Kabanata 5
Sa bawat gabing magkatabi sila ng lalaki ay hindi siya makatulog nang maayos, iyon ay dahil sa takot na baka sapilitan na naman siyang gagalawin nito o hindi kaya ay kikitlan ng buhay. Subalit ngayon ay iba ang rason kung bakit hindi dinalaw ng antok si Sarah. Palagi niya kasing sinusuri ang temperatura ng katawan ni Klent dahil sa lagnat nito.
Mahimbing na ang tulog ng lalaki matapos niya itong muling punasan ng maligamgam na tubig. Nakatayo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha ng asawa niya.
"I don't wonder why women are trying so hard to get your attention, Klent," she said, smiling bitterly at the end of her words. "Ang guwapo mo naman talaga kasi. Kaso, masama lang ang ugali mo. And I don't even get why they are chasing you so bad."
Yumuko siya at hinawakan ang pisngi ng lalaki. Marahan niya itong hinahaplos-haplos, at ang mga mata niya ay hindi maalis sa mukha ng lalaki.
"Look at you, Klent. Ang bait mo kapag tulog ka. Pero kapag mulat ang mga mata mo at wala kang sakit, para kang demonyo. But I hate myself, thinking I have a chance to receive love from you. Alam ko naman na imposible iyon. P-Pero magiging sinungaling ako kung itatago ko ang nararamdaman ko."
Hinila siya ni Klent kaya ay napahiga siya sa dibdib nito.
"Ang sabi ko, sleep beside me. And please, don't be noisy."
Nilapat niya ang kaniyang palad sa dibdib ng lalaki at pinikit na ang kaniyang mga mata, humihiling na sana ay palaging ganito na lang ang kalagayan niya sa piling ni Klent. For the first time in her life, naramdaman niya na nais siyang makasama ng asawa niya hindi upang maging alipin, kun'di gampanan ang obligasyon niya bilang asawa.
Tunay ang sabi nila na lahat ng bagay sa mundo ay temporary lang. Nang gumaling si Klent mula sa high fever nito ay bumalik naman ang pagiging malupit ng lalaki sa kaniya.
Masama ang humiling ng sakit para sa iba, pero iyon ang ginawa ni Sarah, sapagkat sa pamamagitan no'n ay makakapagpahinga siya mula sa maalipusta niyang asawa.
"Sarah, nasaan ang necktie ko?!"
"K-Kukunin ko lang saglit, Klent. Nalimutan ko kung saan ako nag-plantsa."
Nang dinala niya sa lalaki ang necktie nito ay inunat ito ni Klent at agad na hinampas sa kaniya.
"K-Klent?"
"Sinabi ko sa iyo na dapat bago pa ako magising ay handa na ang mga gamit ko!"
"Klent, sorry. Napuyat ako nang ilang gabi. Pasensiya na talaga."
"Limang taon na tayong kasal, pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring pinagbago? Tanga ka pa rin kahit kailan, Sarah. Kaya ka siguro hindi ka nabuntis dahil alam ng Diyos na pabaya ka. Kung bibigyan ka niya ng anak ay tiyak akong hindi mo ito aalagaan nang mabuti."
"Hindi naman sa ganoon. I-I was tired..."
"Keep your f*****g mouth shut, Sarah! May meeting ako ngayon with the stakeholders, so please. Huwag mong buwesitin ang araw ko," wika nito at agad nang umalis.
Hindi siya nabibigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili niya. Inalis ng lalaki ang kaniyang karapatan na magsalita.
Most of the time she was imagining how it feels to become someone's loved wife. Iyong tipong hahalikan ang noo niya bago aalis patungong trabaho ang asawa niya at kapag darating ito ay hahalikan siya sa kaniyang labi, sabay ikukuwento ang nangyari sa buong araw nito hqbang siya ay nakahiga sa bisig nito.
Noon ang pananaw niya ay puno ng ligaya ang buhay may-asawa. Magiging kapares niya sa pagharap ng mga suliranin sa buhay ang asawa niya at ito ang tutulong sa kaniya upang maibsan ang pag-iisip nang malalim tungkol sa kakulangan niya. Subalit kabaliktaran ang nangyari sa kaniya. Sa halip ay ang asawa niya ang bumubukas ng mga pintuan upang makita niya ang pagkukulang na mayroon siya.
Dapit-hapon na nang may kumatok sa pinto. Nasa sala siya kaya ay madali niyang napagbuksan kung sino man ang taong ito.
Parang sinakluban ng langit si Sarah nang pumasok ang kaniyang byenan na may dalang dalawang maleta.
"Mama, magandang araw po. N-Napadalaw kayo."
"I'm not here to visit. But to stay for a long time." Tinaasan siya nito ng kabilang kilay. "Do we have a problem?"
Lumingon sa kaniya ang ina ng asawa niya at agad siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Noon pa man ay ayaw na nito sa kaniya, lalo na nang malaman nito na hindi siya mabuntis-buntis.
