“M-Mommy....” Hikbi ni Atasha nang makababa ang mag-ina. Kaagad na yumakap ang dalaga kay Santina. Umïiyák ito subalit halos wala namang luha na lumalabas sa mga mata.
“Pagbabayarin ko ang malanding katulong na ’yon, Mommy. Hindi ko palalampasin ang ginawa niyang pang-aahas sa fiance ko!” nanlilisik ang mga matang sigaw ni Atasha matapos kumalas mula sa pagkakayakap sa ina.
Pinakatitigan ni Santina ang anak, waring inaarok ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito. “Let’s just cancel the wedding, Tasha,” malamig niyang tugon. “Ayaw kong mapunta ka sa lalaking mànIøIóko. Hindi pa nga kayo ikinakasal pero nambábabâé na.”
Kumunot ang noo ni Atasha, bakas sa maamo nitong mukha ang pagtutol sa tinuran ng ina. “No! I don’t want to cancel the wedding!” Mariing tutol ng dalaga. “Kaming dalawa ang itinakdang magpakasal! Lagi mong binabanggit ’yan sa ’kin noong bata pa lang ako. Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang relasyon namin ni Slyth, mommy! Hindi isang katulong lang ang makapaghihiwalay sa amin! For sure ínâkít lang siya ng màIândíng babae na ’yon!” paghihisterya pa nito.
“Gugustuhin mo pa ring ikasal kahit may ikínâmā na siyang iba?” nananantiyang tanong ni Santina. “Hindi na magiging maayos pa ang pagsasama ninyo ngayong nagkaroon na ng lamat ang tiwala mo sa kaniya. Huwag mo nang ituloy, Atasha. Pwede kayong mag-co-parenting na lang sa pagpapalaki sa magiging anak ninyo,” suhestiyon niya.
“No!” Tumalim ang mga mata ng dalaga. Hindi namalayang dumiin ang pagkakahawak nito sa braso ng ina. “I’m old enough, Mommy. Ako ang magdesesisyon para sa sarili ko. Oras na mag-usap kami ni Slyth, sasabihin ko sa kaniya na palayasin ang katulong na ’yon dito. Mahal na mahal ako ng fiance ko, sinusunod niya lahat ng sabihin at hilingin ko. Kaya bakit ko siya hahayaang mawala sa ’kin?” Umalsa ang dulo ng labi nito.
Tinalikuran ni Atasha ang ina bago nagmadaling lumakad patungo sa garahe ng mansiyon ng mga Del Castillo.
“Atasha! Come back here!” tawag niya sa papalayong dalaga. Bilisan niya ang lakad upang maabutan ito.
Lumakad si Atasha kung saan nakaparada ang sasakyan ni Santina. Hinintay nitong makalapit ang ina upang ayaing umuwi. Nasira ang sasakyan ng dalaga habang patungo sa tirahan ni Slyth Aeryx kaya nagpasundo na lang ito sa driver ng ina.
“Wait for me here, magpapaalam lang ako kay Aelinor,” ani Santina nang maabutan ang anak.
Naunang dumating ang ginang sa mansiyon ng mga Del Castillo. Sinabihan niya ang anak na sumunod sa kaniya upang mapag-usapan ang iba pang detalye tungkol sa nalalapit na kasal ng mga ito.
Nasiraan ng sasakyan ang dalaga habang papunta sa tahanan ng mapapangasawa. Kaya ipinasundo niya na lang ang anak kay Gaston at ang huli na rin ang nagpaayos ng sasakyan nito.
“Tawagan mo na lang si Tita Aelinor, mommy. Sa cellphone ka na lang magpaalam,” suhestiyon nito sa kaniya.
“Ano ka ba, Atasha? Nakakahiya sa kaniya na basta na lang tayo aalis. Nandito pa rin naman tayo,” tutol niya sa nais ipagawa ng anak.
Itinirik ni Atasha ang mga mata. “Then give me your car key.” Inilahad nito ang kanang kamay. “Mauna na ako sa ’yo. May pupuntahan pa ako.”
Napailing si Santina sa kätïgásān ng ulo ng anak. Hindi niya akalain na ang batang masunurin at napakalambing noon, ngayo’y ibang-iba na ang ugali. Pakiramdam niya, ibang tao na ang kasama niya ngayon, na labis niyang ikinalulungkot sapagkat silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay ngunit ganito pa ang nangyayari sa kanila.
“Let’s go, ako na ang magmamaneho.”
Napilitan siyang sundin ang kagustuhan ng anak upang hindi na sila magtalo. Hindi na muna niya tinawagan si Aelinor. Alam niyang maintindihan naman siya ng kaibigan.
Umikot si Santina sa driver's seat. Binuksan iyon at naupo. Tahimik namang pumasok si Atasha sa sasakyan, ngunit nanatiling nakakunot ang noo.
“Saan ka pupunta, idadaan na kita doon?” tanong niya sa anak habang ikinakabit ang seatbelt.
“Just drop me off at home first so I can get my other car,” sagot ni Atasha, nakasimangot. “Kaya ko na ang sarili ko, ’wag ka ng mag-abala pa.”
Huminga nang malalim sa Santina. Hindi pinansin ang pagsusungit ng anak.
Halos kalalabas lang nila sa lupain ng mga Del Castillo nang maalala niya ang cellphone. Naipatong niya iyon sa center table nang may kinausap siyang tao na nag-aasikaso sa kasal nina Atasha.
“I forgot my phone, Tasha,” pagbibigay-alam ni Santina sa anak. “Bumalik muna tayo.”
“Tsk! Mom, my friend is already waiting! Why didn’t you put it back in your bag right after you used it?” maktol ni Atasha.
“Hindi pa naman tayo nakakalayo,” ani Santina habang minamaniobra ang sasakyan pabalik sa mansiyon.
Napairap ang dalaga, pinagkrus ang mga braso sa d*bdib. Ibinaling sa labas ng bintana ang tingin habang nakasimangot.
Muli na namang malungkot na napabuntong-hininga si Santina. Ibang-iba na ang batang pinalaki niya. Hindi niya lubos maisip na ang dating malambing na bata, ngayo’y malayo na ang loob sa kaniya.
Labing-walong taong gulang si Atasha nang pumanaw ang ama nitong si Lauro dahil sa car accident. Kasama ng lalaki si Slyth Aeryx nang mangyari ang aksidente. Na-comatose ang binata. Tatlong buwan itong namalagi sa ospital. Habang ang kabiyak naman niya’y idineklarang dead on arrival.
Gumuho ang mundo niya sa sinapit ni Lauro. Halos dalawang buwan siyang nalugmok sa lungkot at pangungulila dahil sa pagdadalamhati pagkatapos mailibing ang asawa.
Napabayaan niya si Atasha. Hindi niya naisip na may anak pa siya na nangangailangan sa kaniya. Malapit ang anak niya kay Lauro, kaya ang laki ng naging epekto ng pagkawala ng kaniyang asawa sa dalaga.
Naging sanhi ang insidenteng iyon upang magdamdam sa kaniya si Atasha. Inakala ng kaniyang anak na pinabayaan na niya ito. Kaya ang dalaga na mismo ang naglayo ng sarili sa kaniya. Ipinagpasalamat na lang niya na hindi nito pinabayaan ang pag-aaral pati na ang sarili.
Tuwing kukumustahin niya si Atasha, laging sinasabi ng anak na abala ito sa pag-aaral. Hindi rin siya nito hinãharáp sa tuwing bibisitahin niya ito sa condo unit nito.
Hanggang ngayo’y nanatiling malayo ang loob nito kay Santina. At labis na ikinalulungkot iyon ng ginang sapagkat iniisip niyang hindi ikatutuwa ng kaniyang asawa ang nangyayari sa kanila ni Atasha.