CHAPTER THREE
Tapos na ang araw ng klase ngayon, kaya ito ako pauwi na. Buti na lang ay hindi ko nakasalubong ngayon ang mga stepbrothers ko. Nandito ako ngayon sa labas ng university sa waiting shed naghihintay ng masasakyan nang may kumalabit sa’kin. Tinignan ko kung sino ito.
“Uy, Jaztine,”
Ngumiti siya. “Hi,” umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako kaunti para lakihan ang space para sa kaniya. “Waiting for your sundo?”
“Mag-co-commute lang ako, e.”
“Paparating na din sundo ko. Since nasa iisang subdivision lang naman tayo nakatira, sumabay ka na lang sa’kin.” Aya niya.
“’Wag na, nakakahiya kaya,” tanggi ko.
“Nahiya ka pa, e, kanina no’ng tumalsik laway mo sa’kin tinawanan mo nga lang.” Ngisi niya.
Pinanlakihan ko siya ng mata at agad na humahalakhak. “Hoy! Nakakahiya kaya ‘yon, kalimutan mo na lang please!” halakhak ko humalakhak din siya. “Hindi naman siguro mabaho laway ko, ‘no?”
“Hindi naman. Mabango nga, amoy menthol.”
Nakakaloko ko ulit siyang pinanlakihan ng mata. “Hoy, inamoy mo?!”
Ngumisi siya. “Sa sobrang ingay mo kanina, amoy na amoy namin bunganga mo.”
Gano’n ako kaingay?
Tumawa ako at magsasalita pa sana nang may biglang tumawag sa’kin. Pamilyar ang boses at alam ko na agad kung sino.
Tinignan ko ang pinanggalingan ng boses. Si Skylar, nasa likod niya sila Skyler at Skye. Madidilim ang ekspresyon nila.
Agad na Nawala ang ngiti ko. Ano na naman ang kailangan nila? Galit ba sila dahil buong araw kong iniiwasan at hindi pinapansin? Ano naman?
“Sino sila?”
Lumingon ako kay Jaztine. “Mga stepbrothers ko.” Sagot ko.
“Sa kanila ka na lang sasama?”
Matagl ako bago makasagot dahil hindi ko naman gustong sumama sa kanila. Bahala na nga.
“Sa’yo na lang ako sasama.” Sabi ko. Tumango siya. “Wait, kausapin ko lang sila.”
Tumakbo ako palapit kanila Skylar. “Sa kaniya ako sasama pauwi,”
Mas lalong dumilim ang mukha nila. “Who told you that you’re allowed to have a boyfriend?” malamig na tanong ni Skylar. Nakakapanibago. Hindi sila ang kilala kong mapaglaro at mapantrip.
Nangunot ang noo ko. At ano ngayon sa kanila ‘pag may boyfriend ako? E, wala nga at hindi ko naman boyfriend si Jaztine. Hindi totoo ang bintang nila pero hindi ko dineny. Ano ngayon sa kanila?
“Wala. At sino ba ang nagsabing bawal akong mag-boyfriend?” pamimilosopo ko. Masyado na silang nangingialam sa buhay ko.
Agad akong napasinghap nang bigla na lang hablutin ni Skyler ang kamay ko at hinila papasok sa kotse.
“Ano ba?!” sinubukan kong bawiin ang kamay pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya, at wala namang laban ang lakas ko sa lakas niya. “Ano ang trip niyo, ha? Bitawan niyo nga ako!”
Mabilis nila akong pinasok sa loob ng kotse at sinarado ang pinto. Sinubukan ko itong buksan pero nakaharang si Skye, sinubukan ko naman sa kabila, pero naka-lock. Inis na lang akong napabuntong hininga at sinamaan ng tingin si Skyler nang pumasok ito.
“Anong problema niyo?” inis kong tanong.
Hindi niya ako sinagot. Lumapit siya at sinubukang isuot ang seatbelt sa’kin nang agad ko itong iniwas at ako na mismo ang nagsuot ng seatbelt sa sarili ko. Ano ba ang magagawa ko? Kahit ano namang gawin ko, kahit gustuhin ko pang lumabas hindi ‘yan sila makikinig at mababaliwala lang reklamo ko.
Pumasok ang dalawa pang magkapatid. Si Skylar ay umupo sa driver seat habang si Skyler ay sa front seat. Hindi ko sila pinansin. Inis na inis na ako.
Kinuha ko ang phone mula sa bag at binuksan ang messenger. Nagtipa ako ng message kay Jaztine since friend ko na siya sa f*******: kanina pa lang. ako ang nag-add sa kaniya at agad niya din naming kinonfirm.
“What are you doing?” tanong ni Skye.
Hindi ko siya pinansin.
‘Sorry talaga,’ message ko kay Jaztine.
Typing siya agad, ‘Okay lang, pero ayos ka lang ba? Bigla ka na lang hinila kanina ng mga kapatid mo.’
Magtitipa pa sana ako ng reply nang biglang hablutin ni Skye ang phone ko.
“Ano ba?!” sinubukan kong bawiin ang phone pero tinago niya sa likod niya. “Ibalik mo nga ‘yan! Ano ba ang problema mo?!”
“Messaging your boyfriend, huh?”
“Ano naman ngayon?” inis kong tanong, nanlalaban ang tingin sa kaniya.
Mas lalong dumilim ang ekspresyon niya at nagkasalubong ang kilay. Binuksan niya ang bintana at inilabas ang phone kong hawk-hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko.
Ngumisi siya sa’kin.
“’Wag mong gagawin ‘yan,” kinakabahan kong sabi, dahan-dahang tinatanggal ang seatbelt. “’Wag sabi, e. Ano ba ang problema mo?”
Kanina pa ako tanong ng tanong kung ano ba ang problema ng mga diponggol pero hindi naman sinasagot.
Mas lalo siyang ngumisi at binitawan ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko at sinubukan pang saluhin ang phone pero hindi talaga kaya. Nakanganga ko na lang na tinitigan ang phone na parang bola pang nag-iindayog sa kalsada.
Naramdaman kong may humawak sa beywang ko kaya inis kong hinawakan ang kuwelyo ng damit ni Skye at paulit-ulit itong ginalaw. Wala akong pake kahit mahilo pa siya. Ang importante sa’kin ay kung bakit niya tinapon ang phone ko sa labas ng bintana.
“Anong problema mo?!” mas lalong bumilis ang paggalaw ko sa ulo niya, pero ang gago ay nakangisi lang sa’kin.
Ang dalawa naman ay hindi nagsasalita.
“Bayaran mo ‘yon!” ngayon ay hindi na kuwelyo niya ang hawak ko kundi buhok na. Sinasabunutan na siya.
“Ouch!” daing niya, pero wala akong pake sa kaniya, sa phone ko ako may pake. Nando’n mga pic namin!
“Bakit mo hinulog phone ko, ha?!” malakas kong sigaw sa mismong tenga niya.
Agad siyang napaigtad at mabilis na hinawakan ang tenga. “F#ck, that hurt!”
Pero wala akong pake. Ang petty niya na tinapon niya pa talaga ang phone ko sa napaka-blur at walang kwentang rason.
Nakarinig pa ako ng hagikhik galing sa dalawa pang magkakapatid.
Mas lalo kong ginalaw ang ulo niya at hinigpitan ang hawak sa buhok niya, agresibo na siyang sinasabunotan. Hindi niya na ata nakayanan ang pang-aalipusta ko sa buhok niya kaya pinigilan na ang kamay ko, hinawakan niya ito at pinagsama gamit lang ang isang kamay. Sinubukan kong bawiin at nagpumislas pero hindi ko kaya. Ga’no ba kalakas ang dip#nggol na ‘to?
“Bitawan mo ako!”
“I’ll buy you a new phone, okay? More brand new and expensive!”
“Mababalik ba niyan ang mga pictures ko, ha?!”
“I’ll take millions of pictures of you!”
“Sa tingin mo may tiwala ako sa’yo?! Pagtitripan mo lang ang mukha ko!” sigaw ko ulit sa pagmumukha niya at sa wakas ay nabawi ko din ang kamay ko.
Sinabunutan ko siya ulit, ngayon ay mas malakas na.
“I won’t, promise! F#ck! Ouch!” sinubukan niya ulit na pigilan ang kamay ko. “Mary, that hurt!”
“Mas nasaktan ang cellphone ko!”
“What? Are you for real?!”