"I told my son to kick you out of this mansion, Sarah. Pero hindi niya ginawa. And look at you, you look frumpy. Bakit ganiyan ka? Hindi ka naman naging ina, pero daig mo pa ang nagluwal ng siyam sa isang pagpapanganak lang."
Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan. Huminga siya nang malalim.
"M-Mama, umupo muna kayo. Ipaghahanda ko kayo ng maiinom."
"Sarah, sinabi ko sa iyo na huwag mo akong tatawaging Mama. You are not allowed to call me mother, unless you give me a grandchild!"
"S-Sorry."
"You should be sorry all your life, Sarah. As a woman, being unable to conceive a child within five years of being married is a curse, something you should be embarrassed about." Nakataas ang kabilang kilay ng byenan niya. "I don't know what my son sees on you, why he can't kick you out of his life."
Sa kabila ng mga salitang sinabi ng ina ni Klent ay naging magalang pa rin si Sarah.
"J-Juice po ba ang nais niyo o tea? H-How about a cup of c-coffee?" tanong niya sa kaniyang byenan.
"You came from a family of smart people, but you became stupid enough to stay in a place where you don't belong."
"A-Ano po ang gusto niyo?"
"Umalis ka sa harapan ko, Sarah. Iyon ang gusto ko!"
"S-Sige po. Iaakyat ko na lang ang iyong mga gamit." Kinuha na lang niya ang dalawang maleta ng kaniyang byenan. "Kung may kailangan po kayo ay tawagan niyo na lang po ako."
Isang Klent na naman sa katauhan ng byenan niya ang makakasama niya sa mansion. Ang ibig-sabihin nito ay hindi lang ang asawa niya ang pagsisilbihan niya kun'di pati na rin ang ina ng lalaki. Bukod dito ay isang Klent na naman ang mang-iinsulto sa kaniya sa tanang buhay niya.
Kahit na doble ang hirap para kay Sarah ay nagpatuloy pa rin siya sa pagiging asawa kay Klent. Wala siyang magawa kun'di magpatiayon na lamang sa takbo ng buhay niya.
Isang gabi habang sila ay magkaharap sa hapagkainan ay ginisa na naman siya ng kaniyang byenan.
"M-Ma, ulam po."
"Nakikita ko, Sarah. At hindi mo na ako kailangan pang pagsilbihan pa. Baka mamaya ay maging utang na loob ko pa ito sa iyo. I have my own hands to get what I want to eat."
"Klent, kare-kare...p-paborito mo ito."
"Ako na ang kukuha, Sarah. Kumain ka."
Itinago niya ang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-ngiti at umupo na. Sumandok siya ng kanin at ulam. Hindi pa niya naisubo ang unang kutsara ay narinig niya ang marahas na pag-linis ng byenan niya ng lalamunan nito.
"You are lucky to have my son as your husband, Sarah. Pero siya? He's the unluckiest husband I ever knew. How could he help living with a woman like you? You can't conceive a child. A useless shit."
"Mama!" suway ni Klent sa ina.
Hindi na nagulat pa si Sarah sa pang-iinsulto ng byenan niya sa kaniya. Subalit agaw-pansin ang tila ba pagtatanggol ng asawa niya sa kaniya.
"Why, Klent?! Hindi ba totoo? She's part of the Morgans now! But she can't even give you an heir! She's useless, and it's true."
"Please, Mama. I don't want us to talk about this thing in the middle of partaking in God's blessings. This is inappropriate."
Sa kaniya tumingin ang byenan niya.
"Tingnan mo ang epekto mo sa anak ko, Sarah. He's now learning to talk back to his mother. You're something which corrupts his manners. Are you a pandemic?"
"Mama, enough, please."
"Pinagtatanggol mo pa kasi ang walang-kuwentang asawa mo, Klent! Kaya lumalaki ang ulo niya at hindi marunong humanap ng paraan upang mabuntis!"
"S-Sinusubukan ko naman p-po—"
"Shut up! Hindi kita kinakausap. Don't talk if you are not asked, Sarah! Don't be so mannerless!"
"Mama, I said enough!"
Bukod sa umugong na sigaw ng asawa niya ay malakas din ang paghampas ni Klent sa mesa gamit ang mga palad nito. Sakto pang napatihaya ang kutsilyo kaya ay nasugatan ang asawa niya. Hinulog ni Klent ang kamay nito na may sugat at matalim na tumitig sa kaniyang ina.
"I-I lost my appetite," galit na wika ng ina ni klent at agad na iniwan ang hapagkainan.
Ilang saglit na nag-hari ang katahimikan sa pagitan nila ni Klent. She couldn't move on from what happened. Klent stood for her against her mother-in-law. And she can't even express how she is supposed to feel. It was really shocking. She couldn't believe it.
"K-Klent, hindi mo dapat pinagsalitaan nang ganoon ang Mama mo. She's still your mother."
"My hand, S-Sarah. It's bleeding."
Tumango siya at agad na kinuha ang first aid kit. Nilinis niya ang sugat ng asawa niya at inikutan ng bandeha.
"Kumain ka na, Sarah. We are supposed to be in bed now."
"S-Sige, Klent."