“Ano’ng ibig sabihin nito, Slyth?!”
Naalimpungatan si Slyth Aeryx sa malakas na sigaw ni Aelinor. Napabalikwas siya ng bangon. Tumahip nang malakas ang kaniyang dïbdīb pagkakita sa mga taong nasa loob na pala ng kaniyang silid ng hindi niya namamalayan.
Naroroon ang kaniyang ina, ang magiging biyenan niyang babae, at higit sa lahat ay ang babaeng mahal na mahal niya na nakasalampak sa sahig, nakasubsob sa mga palad ang mukha habang umiiyak.
“B-Babe.,” saad niya sa nauutal na tinig. “L-Let me explain.”
Bababa na sana siya sa sahig. Ngunit naalala niyang wala siyang anumang saplot sa kâtäwán. Hindi rin niya magawang tumayo sapagkat nakahiga pa rin si Czerina sa kaniyang tabi–na kagaya niya ay wala ding suot na damit.
“Let’s go, Tasha, umalis na muna tayo.” Lumapit si Santina kay Atasha, inalalayang tumayo. Wala siyang narinig na maanghang na salita mula sa ginang dahil sa ginawa niya, subalit hindi naman itinago ng mukha nito ang disappointment.
“Tita, magpapaliwanag po ako,” naluluha niyang sambit.
“Ayusin mo na muna ang sarili mo,” malamig na tugon ng ina ng kaniyang mapapangasawa. Humakbang ang ginang patungo sa pinto habang inaalalayan si Atasha.
Nâgtågis ang mga bagang ni Slyth Aeryx. Naihilamos niya ang mga palad sa kaniyang mukha. Gusto na niyang kaladkarin si Czerina na mahimbing pa ring natutulog sa kaniyang higaan.
Subalit hindi niya iyon maaaring gawin lalo na sa harap ng kaniyang ina. Ayaw na niyang dagdagan pa ang pagkadismaya na nakikita sa mga mata nito.
“Si Cedee pa talaga, ha, Slyth? Ikakasal ka na. Bakit ngayon mo pa ginawa ’yan?” Napailing ang kaniyang ina. “Kanina pa kami dito. Seven thirty pa lang ng umaga nandito na kami ng Daddy mo pati na sina Santina at Atasha. Thirty minutes na lang, alas onse na pero hindi ka pa bumababa kaya umakyat na kami. Tapos ito ang bubungad sa ’min?” sermon sa kaniya ng ina.
Wala siyang maapuhap na sasabihin. Paano nga ba niya ipaliliwanag sa ina na sinadya niyang ituloy ang nasimulan upang párusahän ang dalaga? Kung tutuusin ay magagawa naman niyang pigilan ang nangyari subalit nagpatalo siya sa bugso ng damdamin.
“Gisingin mo na si Czerina. Sumunod kayo sa library kapag nakapagbihis na kayo,” kapagkuwa’y dagdag ng ina bago lumabas ng kaniyang silid.
Sa kabila ng pagkadismayang mababanaag sa mukha ni Aelinor, nanatili pa rin itong kalmado habang kinakausap siya.
Hïyang-hiya si Slyth Aeryx sa sariling ina lalong-lalo na kay Santina. Mabait siyang anak at halos lahat ng gusto ng mga magulang ay sinusunod niya, maliban na nga lang sa pagiging palikero na gawain na niya noon pang siya ay binatilyo.
Ngunit nang makasama niya sa iisang bubong si Atasha na ipinagkasundong magiging asâwa niya balang araw, doon siya nagsimulang magbago. Dati’y papalit-palit siya ng babae, wala siyang sineseryoso. At iyon ang madalas na reklamo ng kaniyang ina.
Noong nag-aaral pa lang siya, minsan ay nadadamay pa si Aelinor sa mga käløkohàn niya. May mga babaeng hindi matanggap kapag basta-basta na lang niya hínihiwälayan ng wälang màbigat na dahilan, at ang kaniyang ina ang kinukulit ng mga ito.
Nang dahil kay Atasha, nagtino siya at ipinakita dito na karapat-dapat siyang maging asawa at ama ng mga magiging anak nito. Minahal niya nang lubos ang dalaga. Lahat ay ginawa niya upang mapasaya lamang ito.
