“Santi!” malakas na sigaw ni Aelinor nang makitang unti-unting nabuwal sa kinatatayuan si Santina.
Kaagad namang dinaluhan ni Gustavo ang kaniyang kaibigan. Bago tuluyang bumagsak ang katawan, mabilis na nasalo ng lalaki si Santina. Dahan-dahang itong sumalampak sa sahig bago maingat na pínahīga ang ginang.
“S-Santi.. ” nanginginig at kinakabahan niyang sambit nang makalapit kay Santina. Hindi niya malaman ang gagawin dahil sa pag-aalala.
“Ma’am, pakibuksan po ang dalawang butones ng blouse niya para mas makahinga siya nang maayos,” malumanay na utos ni Gustavo kay Aelinor.
Sa nanginginig na mga kamay, inalis niya ang dalawang magkasunod na butones ng kulay kremang damit ni Santina. Labis siyang natataranta, hindi siya makapag-isip nang maayos. Natatakot siya na baka may dinaramdam na naman ang kaniyang kaibigan kaya ito nawalan ng malay.
“Kukuha lang po ako ng mga unan,” paalam ni Gustavo.
Tumayo ang lalaki, may pagmamadali sa kilos na kumuha ng dalawang throw pillow. Bagama’t nagmamadali, nasa anyo pa rin nito ang pagiging kalmado.
“Ipatong po natin ang mga paa niya sa unan para ma-elevate po ang legs niya. Nakatutulong po ito para mas mabilis bumalik ang dugo sa utak,” kalmadong paliwanag ni Gustavo habang maingat na ipinapatong ang mga paa ni Santina.
Maya-maya’y humahangos namang lumapit ang mayordoma ni Aelinor na si Tonya. Narinig nito kanina ang sigaw ng amo, kaya kaagad itong lumakad kung saan nanggaling ang boses.
Nang makita ng mayordoma ang nangyari kay Santina, agad na bumalik ang babae sa kusina. Kumuha ng pamaypay, tubig at essential medicated oil.
“Ako na ang magpapaypay sa kaniya, Tonya,” prisinta ni Aelinor nang makita ang papalapit na kawaksi.
Hindi na siya gaanong nanginginig, subalit labis pa rin ang pag-aalala niya sa kaibigan na kagaya niya’y ilang araw ng walang maayos na tulog dahil sa mga problemang iniisip.
“Sige po.” Kaagad na ibinigay sa kaniya ng mayordoma pamaypay na dala nito. “May kinuha na rin po akong tubig at saka medicated oil, Ma’am.”
“Salamat, Tonya,” aniya habang pinapaypayan ang kaibigan na namunutla. “Lalagyan natin niyan si Santi at paiinumin mamaya kapag nagkaroon na siya ng malay.”
Hindi maaaring lagyan agad ng anumang substansiya ang ilong o bibig ang taong nawalan ng malay nang hindi alam ang kalagayan.
Kapag nahimatay ang isang tao, hindi nito masasabi kung labis o kulang ang ilalagay. Ang labis na menthol o malakas na amoy ay maaaring magdulot ng irritation sa respiratory system lalo na sa balat.
Ilang sandali pa, bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Santina. Dahan-dahan nitong idinilat ang mga mata.
Agad na ginagap ni Aelinor ang palad ng kaibigan, tila siya nakahinga nang maluwag. “Santi, ano’ng nararamdaman mo? May masakit ba sa ’yo?” tanong niya sa kalmadong tinig.
Ang kaninang namumutlang balat ni Santina ay unti-unting bumalik sa normal.
Mabagal na bumangon si Santina habang nângínginig ang katawan. “Dahan-dahan lang, Santi,” paalala ni Aelinor. Maagap niyang inalalayan ang kaibigan at isinandal sa kaniyang d*b.dib.
“M-My daughter...” napahikbi si Santina. “Lin, dalhin mo ako sa anak ko, nasa ospital siya. May bumaril sa kaniya!” Kumapit sa balikat niya ang kaibigan, bahagya siyang niyugyog habang pumapatak ang masaganang luha sa pisngi nito.
