Chapter 3: Duel

1677 Words
"Masasarap din pala yung mga pagkain nila dito sa Cafeteria no?" ani ni Ridge pagkatapos naming kumain. Kasalukuyan naman kaming nakaupo dito sa Cafeteria para magpahinga, nakakatamad narin kasing maglakad eh. "Yes girl. Dito nalang tayo palagi kumain, mas Affordable pa." sagot rin ni Davilyn. "By the way Myles, kamusta naman yung arranged marriage mo sa anak ni Mr. Guevarra?" biglang naman ni Davilyn kaya napaayos ako ng upo. "There will be an announcement on my Birthday, and doon ko narin daw makikilala at makikita yung papakakasalan ko." Kahit medyo nakakalungkot, kailangan ko paring tanggapin that this is my fate and I must accept it. "Malas naman ng lovelife mo Myles, magkakaroon ka na nga lang ng asawa yung hindi mo pa nakikilala at nakikita." biro naman ni Davilyn sabay tawa. "Pabayaan mo na ganun naman talaga kasi eh, minsan kailangan mong magsaripisyo para sa taong mahal mo." Ang drama ko ba masyado? Well, medyo. "Sige girl, saan ka naman humuhugot diyan sa mga pinagsasasabi mo?" napatawa nalang kami sa sinabi ni Ridge. "OMG! Debut mo na pala sa Friday. So what's the plan?" tanong naman ni Davilyn. "Oh about that, I'll just give out the invitation tomorrow. Nakalimutan kong dalhin kanina eh." Hindi ko naman talaga nakalimutan ang invitation. I'm a little bit bothered about that proposal on the day of my birthday that should be the happiest moment of my life. It's so sad. "I'm happy as well as sad for you, Myles. You'll be having a party and a proposal pero your life has been decided already." ani naman ni Davilyn sabay tapik sa likod ko. "It's okay. I'll do anything to help save our company." Tumingin nalang ako sa wrist watch ko para tingnan ang oras, "Wait, it's already 12:48. Bumalik na tayo sa room at baka mauna pa satin yung terror nating Professor." pahayag ko naman sa kanila at dali-dali nang binitbit ang mga gamit ko. Mahirap na kasi kapag naunahan kami ni Professor Marcelino, hindi nakakatuwa ang mga susunod na mangyayari. "Myles have you forgotten?" tanong naman ni Ridge na ikinakunot ng noo ko. "What?" "Nasunog ang kalahati ng building natin kaya na move sa conference hall ang klase ng lahat. Okay na ba?" Ay, oo nga pala. Ang tanga ko nga. "Sorry na, let's go," sabi ko naman sa kanila at umalis na kami ng Cafeteria. Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba kay Mom and Dad ang mga nangyari dito sa school pero hindi nakang siguro dahil baka mangyari na naman kay Mommy ang naganap noong isang araw. "Anlayo pa naman ng Conference Hall mula dito." reklamo ko naman sa kanila dahil bitbit ko ang mga gamit ko for my training. "Lumpad ka, Myles." wika naman ni Davilyn kaya inirapan ko na lamang siya. Pagdating namin sa conference hall ay nadatnan naman silang nagtatawanan kaya malamang ay wala na pa si Professor Marcelino. Yari talaga kaming lahat kapag merong nangahas na mag-ingay sa klase niya. "Good thing at wala pa si Professor Marcelino." wika ni Davilyn at umupo na sa respective chairs namin which is nasa likuran at malapit sa bintana. "Good Morning, class!" nagkanda gulat-gulat naman ang mga cells ko ko sa pagbukas ng pinto at iniluwal si Professor Marcelino, guro namin sa Literature. "Good Morning Sir!" tumayo agad kaming lahat sabay bigay galang sa kanya. Hindi naman nakakatakot ang mukha ni Sir pero ang boses niya paniguradong manginginig ka sa takot. "You may now take your sit Section Athena." pumunta na siya sa gitna at inilatag ang kanyang laptop at mga libro. "Thank you Sir!" Yes, we are magalang as in respectful. "Before proceeding to the main topic this afternoon, I would like to ask if yous still recall our lesson last meeting?" Agad kong kinuha ang libro ko in case na ma-mental block ako dahil sa mukha ni Sir. Mahirap nang masigawan sa klase niya. "Yes Miss Villaflor?" Turo niya naman kay Ridge. Lagot ka ngayon Girl! "Hmm, our last lesson was about the 12 titans or greek mythology?" patanong niyang sabi. Hindi makatingin ng deritso si Ridge kay Sir at nanginginig din ang mga tuhod niya dahil sa takot. "Are you sure Miss Villaflor?" Ito namang si Sir, kapag nakita niyang natatakot na iyong estudyante niya ay mas lalo niya lamang itong tatakutin. "Yes, Sir!" agad niyang sagot. Napa-singal na lamang si Ridge at umupo sabay tingin sa akin, ngumiti naman ako bahagya sa kanya at nakinig na kay Sir Marcelino. Sinulyapan ko rin si Davilyn na pinipigilan lang ang pagtawa. Nako, kayong dalawa talaga. "How about you Ms. De Guzman?" Anak ng kalabasa! Friendship goals nga kaming tatlo. Tumayo agad ako dahil baka masigawan na naman ako ni Sir. May mga pagkakataon kasi dati na ang bagal kong tumayo kaya agad niya nalang akoh sinigawan at pinalabas sa klase. I hope it won't happen this time. "Yes, Sir?" napalunok naman ako ng sarili kong laway habang magkahawak ang mga kamay ko sa unahan. Hindi ko alam pero kay Sir Mercelino lang talaga kami kinakabahan ng ganito kahit hindi naman ganoon ka hirap ang kanyang tinuturo sa amin. "Among those 12 titans and titanides, who is the titan god of time and his consort together with their off springs?" Dahil sa kaba ko ay halos hindi na ako makapag-isip ng maayos kahit alam ko naman ang sagot. Nagpakawala muna ako ng isan buntong hininga upang kumalma ang aking sarili. Alam ko naman ang sagot pero parang hindi ko kayang bigkasin. You can do it Myles! "It is Cronus and his consort is Rhea, they had their off springs named Zeus, Hera, Poseidon, Hades, Hestia and Demeter." Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil nasagot ko rin ng maayos at tama ang tanong ni Sir Marcelino. "Correct, Miss De Guzman. Let's move on to our next topic." umupo na agad ako at napangiti. Pagkatapos ng nakakakot na klase namin kay Professor Marcelino ay isa-isa na kaming nagpaalam para tumungo sa mga susunod na subjects namin. Lumabas na ako dala-dala ang sandamakmak na libro dahil malapit narin ang exam. Mangangamote ako kapag hindi ako nag-aral ng mabuti. Ngunit habang nililibot ako ang aking paningin sa labas ng classroom may nakita na naman akong anino, ngunit hindi lang ito isa kung hindi dalawa na sila ngayon—naka hood ito ng itim at may mahabang damit abot sa kanilang mga paa. Kinilabutan agad ako dahil sa kanilang mga aura na halos mangain na sila ng tao. "Ang creepy na ng paaralang ito." tanging nasambit ko lamang at nagpatuloy na sa paglakad. Wala akong panahon para isipin ang mga kakaibang bagay na nangyayari sa akin ngayon, malamang ay dulot lamang ito ng pagka-stress at lungkot. Tama! Iyon nga ang dahil. Kasalukuyan akong nasa gymnasium ngayon para sa PE class namin, and what I have heard ay magkakaroon ng duel ngayon sa taekwondo. What a lucky day. Wala pa naman dito sina Davilyn at Ridge dahil magkaiba ang subjects namin ngayon. "Yipyap! So, Group A will be on this side and Group B will be on this side." turo naman ni Professor Matt sa amin. Group A ako kaya pumwesto na ako sa mga respective places namin. Magkakaroon kasi kami ng mini-tournament ngayon. Isa-isang maglalaban ang bawat grupo at kung sino man ang unang matumba ay siyang talo at plus points narin 'yon sa grupo ng mananalo. "The first pair would be Ms. Bermejo and Ms. De Guzman." pahayag naman ni Sir kaya tumungo na kami sa gitna ni Annie. "Let the duel begin!" nagkatinginan naman kaming dalawa ni Annie at sumenyas na mag-uumpisa na kaming dalawa. Hinayaan ko naman muna siyang umatake sa akin para makakuha ako ng tamang pagkakataon para makalaban sa kanya. Malakas din si Annie kumpara sa mga nakalaban ko noong nakaraang duel. She's a kind and demure girl sa totoo lang pero pagdating sa labanan ay umiiba ang kanyang aura. She is starting to punch me but the thing is she's letting her guard down by giving me an opening kaya naging dahilan iyon para matamaan ko siya. "Score for Group A!" anunsyo ni Sir kaya napangiti naman ako bahagya pero hindi pa tapos ang laban dahil bigla siyang tumayo at napangisi. Okay, that was creepy. Parang biglang nag-iba ang pagkakakilala ko sa kanya. "Miss Bermejo is a formidable opponent. Let's see who will win this battle." Naghiyawan naman ang mga kaklase namin. Nag-uumpisa na kasing uminit ang labana sa pagitan namin ni Annie. "Go Myles!" "Bring her down, Annie! "Bermejo! Bermejo, for the win!" Iba't-ibang hiyawan galing sa mga kaklase namin ang naririnig sa buong gymnasium. Nanuod narin ang ibang mga estudyante na naglalaro sa loob. Same as usual, she's attacking me straight forward kaya iwas lang ako ng iwas at naghahanap ng panahon para ako naman ang makatama sa kanya. It's very odd nga kasi she's giving me an opening para tamaan siya. Is she doing it on purpose? Nagulat naman ako ng bigla niyang natamaan ang kanang pisngi ko kaya agad akong napa-atras. Hindi man iyong ganoon ka lakas pero sapat na rin para bumalik ako sa aking sarili na kanina pa lutang. Napahawak naman ako sa namamaga kong pisngi. Pareho na kami ngayong nakapuntos sa isa't-isa, but I won't let her defeat me. Hinintay kong magpakawala ulit siya ng isang suntok para magamit ko ito laban sa kanya. Matapos pa ang ilang minuto naming paglalaban ay natapos narin ito. "The winner is Miss De Guzman. Plus points for Group A!" naghiyawan naman ang mga teammates ko sabay lapit sa akin. Binigyan din nila ako ng towel at tubig. "You're the best, Myles!" ani ni Cheska, team mate ko form Section Artemis. "Miss Bermejo and Miss De Guzman are both amazing. I still have a meeting to attend so, bukas na natin ipagpatuloy ang duel. Class dismissed!" "Goodbye Professor Matt!" agad narin siya lumabas ng Gymnasium. Agad narin akong lumabas para puntahan sina Davilyn at Ridge na Fourth Floor ng English Department kung saan ang kanilang klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD