
The future can‘t be seen, pero sa kaso ni Percy ay hindi para sa kaniya ang kasabihang iyon nang mangyari ang isang kakatwang aksidente sa pagitan nila ng estrangherong si Luke. Walang ideya ang dalawa na magkakaroon sila ng matibay na pisi na magtatali sa kanila hanggang kadulo-duluhan—lalo na nang magising silang dalawa sa ibang katawan; si Luke ay naging si Percy at si Percy ay naging si Luke, ngunit hindi pa roon natatapos ang misteryo na bumabalot sa kanilang dalawa. Nagulat na lamang si Percy nang imulat niya ang kaniyang mga mata, isang araw, may kakayahan na siyang makita ang mga mangyayari sa hinaharap. Ano pa nga ba ang mga posibleng mangyari pagkatapos nito?
