Kabanata 6
Sarah was running some errands in the mansion. It was Saturday and her husband was staying home. Rinig na rinig niya ang pagtatalo ni Klent at ng nanay nito.
"It is all your fault, Klent! Ginawa mong charity ang pagpili ng asawa mo! You should have chosen a better wife before! Sana nakinig ka sa akin! Ang daming babae na alam kong nababagay sa iyo! Sa isang tulad lang ni Sarah ka napunta!"
"Mama, please. Dapat ay nagpapahinga ako ngayon dahil pagod ako sa trabaho."
"If may anak ka lang ay tiyak akong hindi ka mapapagod. Kung may mga bata lang dito sa mansion ay tiyak ako na hindi mo nararamdaman iyan ngayon! Si Sarah pa kasi ang pinili mo! Hiwalayan mo siya, Klent! May oras pa paraagsimula muli! Rebecca of the Solers is better than your useless wife!"
Sa tuwing nagkikita sa kahit na saang parte ng mansion ang asawa niya at ang ina nito ay bumibilis ang t***k ng puso ni Sarah. Alam niyang mag-aaway na naman ang dalawa at tiyak na siya ang simuno ng diskusyon nila. Tulad na lamang ng kasalukuyang nangyayari ngayon.
"Mama, hindi ka ba talaga titigil sa paghihimasok sa buhay ko? This is my life, Mama. And I hope that you will respect that."
"Nirerespeto kita, Anak! That's why I am telling you to leave that woman! Return her where she came from and settle with another woman who is able to give you an heir."
"Mama, hindi na ba talaga matatapos itong pag-uusap natin tungkol sa bagay na ito? I told you already that I won't do such a thing to my wife!"
Napahawak siya sa kaniyang dibdib habang nakasandal sa isang sulok kung saan hindi siya mapansin ng dalawa sapagkat nakabukas ang pintuan ng silid kung saan sila nagtatalo. Klent told her what she was in his life. But here's her husband, protecting her from his own mother.
Klaro sa kaniya ang sinabi ni Klent na hindi siya mahal nito. Ngunit bakit siya ipinagtatanggol ng lalaki?
"Hindi talaga ito matatapos kung hindi mo lulubayan ang babaeng baog na iyan!"
"Hindi siya baog! Walang baog sa aming dalawa, Mama!"
"Then why can't she give you a child? For God's sake, Klent! Buksan mo ang isipan mong nasarado! Tingnan mo ang mukha ng katotohanan para magising ka! Hindi siya ang babae para sa iyo! She can't give you a child!"
"Mama, please."
"Ako ang nagmamakaawa sa iyo na itigil mo na ang kahibangan mong ito, Klent. Hindi ito ang pamilya na nakikita ko para sa iyo! You deserve better than this. You deserve to be called a father, and to be one!"
"s**t! This conversation will go to nothing, Mama. Hindi ko gagawin ang inuutos ninyo!"
"What potion did she make you drink, by the way? O anong kulam ang ginawa niya kaya ay hindi mo siya maiwan?!"
"Literally nothing, Mama. Ang tanda niyo na para maniwala sa mga bagay na iyan! Potion? Kulam?! Bullshit! Walang katuturan!"
"At hindi rin kapani-paniwala na may isang Morgan na walang anak kahit na kalahating dekada na itong may asawa, Klent!" His mom threw her hands, showing disappointments. "Ano na lang ang iisipin ng mga pinsan mo? Your uncles?! You're making me insane!"
"Talagang mababaliw ka, Mama, kung iyan ang iisipin mo! Why can't you just focus on your own business abroad? Huwag mo nang problemahin pa ang buhay-may-asawa ko!"
"I'm worried about you! I'm having anxiety over this matter, Anak! You can't lose something you worked hard for. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng Lolo mo? He will take the company from your hands if you cannot give him a grandchild!" naghihisterikal na wika ng Mama ni Klent.
Nawala ang tapang sa mukha ni Klent. Bakas din sa mga mata nito ang biglang pagkabahala matapos marinig ang sinabi ng ina.
"Mama, hindi gagawin ni Lolo iyan. I worked hard for this company. Hindi ko basta hiningi lang sa kaniya ang posisyon ko. He himself sees something in me, prompting him to give me the position I have in M-Morgans Empire. U-Up until today, patuloy kong ginagawa ang bagay na iyon."
"But you heard him loud and clear, Son. So please, think about this. Leave that woman to gain what you deserve."
Natamaan niya ang maliit na vase, nahulog ito ay nabasag kaya ay naagaw nito ang atensiyon ng dalawa.
