Kabanata 4
Nagpatuloy ang buhay niya sa mansion ni Klent. Naging mas mahigpit sa kaniya ang lalaki pagkatapos ng tagpo sa pagitan nila kung saan ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na sumagot sa lalaki.
Sa katunayan ay pinagsisihan niya kung bakit nanlaban pa siya sa pamamagitan ng pananalita. Sa halip na manlaban, sana ay tumahimik na lang siya. Sapagkat hindi naging maganda ang bunga ng ginawa niya. Lumamig pa nang husto ang trato ni Klent sa kaniya, at kung noon ay nakakalabas siya nang mag-isa sa mansion, ngayon ay may sarili na siyang driver at dalawang bodyguard. She contradicted this, yet the man stood on his words, signifying how powerful he is.
"Mabuti na lang at nagkaroon ka ng chance na lumabas. Grabe naman si Klent. Parang pinagdadamot ka sa iba. Alam mo naman na sa pagbubuntis kong ito ay ikaw ang gusto kong kasama. Joseph asked your husband to let me meet you today, Sarah. Para kang artista na mahal ang talent fee." Talia chuckled. "Ang ganda-ganda mo kasi, Sarah. And I want my baby to be beautiful like her Tita-Ninang!"
"Talia, hindi mo pa nga alam kung babae o lalaki ang dinadala mo ay iyan na ang sinasabi mo. What if your child is a guy? And I think, Joseph would love to have a boy."
"I went to different temples and prayed to the deities to bless me with a girl, Sarah. And I can feel that my child is a girl. Tingnan mo nga itong mukha ko, I had breakouts, and I hate make ups." She even crossed her arms. "I am not like this before, right? E, ang sabi ng mga matatanda ay kapag tinatamad ang babae na alagaan ang sarili at magpaganda habang nagbubuntis ay malaki ang tsansa na babae ang dinadala nito."
She just smiled. Hindi naman siya makarelate sa mga bagay na sinasabi ng kaibigan niya sa kaniya. Deep within her is the hope to conceive a child, but the reality always been tough to her, telling her to stop hoping because she can't have a child.
Napalingon siya kay Talia nang kunin ng kaniyang kaibigan ang kamay niya at inilapat ito ng babae sa tiyan nitong namumukol na.
"Talia?"
"I know that you are sad, Sarah. But I will always be here for you, encouraging you to believe that everything happens for a reason. Alam ko rin na balang-araw ay magkakaroon kayo ni Klent ng anak. Baka hindi lang ito ang tamang panahon. Feel my tummy, there's a power in the law of attraction."
Naluha siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Ginawa ko na ang lahat, Talia. But I think there's a problem in me that no doctor can explain. I and Klent have regular check up. Tinigil ko lang iyong akin, dahil napagod ako. At nasasaktan kapag sinasabi ng mga doctor na walang problema sa aming mag-asawa."
"Maniwala ka na mabubuntis ka. There's a miracle when you believe. And you are blessed to have Klent as your husband. Kahit na ganito ang sitwasyon niyo ay hindi ka niya tinrato ng mali."
Talia doesn't know the fact that she's carrying the heaviest yolk. If she only knew that Klent abused her and maltreated her because of her shortage as a wife to him, her friend won't say those words.
Niyakap siya ng kaibigan niya at gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Nilisan nila ang coffee shop at agad silang naghiwalay ng landas. Umuwi na si Talia dahil ang wika nito'y palagi itong inaantok. Siya naman ay nagpasama pa sa driver niya na dumaan sa isang grocery store.
"Ma'am, samahan ka na namin sa loob."
"Dito na lang kayo sa sasakyan. Wala naman si Klent dito. Hindi niya alam na maiiwan kayo rito."
Tumango lang ang mga ito.
Nang siya ay nasa loob na ay sinimulan na niyang mamili ng mga kailangan nila ni Klent. Pagkatapos nito ay nagpacounter na siya. She heard a familiar laugh, lumingon siya at hindi nga siya nagkamali.
"The wife of Klent Morgan is here alone. Why is that? Hindi ka na ba mahal ng husband mo? He's letting you do this thing."
"Rebecca, obligasyon ko bilang asawa ang ginagampanan ko. Bakit bitter ka?"
"Ako, bitter? I am not. It's just you're funny. Wala ka bang maid? Maybe you have something in your closet. Nagtatago ka lang sa shadow na kuno ay mahal ka ng asawa mo."
"Buksan mo. If you will see something in my closet then tell it to the world. Tutal ay roon ka naman magaling."
"What?"
"Payo lang, Rebecca, ilaan mo ang atensiyon mo sa mabubuting gawa at huwag sa pagtatanod sa buhay ng iba. Your actions are showing the bitter angles of your existence."
"Mali na kinakalaban mo ako, Sarah."
"Hindi kita kinakalaban, Rebecca. Sinasabi ko lang sa iyo na gawin mo ang dapat."
"Na ano? Na hayaan kang maging masaya sa piling Klent?! Hindi ako mawawalan ng pag-asa sa kaniya, Sarah. At huwag kang kampante dahil baka magigising ka na malamig na ang kamang hinihigaan mo. Don't forget that Tita Amandah likes me better than you."
She sighed.
