Chapter 3

1892 Words
On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess                   CHAPTER 3   MAKI - POV   May lalala pa ba sa isang pangyayaring tulad nito? Na matapos akong makaligtas sa tiyak na kapahamakan sa pagkalunod ay mamatay naman ako sa sobrang kahihiyan!   Sobra na si Jin! Matapos nyang hawakan ang boobs ko ay hindi pa sya nakuntento at tinitigan nya pa to!   Kung gano ang paglaki ng mata nya sa nakita nya ay doble ng paglaki ng mata ko sa pagkataranta!   Asar! habang nakatulala ako na nakabilad ang mga boobs ko sa harap ni Jin ay pinag-fi-fiestahan lang naman nya yon ng tingin at wala akong magawa!   Kasi hindi ko alam kung anong una kong gagawin! Tatakpan ko bang boobs ko o tatakpan kong mata niya?   Wala akong nagawa kung hindi ang tumili para takpan ang kahihiyan ko. Nung makabawi ako sa pagka shock ko ay tinakpan ko nalang ng kamay ko ang boobs ko at dali dali akong umupo para mas matago ko pa to.   Sya naman nakita kong tumalikod na. Tapos naghubad sya ng damit nyang pula at pinalipitan nya yon.   "Here, isuot mo nalang to.", initsa nya sakin ang tshirt nya habang hindi sya nakatingin.   Shoot!   Parang belo yon na sumuklob sa akin. Nakakahiya na nga ang nangyari, comedy pa din? Parang gusto ko talagang matawa!   Isinuot ko nga yung damit pero tinakpan ko pa din ang dibdib ko ng kamay ko kasi nakabakat din naman yon. Basa nga kasi.   Hindi rin ako tumayo, nanatili akong naka upo at nagmumukmok. Walang ibig kumibo kahit isa sa amin.   Out of nowhere ay natanawan ko pang likod nya. Shet ang sexy talaga nya! Ang puti pa! Parang gusto ko tuloy tumayo at yumakap na lang don! Bakit? Yakap lang yon ha! Kabayaran sa nakita at nahipo nya!   hep!!!! Maniac!!!!   Iniling iling kong ulo ko. Bwiset naman ako oo! Nagagawa ko pang mag isip ng ganito samantalang namo-moblema nga ako!   Bumalik na tayo sa kahihiyang inabot ko!   So eto nga at bluer than blue ang pakiramdam ko.   Mamatay na ko! Mamatay na ko!!!   "Lupa! Lamunin mo na ko! Lamunin mo na ko ngayon please!!!", sigaw ko sa isip ko dahil sa sobrang hiya ko.   Shet! nakakainis!   Lord, bakit nyo naman na hinahayaang mangyari to? Bakit laging kay Jin? Dati, nakipaghalikan ako sa kanya, tapos ngayon hindi lang nya nakita! nahawakan pa nyang boobs ko!   My God! Parusa to! Panong gagawin ko? Nakita na ng lalaking to ang alindog ko! Baka mabuntis na ko nito!   Mabuntis? Gaga!, kontra ko din sa sarili ko.   Ano na ngayon ang gagawin ko? Napa awkward talaga ng pangyayaring to. Naiiyak na talaga ko!   Hindi ko naman makuhang magalit sa kanya, kasi alam ko naman na aksidente lang ang nangyari dahil nabigla lang sya. On impulse, pinigilan nyang malaglag yung bra ko. Natanggal naman talaga kasi yung pagkakabuhol ng bra.   Shet na bra! Pagnakuha ko yon mamaya ay susunugin ko talaga sya! Lintik lang ang walang ganti.   So ang panalangin ko na lang ay, wag na sanang magsalita pa si Jin! Dapat magpanggap nalang sya na walang nangyari at wala syang nakita, para kunyari ay okay ang lahat!   Pero...   Si Jin pa?...   Sya pa na napaka bully!   Shet! Napapapikit ako at parang nagunita ko pa ang pag ngisi ngisi nito.   Waah!! maloloka na ko! maloloka na ko! Halos sabunutan kong sarili ko sa inis ko sa sarili ko.   Nasa ganong tagpo naman kami ng may malingunan na kong mga tao.   "Dito po!", narinig ko pa ang boses ni Veronica na medyo hingal pa tapos nagtatatakbo sya.   Then may mga kasunod sya.   Si Vincent, si Ms. Catherine at yung isa hindi ko kilala sa pangalan pero alam kong staff din sya.   Nalilitong napatayo ako at humarap sa kanila, yakap ko pa din ang sarili ko.   "Oh my God! Oh my God! Bestfriend! Salamat buhay ka! Salamat buhay ka!", halos umiiyak na sabi sa akin ni Veronica habang yakap yakap nya ko. Okay lang sa kanya kahit nabasa din sya.   "Anong nangyari sayo?", ako yung nagtanong sa kanya pagkakita ko ng bandage niya sa gawing noo nung nag hiwalay kami ng yakap.   "Ah wala. Wag mo kong alalahanin, ikaw nga tong nasa panganib kanina. Tinakot mo ko!", nag aalalang napayakap ulit sya sa akin.   "I'm sorry, kasalanan ko naman talaga."   "Buti nalang pala nandito si Jin.", sabi ni Veronica maya maya.   Tapos kumalas sya sa akin at lumapit naman sya kay Jin at nag usap sila.   "Are you okay? Ano bang nangyari?", nag aalalang tanong sa akin ni Vincent sabay lagay sa balikat ko ng isang makapal na towel. Sa likod nya ay si Ms. Catherine na halatang worried din.   Hindi ko nagawang sumagot agad.   Nakita ko na binigyan din ng towel si Jin nung isang staff.   "Come on Maki, dadalin na muna kita sa medical support.", sabi sa akin ni Vincent habang naka alalay pa din sya sa mga balikat ko.   "Jin, you should also come.", baling pa nya kay Jin na tumango lang.   "Let's go. Can you walk?", sabi sa akin ni Vincent habang inalalayan nya akong lumakad na parang isang pasyente talaga. Kitang kita ko naman yung pag aalala nya.   Minsan pa, lumingon ako kay Jin at kay Veronica. Nakatingin lang din sila sa amin at parang mga walang balak sumunod.   Tapos bigla kong naalala, magtatapat na nga pala si Veronica ngayon. Biglang parang may kung anong tumusok sa puso ko, parang biglang ang sakit tuloy.   Sa isang parang clinic kami ng clubhouse pumunta. Kanina nga ay may mga naka pang medical support assistant na tumingin sa akin kahit sabi ko naman ay okay lang ako at gininaw lang naman ako.   Nung makapag bihis na ko at makapag relax ay okay na okay naman na ako. Maliban syempre sa shock sa mga experience na dinanas ko.   "Giniginaw ka pa?", tanong ni Vincent na naupo sa gilid ng stretcher bed na kinahihigan ko. Kapapasok lang ulit nito sa silid.   "Ah hindi na. Okay naman na ko. Bakit hindi ka pa bumalik don? Baka kailangan ka nila don.", sagot ko dito, tapos bumangon ako at naupo nalang sa stretcher bed.   "Here. Pinapadala nila to sayo. They are about to go here pero pinigilan ko sila tulad ng gusto mo.", inabot nya sa akin yung white shirt at yung new name tag ko.   Sabi ko kasi kay Vincent, secret nalang namin yung pagkalaglag ko sa swimming pool. Tapos mag reason out nalang na masakit yung tiyan ko ng di na sila mag alala pa na sinunod naman nito.   Okay, at white team na pala ko ngayon.   Hinawakan at sinipat sipat ko yung bagong name tag ko. Mas maganda syempre to at mas pulido.   Kaso medyo nalungkot naman ako. Yung gawa kasi ni Jin, itinapon nalang nya kung saan. Sabi nya wala daw yung kwenta, oo nga at panget yon pero mahalaga sa akin yon.   "Thank you ha. Mamaya babalik na din ako don.", nakangiting sabi ko sa kanya.   "You don't have to rush, maaga pa naman. Madami ka pang event na maaabutan, for the meantime you should eat tapos magpahinga ka muna para mamaya may lakas ka ulit para sa mga games. Ang galing mo pa naman kanina.", nakangiting puri nito sa akin na tinapik tapik pa nya yung ulo ko na parang isang bata.   "Talaga ba? Tsamba ko lang yon.",natatawang sabi ko dito.   "Si Veronica? Okay lang ba sya?", naisipan kong itanong.   Kasi nakwento ni Vincent, dahil daw sa sobrang desperate ni Veronica na maihingi ako ng saklolo ay nahulog pa ito sa hagdanan kanina. Timing naman na papaakyat silang dalawa ni Ms. Catherine.   Saglit daw nawalan ng malay si Veronica pero agad ding nagising. Ako nga daw ang una nitong inalala at hindi yung pumutok na noo nya sa pagkakalaglag nya sa hagdanan.   