On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 16 "Okay! Ready ka na Mr. Gong? Eto na at magiging official member na tayo ng fans club ni Jin!", masayang kausap ko sa stuffed toy na ipinuwesto ko pa sya lamesa, paharap sa screen ng laptop ko. Kunyari ay nag inat inat pa ako at nagpalagutok ng mga buto. Yung parang susugod sa isang madugong labanan! I mean sa mga paligsahan. Excited akong hinanap yung link. Syempre medyo kabado pa ko. Tapos nung lumabas nga yung official site ay medyo napatakip pa ko sa mga mata ko! Para kasing nasilaw ako nung makita ko yung salitang sign up! Sorry! Ang oa ko! haha Edi ayon, type lang ng type sa keyboard. Kahit madaming cheche bureche ay himalang hindi man lang ako nainip. "Ano ba to? Username? May ga

