On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 15 St. Brigette Academy "Good afternoon po, Ms. Stella, ma'am..", bati ko sa adviser ko nung madaan ko sya sa hallway. "Good afternoon din Ms. Agra, san ang punta mo nyan?" "Sa central supplies room po. Magre-request po ng mga materials na gagamitin sa paper cutting ng mga letterings para sa mga booth.", naka ngiting sabi ko habang itinaas ko pa ang mahabang listahan ng mga request ni Marga. Sa St. Brigette kasi meron kaming parang National Bookstore dito o yung tinatawag nga namin na central supplies room or CSR. Naka under yon sa pamamahala ng mga student council, ang kailangan lang ay request form, listing ng materials at approval signature ng authorized person. Medyo bisi-busy-han na din