Mula pagkabata’y itinanim na sa kaniya ni Aelinor na balang araw ay pakakasalan niya ang anak ng kaibigan nito.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa kanilang probinsiya, sa unibersidad na pag-aari mismo ng kanilang pamilya. Mas pinili niyang huwag lumayo sa kaniyang ina sapagkat madalas na wala si Silverio.
Abala ang ama sa pamamahala ng kanilang kumpanya sa Makati kung saan doon din mismo nag-aaral si Atasha.
Hindi kaagad sila ipinakilala sa isa’t isa upang ma-enjoy daw muna nila ang buhay dalaga at binata. Nang tumuntong siya sa edad na dalawampu’t tatlo’y saka pa lamang niya nakilala ang babaeng mapapangasawa niya sa takdang panahon.
Hinahasa na siya noon ng ama sa pamamahala sa kanilang negosyo; Ang Del Castillo Foods. Nagsusuplay sila ng dried fruits at dried seafoods sa loob at labas ng bansa. Sa isla ang kanilang production site, habang sa Makati naman ang Corporate office.
Unang beses pa lang niyang nasilayan ang mukha ni Atasha, nabighani na kaagad siya sa taglay nitong ganda, lalo na ang mapupungay nitong mga mata.
Kahit nakatakda na silang magpakasal, niligawan pa rin niya ang dalaga. At hindi kalaunan ay naging kasintahan niya ito.
Ngunit ngayong nahuli siya ni Atasha na may ginawang käløkohàn, labis ang tâköt at pag-aalala na nararamdaman niya. Nâsaktàn niya ang damdamin ng babaeng mapapangasawa, at natatakot siya na baka hindi na siya nito mapatawad.
Ang alam niya’y bukas pa uuwi ang mga magulang. Hindi niya akalaing mapapaaga ang pagdating ng mga ito.
Muli siyang napahilamos sa mga palad. Nang dumako ang mga mata niya sa babaeng katabi, lalo siyang naghuramentado dahil tulog na tulog pa rin ang dalaga. Wala itong kamalay-malay sa suliraning kinakaharap niya.
Bumaba siya sa kama.
“Get up now, woman!”
Hinablot ni Slyth Aeryx ang kumot na nakatabing sa húbād na kàtåwan ni Czerina. Nahantad sa kaniyang paningin ang nàkakáâkït nitong àlindøg.
Makikita sa kâtäwán ng dalaga ang bakas ng nangyari ng nagdaang gâbí. Puno ng mapupulang mârkà ang wheatish skin tone nito. Sa leeg, sa may punong d*bdib, at maging sa balikat.
Túmiim ang bàgäng ni Slyth Aeryx nang mapagtanto ang ginagawang panunuri sa kâtäwán ng dalaga. Muli niyang ibinalik sa kâtäwán nito ang kumot.
“Bumangon ka na diyan kung ayaw mong kàIâdkàrin kita palabas ng kwarto ko kâhit wala kang süøt na damit!” sigaw niyang muli habang nakapamaywang, hindi alintana ang kàhūbdan ng kátâwan.
Nang hindi kumilos si Czerina, lumapit siya dito at hinawakan sa braso upang kàIâdkàrin. Natigilan siya nang maramdamang máinït-inït ang kátâwan nito.
Binitawan niya ang braso ng dalaga, sinàlât ang noo at leeg. “S**t!” Näpåmúra siya nang mapagtantong may sinat ito.
Dumaan ang pag-aalala sa gwapong mukha ni Slyth Aeryx para kay Czerina, ngunit dagli ring nawala nang maalala ang ginawang kasàIänan ng babae sa kaniya.
Labis-labis na ang kàsālanàn niya para sa mapapangasawa. Nàpāgtaksilan na nga niya ang babaeng pakakasala’y nagawa pa niyang mag-alala para sa babaeng dahilan ng kaniyang pàgkākasaIa.
“That's what you get for jumping into a man's bed who is already in a relationship,” aniya upang iwaksi ang pag-aalalang nadarama para dito.
Tinalikuran niya ang dalaga, pumasok siya sa banyo at nagmamadaling maligo upang amuhin si Atasha na agad nakaalis sa kanilang tahanan pagkababa nito.