“Mga inutil!” nanggagalaiti sa galit na sigaw ng isang lalaki sa isang silid ng abandunadong bahay. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa dalawang lalaking nakaluhöd sa kaniyang harap.
Dinampot ng pinuno ng mga taong naroroon ang baril na nakapatong sa mesang gawa sa kahoy. Ikinisa niya iyon at nagpapütøk ng dalawang beses hindi kalayuan sa dalawang tauhan.
Hindi maayos na nagawa ng dalawang lalaki na sina Jose at Waldo ang kaniyang inuutos. Gusto na niyang patayin ang dalawa subalit mayroon siyang karampatang parüsa na ipinapataw sa mga tauhan kapag naging pabaya ang mga ito.
Halos mawalan naman ng kulay ang mukha ng dalawang lalaki. Ang ibang tauhan na nakatayo at nanonood ay nakadama rin ng takot subalit nanatiling walang imik upang hindi madamay.
“Mga wala kayong utak! Basta n’yo lang pinaulanan ng bala ang sasakyan. Hindi n’yo man lang muna tiningnan kung sino ang nasa loob!” Taas-baba ang d*bdib niya habang namumula ang mukha.
“P-Pasensiya na po, b-boss. Hindi na po mauulit,” nauutal na hinging paumanhin ni Waldo–ang lalaking walang awang bumaril kay Atasha.
Mâråhãs namang napalünøk ng laway ang katabi nitong si Jose–ang driver ng motorsiklo na ginamit ng mga ito sa pananambang sa sasakyan ni Santina.
Pawang ginigitawan ng malalamig na pawis sina Jose at Waldo. Kulang na lang ay halikan ng dalawang lalaki ang mga paa ng pinuno ng mga ito habang nângínginig sa takot.
“Talagang hindi na mauulit!” sigaw pa ng pinuno. “Alam n’yo ang patakaran ko! Kaya ngayon pa lang ay ihanda n’yo na ang inyong mga sarili sapagkat mabubulok kayong dalawa sa bilangguan!” Pagkasabi niyo’y tumalikod na ang lalaki, ipinatong niya ang baril sa dati kinalalagyan. Nagngangalit ang mga bagang na nilisan niya ang hideout kasama ang ibang mga tauhan.
Nanlumo sina Waldo at Jose kahit pa alam na ng dalawa kung ano ang kanilang kahihinatnan sa oras na pumalpak sila sa trabaho.
Isa sa patakaran ng kanilang 'boss' na kapag sumablay sa iniuutos at nakarating sa pulisya ang kanilang ginawa ay ang mga sarili mismo ang magiging kabayaran.
Kailangan nilang lumantad at aminin sa mga pulis ang kanilang pagkakasala. Hindi nila pwedeng suwayin ang patakaran sapagkat bago pa man sila sumali ay may pinirmahan na silang kontrata. Buhay ng kanilang mga kaanak ang magiging kabayaran sa oras na hindi nila sundin ang kanilang amo.
Malaki ang bayad sa bawat trabaho na kanilang ginagawa. Lahat ng iyon ay pawang paglabag sa batas kaya hindi basta-basta ang pera na kanilang natatanggap. Kaya kahit makulong sila, hindi na maghihirap ang maiiwan nilang pamilya maliban na lang kung maluho at hindi wais sa pera.
NAALIMPUNGATAN si Czerina sa malakas na pagbukas ng pinto sa kaniyang silid. Dahan-dahan siyang bumangon. Bumungad sa kaniya si Slyth Aeryx na namumula sa galit ang mukha habang habol ang hininga. Kulang na lang ay tumakbo ang binata papunta sa silid ng dalaga pagkalabas na pagkalabas nito sa sasakyan ni Santina.
“K-Kuya Aeryx.” Hindi niya mapigilang kilabutan sa bangis ng anyo ng lalaki.
Agad na hinaklit ni Slyth Aeryx ang kaniyang braso nang makalapit ito sa kaniya. “Tell me, may kinalaman ka ba sa pamamaril kay Atasha? Alam mo ba kung sino ang nagpapatay sa kaniya? O ikaw mismo ang nag-utos?” nagtatagis ang mga bagang na tanong ng binata. Puno ng pag-aakusa at poot ang mga mata nitong matalim na nakatunghay sa kaniya.
Natigagal si Czerina. Hindi kaagad nakakibo sa masamang balitang natanggap niya. Tila hindi maproseso ng kaniyang utak ang mga sinabi ng lalaki.
“Answer me!” sigaw ni Slyth Aeryx sa kaniyang mukha. “Ikaw ba ang nagpapatay sa fiancee ko?”
Tila natauhan si Czerina sa malakas na sigaw ng amo. “P-Patay na po si Ma’am Atasha? May b-bumaril sa kaniya?” balik-tanong ng dalaga, bakas pa rin sa mukha ang pagkabigla.
“Stop acting innocent!” bulyaw nitong muli. “Umamin ka na ngayon din kung ayaw mong mabulok sa kulungan!”
Bumaba ang mga mata niya sa kamay nitong halos bumaon na sa kaniyang braso sa sobrang higpit ng pagkakahawak. Napangïwi siya sa sakit.
“H-Hindi ko po magagawa ang ganoong bagay, Kuya Aeryx,” tanggi niya sa paratang ng binata habang marahang umiiling. “Wala po akong kinalaman sa nangyari kay Ma’am Atasha.”
Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Czerina. Nasasaktan siya sa pagkamuhing nababakas sa mga mata ng lalaking minamahal niya ng patago, at kasabay din noon ay nalulungkot siya sa sinapit ng babaeng mapapangasawa nito.
“Just make sure that you had nothing to do with my fiancée’s death, dahil hindi ko alam kung ano’ng pwede kong magawa sa ’yo kapag napatunayan kong may kinalaman ka!” banta nito.
Pabalyang binitawan ni Slyth Aeryx ang braso ni Czerina. Masama pa rin ang kaniyang pakiramdam kaya nakadama siya ng kaonting hilo nang bumagsak ang katawan niya sa kama.
Mabibigat ang hakbang na iniwanan siya ng binata. Napaigtad pa siya nang malakas na kumalabog ang pinto matapos isara ng kaniyang amo. Nag-unahang pumatak ang mga luha sa kaniyang pisngi habang mabilis na tinatambol ang d*bdib.
“S-Sorry po, Ma’am Atasha. Sorry kung dahil sa ’kin ay nasaktan ni Kuya Aeryx ang damdamin mo bago ka mawala sa mundong ito.”
Dinaklot ni Czerina ang d*bdib niyang naninikip dahil sa sakit. “K-Kasalanan ko po ang nangyari sa ’yo. Kung hindi ko ínâkít si Kuya Aeryx, hindi mo siya maaabutan sa ganoong sitwasyon. Baka hindi ka sana umalis kaagad at hindi ka sana nabaril.”
Labis na nilalamon ng konsensya ang buong pagkatao ni Czerina. Pakiramdam niya’y siya ang nagdala kay Atasha sa kapahamakan.
Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ng dalaga. Namumugto na ang kaniyang mga mata. Makaraan ang ilang sandali, naisipan niyang bumangon.
Paika-ikang kinuha ni Czerina ang lahat ng gamit niya sa kabinet, ipinatong sa kama at mabagal sinalansan sa maleta na regalo pa sa kaniya noon ni Aelinor nang minsang isama siya ng ginang na mag-out of town.
“Hindi ako ang may kagagawan sa pagkamatay ni Ma’am Atasha, at mas lalong wala akong alam kung sino ang may gawa no’n,” aniya habang patuloy na inilalagay sa maleta ang mga gamit. “Aalis ako hindi dahil guilty ako sa isang bagay na hinding-hindi ko kailanman naisipang gawin, kundi dahil guilty ako sa ginawa kong pang-áākit kay Kuya Aeryx.”
Isinara ni Czerina ang maleta. Pinagpapawisan siya ng malalamig. Dinampot niya ang panyo na sinadya niyang huwag ilagay sa maleta at pinunasan ang pawisang noo.
Nang makapagpahinga ng ilang minuto ay pumasok ang dalaga sa banyo. Naghilamos lang siya at nagpalit ng damit na pang-alis.
Ipinasya ni Czerina na hintayin muna si Aelinor bago umalis. Nais niyang maayos na magpaalam sa ginang. Kahit hïyang-hiya siya sa kaniyang nagawa’y gusto niya pa ring harapin ang babae.
Hindi na niya hihintayin pa ang tulong na inalok ni Santina upang matiwasay na makaalis sa kanilang lugar ng hindi natutunugan ng kaniyang ama.
May tainga at bibig si Romeo sa kanilang lugar, mabilis na malalaman ng kaniyang ama kapag tuluyan na siyang lumayo. Subalit kailangan niyang sumugal. Siya ang gumawa ng sariling suliranin, kaya kailangan niyang lusutan iyon sa sariling pamamaraan kahit pa nangangahulugang isusugal niya ang kaniyang kaligtasan.