Nagmadali siyang pumasok sa silid nila at agad na nagkunwaring abala. Pinuntirya niya ang kanilang wardrobe at kuno'y nililinis niya ito.
Marahas na pagbukas ng pintuan ang narinig niya. Gayunpaman ay hindi siya lumingon. Ang anino ng asawa niya na lumapat sa kaniyang mukha ang naging dahilan kung bakit inangat niya ang kaniyang sulyap.
"K-Klent?"
"Sarah, kahit na hindi mo sabihin ay alam ko na narinig mo kami ng Mama!" He sighed. "I told you to not listen to others' conversation! Ganoon ka na ba talaga ka tsismosa?!"
Umiling siya. Bumagsak ang mga luha niya.
"K-Klent, hindi ko sinasadya. Naglilinis ako sa labas ng guestroom at narinig ko k-kayo ng Mama mo."
"Ano ang narinig mo?!"
"L-Lahat, Klent. I heard everything... every detail o-of your conversation."
Mariing pumikit si Klent at sa pagbukas ng mga mata nito ay seryuso itong tumitig sa kaniya.
"Forget about that. Walang katuturan ang mga sinabi ni Mama. She's just afraid of the future."
Yumuko siya. Mayamaya ay umupo siya sa gilid ng kama.
"K-Klent, b-bakit hindi ka na lang makinig sa kaniya? A-Ang dali lang naman na gawin ang gusto niya, hindi ba?! In just a snap, y-you can leave me or kick me o-out of your life."
"No one else has the right to provoke me, Sarah. Not my mother, and not you! Hindi ko gagawin ang bagay na iyon!"
"But, Klent! Iyon ang gusto ng Mama mo! Iyon din ang dapat mong gawin!" She was out of strength to control her emotions. Hinayaan na lamang niyang gumuho ang emosyon niya. "H-Hindi mo naman ako mahal, hindi ba?! Walang saysay ang pagsasama natin! I-I can't give you a child! S-Sinusubukan ko! P-Pero wala pa ring nangyayari."
"I will not let you go, Sarah!"
"B-But why?! You can't let me go! Yet you can't love me! H-Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko ngayon, Klent! A-Ayaw kong mabuhay muli ang pag-asa sa puso ko na may pagkakataon pa na iibigin m-mo ako!"
"Don't hope, Sarah!"
"Then grant me freedom!" she cried. "Klent, nalilito na ako! Naiipit ako, Klent! Lalo na nang nandito na ang Mama mo sa mansion! P-Para akong sinasakal! Sakal na sakal na nga ako kahit na tayong dalawa lang ang nandito, Klent! Dumagdag pa ang Mama mo. L-Let me go, Klent! N-Nagmamakaawa ako sa iyo!"
"I can handle my mother. Nag-iingay lang siya, Sarah!"
Tumayo siya.
"Klent, hindi ko rin gusto na nag-aaway kayo ng Mama mo dahil sa akin. She's your mother, Klent! And I am just your u-unwanted wife!"
"Hindi uubra sa akin ang mga sinasabi mo, Sarah. If you feel unwanted, just feel it. But I will not let you go."
Binagsak ni Sarah ang mga tuhod niya sa malamig na sahig. Humawak siya sa mga paa ng asawa niya. Kulang na lang ay halikan niya ang mga ito.
"K-Klent, g-give me freedom, please. Huwag mo namang ipagdamot sa akin ang mamuhay na malayo sa buhay ko bilang asawa mo. I-I want to live not just exist," hikbi niya.
"Then live a life full of suffering inside this mansion! Iyon lang ang choice na mayroon ka at wala nang iba!"
"Klent, ginawa ko na ang lahat para mabayaran ang utang ng Papa ko sa iyo! Ang bawat pananakit mo sa pamamagitan ng emosyonal at pisikal na paraan ay sapat na bilang kabayaran ng utang ng Papa ko! M-Maging ang virginity ko na inalagaan ko ay sa iyo napunta! Ano pa ba ang dapat kong gawin, Klent?"
"Wala!"
"Then give me a reason why you can't let me go!"
"Umahon ka, Sarah!" sigaw ni Klent. "Wala akong rason na ibibigay sa iyo! Stay here and serve me as my wife! That's an order!"
Umatras si Klent at tinalikuran siya ng lalaki. Nanatili siyang nakaluhod at nakayuko, patuloy pa rin sa pagsumamo upang lumaya mula sa walang-katiyakan na buhay na mayroon siya sa piling ni Klent.
"K-Klent, let me f-free," patuloy niyang hikbi kahit na naiwan siyang mag-isa sa silid nila.