"Rebecca, kung iiwanan man ako ni Klent ay hindi ko na kasalanan iyon," wika niya at tinalikuran ang kausap. "At kung gusto ka ng mga in-laws ko, then congratulations. But I'm still his wife."
"Then I think, I should be more hopeful. Lalo na at wala ka palang pakialam kung iiwanan ka ni Klent o hindi."
Umiling siya at hindi na pinansin ang winika nito.
Bakit kasi rito gusto ni Klent na mag-grocery at bumili ng mga gulay? Ito ang iniiwasan niya, ang makita ang mukha ni Rebecca.
Puro mayayamang-tao ang bumibili sa store na ito kaya ay imposible na hindi sila magtatagpo ng babaeng ang tingin sa kaniya ay kaaway. Sinusubukan niyang iwasan si Rebecca, pero ganoon na lang ang galit ng babae sa kaniya.
Muli niyang naisip ang sinabi ni Rebecca sa kaniya nang siya ay pabalik na sa mansion.
"...huwag kang kampante dahil baka magigising ka na malamig na ang kamang hinihigaan mo."
Magkasama sila ni Klent pero tunay na malamig ang kama kung saan siya nakahiga. Ni hindi niya dama ang init ng pagmamahal ng asawa niya sa kaniya.
Kung sakaling iiwanan siya ng lalaki ay tiyak na hindi siya maninibago sa paglaho nito. Kahit naman na kasama niya ang lalaki ay parang hindi naman asawa ang nasa tabi niya kun'di isang masamang diyos na ang tanging alam ay parusahan siya.
Pagkatapos niyang inorganisa ang mga binili niya nang makarating siya sa mansion ay nagpahinga siya sa sofa. She heard footsteps, prompting her to look behind her.
The man arrived at the mansion with a fever. Namumula ang mukha nito at panay ang pag-singhot nito.
"f**k," mura ng lalaki nang umupo ito sa sofa.
Kahit na malayo-layo siya sa lalaki ay dama niya ang init ng temperatura nito. Lumapit siya rito at agad na pinatong ang palad niya sa noo ng asawa niya. Sunod niyang dinama ang leeg nito.
"Klent, you have a high fever."
"Alam mo naman pala, Sarah. Bakit ka nakaupo lang diyan?!" naiinis na tanong nito sa kaniya.
Tumalima siyang kumuha ng gamot at isang basong tubig. Dinala niya ang mga ito sa sala at agad na pinainom sa asawa niya.
"Ano ba kasi ang ginawa mo, Klent? Bakit bigla kang nagkasakit?"
"Hindi ko alam, Sarah. At puwede ba? Ask something that has sense. Malamang tao ako. Nagkakasakit." Bakas sa boses nito ang hindi kaaya-ayang pakiramdam. "f**k," pahabol na mura pa nito.
"Akala ko pa naman hindi ka tinatablan ng lagnat dahil sa impyerno ka galing," bulong niya.
"A-Ano?"
"Wala. Ang sabi ko ay tutulungan kitang umakyat sa taas nang sa ganoon ay makapagpahinga ka na."
Kinuha niya ang baso at binalik ito sa kusina. Inalalayan niyang tumayo si Klent at sinuportahan niya ang katawan nito habang umaakyat sila ng hagdan.
Nagpapahinga siya kung minsan. Subalit naisipan ni Sarah na magmadali na lang kaya ay agad silang nakarating sa kanilang silid.
"Damn!" sigaw niya nang sabay silang natumba. "Klent?!"
"Sarah, nahihilo ako, 'di ba? Probably, matutumba talaga tayong dalawa! Ang hina mo kasi!"
"Ako pa talaga ang mahina? Ikaw na nga iyang hindi makabangon kahit na nilalagnat lang."
"f**k, Sarah! I'm not weak."
"Hindi ko naman sinabi."
Biglang umahon si Klent at bago pa ito sumuka ay pinailalim na ni Sarah ang mga palad niya. Napalunok na lamang siya nang naipon sa palad niya ang malapot, mainit, at mabahong suka ng asawa niya.
Tumakbo siya sa banyo at naghugas siya ng kamay. Nang lumabas siya ay may dala siyang basang bimpo.
Parang bata si Klent. Pinasandal niya ito sa kaniya habang pinupunasan niya ang mukha at leeg nito.
"I t-think I'm dying."
"Don't worry, Klent. Bad weeds don't die easily."
"Pasalamat ka, Sarah, ay hindi ko kayang kontrolin ang katawan ko."
"Edi, thank you."
"s**t!"
"Puro ka mura. Umayos ka nga ng pagkakaupo at nang mahubad na kita."
Sumunod ang lalaki kaya ay madali lang para kay Sarah na alisin ang mga saplot nito. Pinunasan niya ang katawan ni Klent at binihisan niya ng puting pantaas at manipis na pajama ang lalaki. Tinulungan niya itong umusog sa uluhan ng kama. Inangat na rin niya ang kumot hanggang sa dibdib ng lalaki.
"Matulog ka na, Klent," wika niya.
"Don't go away, S-Sarah."
For certain, the man told him so because she was the only one he could command and there's no other reason than that. Pero biglang lumakas at bumilis ang t***k ng puso niya.
"B-Babalik ako agad. K-Kakain lang ako," aniya at itinago ang namumulang pisngi.