CHAPTER 9

1231 Words
“Mom, please tell me what really happened to Atasha? Ano ang dahilan at isinugod siya sa ospital?” tanong ulit ni Slyth Aeryx sa ina habang patungo sila ospital na pinagdalahan sa babaeng mapapangasawa. “Bakit hindi n’yo pa sabihin sa ’kin kung ano ang nangyari? I have every right to know what happened! Hindi ko lang siya basta kasintahan, malapit na kaming ikasal!” Hindi niya mapigilang mapasigaw habang kuyom ang mga kamao. Humugot ng malalim na paghinga si Aelinor, hinawakan ang mga kamay ng anak na mariing nakakuyom saka marahang pinisil. Pinuno nito ng hangin ang baga bago nagsalita, “M-May bumaril daw sa kaniya, anak,” nauutal na sagot ng ginang sa binata. Tila umakyat ang dugo niya sa ulo sa mga narinig. “May bumaril?” Hindi makapaniwala si Slyth Aeryx sa tinuran ng ina. “Pero sino ang gagawa no’n sa kaniya? Halos wala siyang kakilala dito!” Nagtagis ang mga bagang niya. “W-We don’t have any idea also kung sino ang posibleng manakit sa aking anak, Slyth. Alam mo naman ’yon, hindi napipirme dito sa ’tin,” sabat ni Santina na patuloy na lumuluha habang nakatingin sa dinadaanan. Subalit wala doon ang isip nito, kundi sa anak na critical umano ang lagay ayon sa pulis na tumawag. Dumako ang mga mata ng binata sa ina ni Atasha. “Kumusta po ang lagay niya, Tita?” may pag-aalala sa mukha na tanong ni Slyth Aeryx sa magiging biyenan niya. “S-Sabi ng pulis na tumawag kanina, kritikal daw ang lagay niya,” sagot ni Santina habang nagpapahid ng luha. “Kaagad akong nawalan ng malay matapos kong marinig ang māsamang balita kaya wala na akong ibang narinig pa,” dagdag pa nito. Muli na namang napahikbi si Santina sa kaawa-awang sinapit ng anak na si Atasha. Hindi nito lubos maisip ang sakit at takót na naramdaman ng dalaga habang walang awa itong pinagbabaril ng kung sino man. “Pagbabayarin ko ang taong nanakit sa kaniya, Tita Santi,” mariing sambit ni Slyth Aeryx. “Sisiguruhin kong mabubulok sa bilangguan ang gumawa nito,” dagdag pa niya, nag-aapoy sa galit ang mga mata. Mahigit tatlumpong minuto bago nakarating sa ospital sina Slyth Aeryx. Pagdating nila roon, kasalukuyan pa ring inooperahan ang kaniyang mapapangasawa, na ayon sa pulis ay nagtamo ng tama ng baril sa ulo pati na sa iba pang bahagi ng katawan kaya malala ang lagay nito. Habang naghihintay na matapos ang operasyon, naglakad palayo sa magulang at kay Santina ang binata. Kinakabahang binaybay niya ang daan patungo sa kapilya ng ospital. Hindi madasalin si Slyth Aeryx. Ngunit sa pagkakataong iyon, tahimik na lumuhod ang binata sa loob ng kapilya, buong pusong ipinagdasal ang kaligtasan ni Atasha pati na ang ipinagbubuntis nito habang puno ng luha ang mga mata. “Lord, first of all, I want to ask for Your forgiveness for only speaking to You now. Gusto ko ring humingi ng kapatawaran sa mga kasalanang nagawa ko. This is the first time I’ve ever talked to You, at kahit na nakakahiya man, hinihiling ko sa Iyo na sana ay iligtas Mo si Atasha at ang magiging anak namin. Please heal the woman I’m going to marry.” Namalayan na lang ni Slyth Aeryx na tumutulo na pala ang kaniyang luha. Ipinatong ng binata ang mga braso sa sandalan ng upuan at doon isinubsob ang mukha habang mahinang yumuyugyog ang mga balikat. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito, ang matakot nang sobra hindi para sa sarili, kundi para sa babaeng mahal na mahal niya at sa magiging anak nila. “Please, huwag N’yo sanang hahayaang mawala sa akin si Atasha. Hindi ko kakayanin...” Ilang minuto pa siyang nanatili sa loob ng kapilya. Paulit-ulit niyang ipinagdasal ang kaligtasan ng babaeng pakakasalan pati na rin ang munting buhay na nasa sinapupunan nito. Kahit papaano ay gumaan ang bigat sa kaniyang d*b.dib. Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa kaniyang pisngi bago tumayo at nagpasyang bumalik sa waiting area kung saan naroroon sina Santina at Aelinor. Habang papalapit sa waiting area, natanaw ni Slyth Aeryx sina Santina at Aelinor na humahagulgol habang magkayakap. Tinambol nang malakas ang kaniyang d*b.dib. Binilisan niya ang bawat hakbang. Halos takbuhin na niya ang nilalakaran makalapit lang sa dalawang babae. “M-Mommy, tapos na ba ang operasyon ni Atasha? Kumusta na siya?” garalgal ang tinig na tanong ni Slyth Aeryx. Taas-baba ang kaniyang d*b.dib sa tindi ng nararamdamang kaba. Nag-angat ng tingin si Santina, luhaan ang mga mata. Marahan itong umiling sa lalaking dapat ay mapapangasawa ng anak nito habang patuloy na umiiyak. “N-No... H-Hindi totoo ’yan. Hindi sila pwedeng mawala sa ’kin! Hindi nila ako pwedeng iwan!” Tila nawalan ng lakas ang mga binti ni Slyth Aeryx. Nanginginig ang kátâwan na lumuhod siya sa harap ng magkaibigan. Ipinatong niya sa tuhod ng ina ang mga kamay. “M-Mom... Please, sabihin mo sa ’kin na hindi totoo ang sinabi ni Tita Santi,” pagsamo niya sa ina. Hindi kumibo si Aelinor. Sa halip, ikinulong siya nito sa mga bisig. “N-No... No...” Ipinulupot niya ang mga braso sa baywang ng ginang. Tila siya isang paslit na nasaktan habang inaalo ng ina. Matapos umiyak, bumitaw siya mula sa pagkakayakap ni Aelinor saka tumayo. “Kayo na muna ang bahala kay Atasha, Mommy, Tita Santi,” mariing sambit niya, nag-aapoy sa galit ang mga mata. “May pupuntahan lang ako.” Kinabahan si Aelinor sa nakikitang anyo ng anak. Agad na tumayo ang ginang at hinawakan sa braso ang binata. “S-Saan ka pupunta?” nababahalang tanong ng kaniyang ina. Subalit hindi sumagot si Slyth Aeryx sa tanong ni Aelinor. Nagngangalit ang mga bagang na tinalikuran nito ang ginang. Dahil wala siyang dalang sariling sasakyan papunta sa ospital, sapilitan niyang kinuha ang susi ng sasakyan ni Santina kay Gustavo at iyon ang ginamit upang makapunta sa paroroonan niya. Napilitang ipahiram ni Gustavo ang sasakyan ng amo. Sa tagal nitong naninilbihan kay Santina, pati ang ugali ni Slyth Aeryx ay halos kabisado na nito. Sa dilim ng anyo ng binata, natitiyak ni Gustavo na mauuwi sila sa dahas kung hindi niya pagbibigyan ang anak ng kaibigan ng amo. “Gawin ninyo ang lahat upang managot ang taong may kagagawan nito sa fiancee ko,” mariing utos ni Slyth Aeryx sa kausap niyang alagad ng batas. “Handa akong magbigay ng malaking halaga upang mapabilis ang pag-usad ng kaso,” dagdag pa niya habang nanlilisik ang mga mata. “Huwag ho kayong mag-alala, Mister Del Castillo,” mahinahong tugon ng Hepe. “Personal ko pong tututukan ang kasong ito. Ipinapangako ko sa inyo—mahuhuli namin ang salarin at hindi kami titigil hangga’t hindi naibibigay sa pamilya ninyo ang hustisyang nararapat para kay Ms. Vermin.” Dahan-dahang tumayo si Slyth Aeryx, ngunit nanatiling nakatuon sa opisyal ang mga mata. “Aasahan ko ’yan, Mister Ricaforte.” Maging ang hepe ng kapulisan ay tumayo na rin. “Kung may anumang impormasyon o pangangailangan ho kayo na nais ninyong iparating, makipag-ugnayan kayo kaagad sa akin. Hindi namin hahayaang mapabayaan ang kasong ito.” Pagkagaling sa presinto, muling pinaharurot ni Slyth Aeryx ang sasakyan at agad na dumiretso sa kanilang mansiyon. Nag-uumapaw sa gålit ang kaniyang d*b.dib sa kung sino man ang bumaril kay Atasha. At sa tuwing naaalala ng binata na nagdadalang-tao ang babaeng mapapangasawa, lalong tumitindi ang poot na nararamdaman niya. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD