"Pwede ba na ate nalang kita?" tanong naman ng batang babae na kulay puti ang damit, Dexyll ata ang pangalan. "Oo naman, bakit hindi.” nahihiya kong sagot sa kanila. "Yehey! Ate Myles." wika naman ni Clarice. "Pagpasensiyahan mo na ‘yang mga kapatid ko, Myles." ani naman ni Oliver pero napangiti nalang ako. Nakakagaan kasi sa feeling na mayroong mga bata na gusto akong maging ate. Hindi kasi ako nabiyayaan na magkaroon ng nakababatang kapatid, ayaw na akong dagdagan nila Mommy at Daddy. "Okay lang, masaya naman kasi sa pakiramdamn dahil wala naman akong kapatid eh." sabi ko naman sa kanya sabay yakap narin kina Dexyll at Clarice. "Tama na yan Princesses, magpapahinga na si Ate Myles niyo. Bukas nalang ulit." sabi naman ni Oliver sabay kiss sa mga kapatid niya. "Sige Kuya. Balik ka u