Halos magkasabay na nāpasïnghap sina Aelinor at ang mayordoma. “Oh my gosh!” Natutop niya ang bibig. “Sino ang gagawa ng ganoong bagay sa kaniya?” hindi makapaniwalang bulalas niya.
Nag-angat siya ng tingin kay Gustavo. “Alalayan mo ’ko, dalhin natin si Santi sa sasakyan ninyo. Puntahan natin si Atasha sa ospital! Bilis!” nanginginig ang tinig na utos niya sa driver ng kaibigan, ramdam niya ang pagbilis ng tíbøk ng kaniyang puso.
Agad namang tumalima ang lalaki. Maingat niyang inilipat sa mga bīsig ni Gustavo si Santina. Ipinatong nito sa balikat ang kaliwang braso ng kaniyang kaibigan, inalalayan ang likod, at isinuot sa ilālim ng mga binti ng ginang ang ibabang braso bago walang kahirap-hirap na binuhat ang amo.
Si Slyth Aeryx na pababa ng hagdan ay biglang tinambol nang malakas ang d*b.dib matapos marinig ang mga sinabi ni Aelinor. Mabibilis ang hakbang na pumanaog ang binata at lumapit sa ina.
“What happened to Atasha, mommy? Bakit n’yo siya pupuntahan sa ospital?” humahangos na usisa nito.
Tila naumid ang dila ni Aelinor. Hindi niya magawang sabihin ang māsamang balita sa anak. Maging si Santina ay hindi makapagsalita. Tanging paghikbi lang ang kaniyang naitugon.
Bahagya niyugyog ni Slyth Aeryx ang magkabilang balikat ng ina. “Mom! Answer me! Ano’ng nangyari sa fiance ko!” sigaw ng binata na lalong kinabahan sa pananahimik ng mga taong nasa paligid nito.
“Sumama ka na lang sa ’min sa ospital,” si Gustavo ang sumagot.
Tumalikod ang driver ni Santina, may pagmamadaling lumakad patungo sa garahe kung saan ipinarada ang sasakyan ng amo. Tila balewala dito ang bigat ng kaniyang kaibigan.
Dali-dali namang sumunod ang mag-ina. Halos lakad-takbo ang kanilang ginawa upang marating ang mamahaling sasakyan ni Santina.
“Ako na ang magmamaneho,” ani Slyth Aeryx kay Gustavo matapos mailapag ng huli ang amo nito.
“Hindi puwede,” matigas na tutol ng driver ni Santina. Tinalikuran pa nito ang binata at agad na humakbang patungo sa driver's seat.
“Kailangan nating makarating kaagad kaya ako na ang magmamaneho!” giit pa ni Slyth Aeryx na agad na nakarating sa harap ni Gustavo. Hinila nito ang kuwelyo ng suot ng driver ni Santina.
Napakunot-noo naman ang magkaibigan sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa dalawang lalaking nagtatalo.
Bumaba ang tingin ni Gustavo sa mga kamay ni Slyth Aeryx na maríïng nakahawak sa kuwelyo ng damit nito. “Nanginginig ang mga kamay mo. Sa tingin mo ba makakapag-focus ka niyan sa pagmamaneho?” Tumikwas ang dulo nito at sapilitang inalis ang mga kamay ng binata.
“Mas magtatagal tayo kung ipipilit mo ’yang gusto mo,” kalmado pa ring sambit ng mas nakatatandang lalaki na kahit kuwarenta’y singko na ang edad ay matikas pa rin ang pangangatawan. “Pumasok ka na lang sa loob para makaalis na tayo. Hindi ka puwedeng magmaneho sa lagay mong ’yan.”
Binuksan ni Gustavo ang pinto sa driver's seat at tuluyang pumasok sa loob. Wala namang nagawa si Slyth Aeryx kundi ang sumunod na lang sa sinabi ng lalaki lalo na at kanina pa ito nagpa-panic at nag-aalala para sa babaeng mapapangasawa.