Sa isip ko, kawawa naman sya. Hindi talaga sya plastic at yung ina alok nyang friendship ay totoo talaga dahil nararamdaman ko yon. Yun pala ang dahilan kung bakit parang pulis sa pelikula ang eksena ni Veronica kanina, yung patapos na yung palabas nung dumating yung tulong nya.   "She's not here right now. Kanina lang ay dinala sya sa malapit na hospital at nagpa x-ray to ensure na okay lang sya at walang nabaling kahit anong buto."   "Talaga ba? Kawawa naman nya.", napayuko ako at lalong nalungkot. Dahil sa akin na naman yon.   Gusto ko nga sana na kamustahin si Veronica pero hindi ko naman nakuha ang cellphone number nya at wala rin nga pala akong cellphone na dala.   "Grow up Maki! Wag naman madalas yung sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi mo alam na you're dragging down someone else diyan sa mga kapabayaan mo!"   Ilan lang yan sa mga sinabi ni Jin kanina na natatandaan ko habang pinapagalitan nya ko kanina. At tingin ko naman ay talagang tama sya.   "Wag mong sisihin ang sarili mo, it's not your fault, okay? Just don't do things like that ever again. Maraming malulungkot na tao sa paligid mo pag may nangyaring masama sayo. At isa na ko don.", malambing pero seryosong sabi ni Vincent habang masuyo nitong dinadama ng kamay nya yung pisngi ko.   Nakatitig sya sa akin at parang may gusto pa syang sabihin.   Ang lambot ng palad nya. Parang nawala yung mga pag aalinlangan ko.   Tapos biglang may kumatok at pumasok. Si Ms. Catherine, sabay pa kaming napatingin dito.   "Sir, hinahanap na po nila kayo.", paalala pa nito.   "Okay, just a minute."   "Yes sir.", sagot nito at lumabas na rin ng silid matapos makipag kawayan sa akin.   "So pano? Pupunta na muna ako don. May pinag uusapan pa kasi kami nila Mr. Gatchalian."   "Ah oo, pumunta ka na don. thank you ulit ha."   "Okay. Papaiwanan ko nalang dito si Catherine para may kasama ka.",   "Ay naku, hindi na. mamaya lang babalik na ko don e. okay lang ako promise."   "Okay. Just make sure na kakain ka na muna. Take a rest.", nakangiting sabi nya tapos nag lean forward sya at ginawaran nya ko ng halik sa noo.   Napa tanga ako sa ginawa nito, hindi ko naman kasi akalain yon.   Ang sweet naman nya! Grabe! Gusto kong kiligin!   "O ano na naman Maki? assuming ka na naman? Kung type ka nya dapat sa lips!", bulong ng isang katuhan ko.   Sa noo talaga?   Sisterzone! bulong ng isip ko.   Shet! oo nga pala!   Yun lang at lumakad na syang palayo. Tinignan ko lang sya.   "Anyway, kina-kamusta ka ni Jin. I told him you're okay. Mag thank you ka sa kanya pag nagkita kayo. He deserves that, after all, he saved your life. Kahit ako ay natuwa sa ginawa nyang yon, otherwise I might never see you again like this. Siguradong malulungkot ako.", pahabol na sabi pa ni Vincent bago sya tuluyang mawala sa paningin ko.   Echo: Kahit ako ay natuwa sa ginawa nyang yon, otherwise I might never see you again like this. Siguradong malulungkot ako.   May humaplos sa puso ko. Nag aalala din talaga sa akin si Vincent. Dati maliban sa mama ko, kay Papa at sa tatlong bugak kong kaibigan, wala na kong ibang taong maisip na mag wo-worry sa akin ng sobra sobra.   Blessing nga yata ang SJT ko, dahil ngayon madami na sila. Parang ang saya saya ko naman.   Tapos kina-kamusta daw ako ni Jin?   Eh teka, speaking of Jin.   Bigla kong naalala yung dialog nya na sobrang nagpa-iyak sa akin. Naalala ko pa yung part na yon.   [Flashback to that may konting kwentang nangyari sa pool kanina.]   Itutuloy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD