"Oo meron, Ikaw!" sabi ko naman sabay tawa. "Nang-iinis ka?" tanong niya naman sakin na naka poker face. "Hindi naman. Sige ipagpatuloy mo na." wika ko pa habang pinipigilan na tumawa. "Naaamoy nila iyon Myles. Kung isa ka bang elemental o hindi, kaya madali nilang matutuntun kung nasaan ba ang mga ito." paliwanag niya naman sa akin. Hindi ko alam na matagal na palang alam ni Oliver ang tungkol dito. Pero bakit siya pa talaga sa lahat ng tao? "Ganun ba, tapos ano pa ba yung iba mong nalalaman?" tanong ko naman sa kanya. Hindi ko alam pero parang gumagaan na ang loob ko ngayon dito. Namimiss ko parin sila Mommy at Daddy, and nag-aalala parin ako tungkol sa kanila pero sinasabi rin ng utak ko na kailangan kong na talagang maniwala sa mga nagaganap sa akin ngayon dito. "Tingnan mo na

