off ang induction cooker. “Kumusta na nga pala ang pakiramdam mo?” kapagkuwa’y usisa nito nang humarap sa kaniya. “Medyo ayos na po, Nana.” Yumuko si Czerina. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Tonya. Hïyang-hiya siya sa kaniyang nagawa, at higit sa lahat ay patuloy siyang inuusig ng konsensiya. Masakit pa ang buong katawan ng dalaga, lalo na ang pagitan ng mga hita niya. Subalit pilit niyang ginagawang normal ang paglalakad upang hindi mag-usisa ang mga kasamahan kung bakit may kakaiba sa kaniyang ikinikilos. “Mabuti naman pala kung gano’n.” Tumalikod si Tonya, lumapit sa cabinet kung saan nakalagay ang mga dishware at kumuha ng isang stainless steel serving platter. Sa ngayo’y maayos pa siyang kinakausap ni Tonya. Ngunit tiyak niyang kamumuhian siya ng mga kasamahan sa oras na malaman ng mga ito ang ginawa niya kay Slyth Aeryx. “Maupo ka na diyan, maya-maya papasok na ang iba nating kasamahan para magmeryenda,” malumanay ang tinig na utos ng mayordoma. Nagsalin ito ng pansit bihon na pagsasaluhan nila ng kaniyang mga kasamahan. Hindi nagtagal, dumating na ang iba nilang kasamahan. Sama-sama nilang pinagsaluhan ang niluto ni Nana Tonya. Kung noon ay masaya silang nagkukuwentuhan kapag magkakasabay silang kumain, ngayon ay tanging kalansing lang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig sa hapag-kainan. Lahat ay nalulungkot at nagluluksa sa biglaang pagkamatay ng babaeng pakakasalan ng kanilang amo. Maayos ang trato ni Atasha sa mga kasambahay ng mga Del Castillo. Kailanma’y hindi sila nakaramdam ng pangmamaliit mula sa babae. Magmula nang maging kasintahan ng kanilang amo ang dalaga, madalas silang makatanggap ng aguinaldo mula dito sa tuwing bibisita sa mansiyon. Kaya lahat sila ay nagdadalamhati at nagluluksa. KANINA pa palakad-lakad si Czerina sa sala. Inaabangan niya ang pagdating ni Aelinor para makapagpaalam siya nang maayos. Sumapit na ang ika-pito ng gabi ngunit hindi pa dumarating ang amo nilang babae. Nakadama ng tawag ng kalikasan ang dalaga. Laylay ang mga balikat na lumakad siya patungo sa kusina upang doon magbanyo. Mas malapit iyon kumpara sa kaniyang silid. “Iha, parang kanina ka pa nag-aabang diyan sa may sala,” puna ni Nana Tonya nang makasalubong siya nito. “Hinihintay mo pa rin ba si Ma’am Lin?” “Opo, Nana Tonya,” aniya habang marahang tumatango. “May importante po kasi akong sasabihin.” “Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas na lang ’yang sasabihin mo, iha?” mahinahon nitong tanong. “Siguradong pagod ’yon si Ma’am.” Pinuno ni Czerina ng hangin ang baga. Nakadama siya ng guilt sa kaniyang d*bdib nang mapagtantong tama ang tinuran ng mayordoma. Pagod ang kanilang amo dahil dinamayan at sinamahan nito ang kaibigan sa pag-aasikaso ng mga labi ni Atasha. Pero heto siya at nagmamadaling umalis. “S-Sige po, saka na lang po siguro.” Tinapik ni Tonya ang kaniyang balikat. “Oo, hayaan mo na muna siyang makapagpahinga kapag dumating.” Ngumiti sa kaniya ang mayordoma. “Hindi na nga muna ako ngayon uuwi sa bahay kasi aasikasuhin ko siya mamaya, eh,” dagdag pa nito. Pagkatapos magbanyo, ipinasya ni Czerina na bumalik na lang sa sariling silid. Subalit nang makalabas siya mula sa kusina, saka naman niya nakasalubong si Aelinor. “G-Good evening po, Ma’am,” may pag-aalangang bati niya sa ginang. Hindi niya magawang tumingin dito nang diretso. Nahihiya pa rin siya sa nagawa niya kaninang umaga. Isang tipid na ngiti ang naging tugon ng kaniyang amo. “I’ll talk to you later, Cedee,” sambit nito dahilan upang makadama siya ng takot at kaba. “Magpapahinga lang ako saglit at maliligo.” Bakas sa mukha nito ang pagod. “S-Sige po, Ma’am,” nauutal niyang tugon. “Pupuntahan na lang kita mamaya sa kwarto mo.” Pagkasabi niyo’y nilagpasan siya ng ginang. Inihatid niya ng tanaw si Aelinor. Puno ng pangamba at takót ang kaniyang dïbdīb. Hindi mapakali si Czerina nang bumalik siya sa sariling silid. Ilang ulit na siyang huminga nang malalim at uminom ng tubig subalit hindi pa rin maalis sa kaniyang d*bdib ang pag-aalala. “Cedee?” anang boses ni Aelinor sa labas ng pinto ng kwarto ni Czerina. Sinabayan nito iyon ng tatlong magkakasunod na katok. Bahagyang napaigtad ang dalaga nang marinig ang boses ng ina ni Slyth Aeryx. Napalünøk siya at mabagal na humakbang patungo sa pinto. Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Czerina. Nanginginig ang kamay na pinihit niya ang doorknob. Pakiramdam ng dalaga’y naririnig na niya ang tíbôk ng kaniyang puso dahil sa lakas at bilis ng pagpintig nito. “P-Pasok po kayo, Ma’am Lin,” bungad niya kay Aelinor matapos pagbuksan ang ginang. Nilakihan niya ang awang ng pinto at bahagyang umatras upang bigyan ng espasyo ang ina ni Slyth Aeryx. Tahimik na pumasok ang ginang sa loob ng silid ni Czerina. Kaagad itong naupo sa dulo ng kaniyang kama. “Uupo na ako, Iha,” hinging pahintulot ni Aelinor, bakas ang pagod sa maamo nitong mukha. “Hindi ako magtatagal pero gusto ko lang talagang maupo.” “S-Sige po, Ma’am. Okay lang po.” Isinara niya ang pinto at lumapit sa amo. “Maupo ka na rin, Iha. Alam kong masakit pa rin ang katawan mo.” Iminuwestra nito ang plastic na upuan na nasa gilid ng kama. Napayuko si Czerina, uminit ang magkabilang pisngi niya. Inilang hakbang niya ang pagitan nila ng upuan. Binuhat at dinala malapit sa ginang. “Galit na galit si Slyth sa ginawa mong pang-4akít sa kaniya, Cedee,” panimula ni Aelinor matapos niyang maupo. “At mas lalong nadagdagan ang galit niya sa ’yo dahil sa pagkamatay ni Atasha.” Saglit na huminto ang ginang. “Iniisip niya na may kinalaman ka o kaya’y may nag-utos sa ’yo. Pero kinausap ko na siya at pinagsabihan na huwag kang pag-isipan ng masama. Kilala kita, halos dito ka na lumaki, kaya alam kong mabuti kang bata.” “Salamat po sa pagtitiwala, Ma’am Lin.” Nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata. Dumako ang tingin ni Czerina sa mga kamay niyang nakapatong sa binti. Marahan niyang ikinuyom ang mga iyon, nagbabakasakaling mabawasan ang kabang nararamdaman. “Ayaw ka niyang makita, Iha,” pagpapatuloy ni Aelinor. “Gusto niyang paalisin ka dito pero hindi ako pumayag. Wala ka ng ibang pamilya na mapupuntahan. Ang tatay mo naman ay puro babae at bisyo ang inaatupag.” “G-Gusto ko na rin po sanang umalis, Ma’am Santi. Hïyang-hiya po kasi ako sa nagawa ko.” Marahang tumango si Aelinor. “Papayagan kitang umalis dito sa mansiyon, pero dito ka lang din titira sa malapit–’yong pwede pa rin kitang bisitahin anumang oras.” Kumunot ang kaniyang noo sa tinuran ng ginang. “Pero bakit po?” may pagtataka niyang tanong. “Hindi kita pwedeng pabayaan, Cedee. Pamilya na ang turing ko sa ’yo. Tapat na nanilbihan si Czarina sa ’kin, at hindi ko maaatim na hayaan ka na lang lalo pa at hindi nagtitino ang Papa.” “B-Bakit n’yo po ito ginagawa? Ako ho ang may kasalanan kung bakit nabaril si Ma’am Atasha.” Paninisi niya sa sarili. Banayad na pïnisïl ni Aelinor ang kaniyang kamay. “Itinuring kong kaibigan ang Mama mo, kaya ayaw kong pabayaan ka, Iha. At saka huwag mo ring sisisihin ang sarili mo sa nangyari kay Atasha, hindi mo iyon ginusto. May mga tao lang talaga na halang ang kaluluwa.” “Maraming salamat po, Ma’am Lin.” Napahikbi si Czerina. “Sorry din po sa nagawa ko kay Kuya Aeryx.” “Pareho ninyong ginusto ang nangyari, Iha. Pareho kayong may kasalanan. Pwede siyang tumanggi lalo at alam naman niya sa sarili niyang ikakasal na siya, pero nagpadala siya A tukso.” Nabawasan ng kaonti ang alalahanin ni Czerina pagkatapos nilang mag-usap ni Aelinor. Nangako ang amo niyang babae na kaagad siyang ipahahatid sa magiging tirahan niya sa oras na makahanap ng bahay. Hindi na niya hinintay ang ipinangakong tulong ni Santina. Nahihiya siya sa ginang, kahit wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Atasha, pakiramdam niya ay naging parte siya ng krimén dahil kung hindi sila nito naabutan, hindi agad aalis ang dalaga. Nagising na siya nang dumating sina Aelinor sa silid ni Slyth Aeryx habang naroroon siya, subalit wala siyang lakas ng loob na bumangon at humarap sa mga ito. Sobrang sakit din ng kaniyang kàtåwan at masama ang kaniyang pakiramdam kaya hindi na niya pinilit pang bumangon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD