CHAPTER TWO

1157 Words
CHAPTER TWO Ang pangalan niya pala ay Jaztine. Ang gwapo ng pangalan niya gaya sa mukha niya, ang bait pa. Nag-usap lang kaming dalawa tungkol sa first subject namin hanggang sa umabot sa kung sa’n kami nakatira, at nalaman ko ding nasa iisang subdivision lang pala kami nakatira, kakalipat lang daw nila. “Talaga?” lumiwanag ang mukha ko. “If ever na magkasama tayo sa mga task or pt mas madali na lang sa’tin kasi nasa iisang subdivision lang naman tayo.” Masaya kong ani. Natutuwa akong kausap siya. “’Pag gano’n, sa bahay niyo ba pupunta?” Agad akong umiling. “’Wag, may mga demonyo do’n.” Humahalakhak siya. “Demonyo?” Nagkasalubong ang kilay ko nang maalala ang maga stepbrothers ko. “Oo, hindi pa tayo nakakapagsimula guguluhin na agad nila tayo, kaya ‘pag sa bahay tayo gumawa walang patutunguhan gagawin natin.” Mas lalo siyang humalakhak nang makita ang inis kong ekspresyon. “Sino bang mga demonyo ‘yan at parang inis na inis ka?” “Ayoko na lang mag-talk, basta nakakainis ang mga pagmumukha nila. Mga sigbin.” “Sigbin?” Pinangunotan ko siya ng noo. Grabe naman ‘to pati sigbin hindi alam, e, sikat na sikat ‘yon sa t****k. “Chaka ba,” magsasalita pa sana siya pero pinatigil ko na. “Baka pati ‘yan hindi mo alam? Sa madaling salita, pangit.” Mas lalo siyang humahalakhak, napapaluha na. “Sino bang mga demonyo ‘yan? I bet, they aren’t some super entities.” Ay, wow, napa-english na. gandang pakinggan sa tenga. Tunog nakakahulog ng panty. Maghunos-dili ka, Mary. Magsasalita pa sana ako at sasabihing ang mga stepbrothers ko nang may malakas na nagtulak ng pinto kahit nakabukas naman na. Si Cassie, isa sa mga kaibigan ko. Hingal na hingal siyang napahawak sa malapit na upuan at napatingin sa’kin, may sasabihin pa sana ng mapansin ang lalake sa gilid ko. Ngumisi siya ng nakakaloko. “Hoy, ano ‘yan?” Inikutan ko siya ng mata. “Ang dumi ng utak mo, ah.” Nakangisi pa rin siya ng nakakaloko. “Pa’nong hindi dudumi, teh?” lumapit siya at nilagay sa katabi kong upuan ang sling bag. “Ang aga-aga may kasama ka na agad na chupapi at ang guwapo pa.” Tumingin siya kay Jaztine at nag-hi. “Girfriend mo?” Muntik ko nang mabatukan ang gaga. Tumawa lang naman ang lalake. “Hindi, b@liw. Transferee ‘yan!” “Hindi niya dineny, the, hindi ako naniniwala.” Ngisi niya. Kinuha ko ang sling bag niya at mahinang hinampas sa kaniya. “Sabing hindi nga. Transferee ‘yan, teh!” Napanguso siya at sinamaan ako ng tingin. “Oo na, nanghahampas agad, nagbibiro lang, e!” kinuha niya ang bag niya mula sa’kin. “Tapos sling bag ko pa. kakabili ko lang nito, teh!” Hilaw lang akong tumawa at inikutan siya ng mata. Nilingon ko si Jaztine na tawang-tawa lang sa’min. “Ang babaw ng kaligayahan mo,” biglang sabi ko. “Totoo,” bigla ding sabi ni Cassie. Nilingon ko siya. “Kakakilala mo pa nga lang sa kaniya.” “Pasalamat ka nga nag-agree ako sa’yo, teh.” “Edi, thank you.” Nag-uusap lang kaming tatlo do’n hanggang sa dumami na din ang pumapasok sa room at mga gustong makipag-usap sa kaniya. Mostly mga babae at ang mga malalantod ko pang mga kaibigan. Binuksan ko ang phone at pinindot ang messenger. Mga message agad ng tatlong stepbrothers ko ang bumungad sa’kin. Hindi ko na ito tinignan pa dahil mas umagaw sa atensiyon ko ang message ng proof namin para sa first subject. ‘I can’t come for now. I have something important to do. You are allowed to do whatever you want.’ “Everyone vacant daw tayo ngayon. Hindi papasok si proof!” Sigaw ko. Agad na nagsigawan sa saya ang iba. “Ngek, hindi na nga pumasok kagabi, hindi pa papasok ngayon.” Si Cassie na kabaliktaran ang ekspresyon ng mukha. Mukhang ang saya-saya ni anteh. “Sus, ikaw nga unang sumigaw. Ang plastic, teh, ah!” tawa ng kaklase namin. “Pake niyo?” “Tara gala!” aya ni Aya, ang dakilang dora naming kaklase. Hindi pa ako nagsasalita pinanlakihan agad ako ng mata. “Sumama ka!” “True! Lagi ka na lang nando’n sa mga stepbrothers mo, halos hindi ka na namin makasama sa galaan!” Ngumisi ako. “Sasama talaga ako!” Agad silang naghiyawan. Ang iingay nila. Tumingin ako kay Jaztine nang kalabitin niya ako. “Bakit?” “May stepbrothers ka?” tanong niya. “Oo,” sagot ko. “Iyong mga demonyo.” Ngisi ko pa. Humahalakhak siya. Since wala namang papasok sa first period namin kaya nagkayayaan na gumala. Kaya ngayon nandito na agad kami sa canteen bumibili ng snacks. Sabi nila gala, gumala nga kami dito sa canteen, ayaw ba naman kaming palabasin ni guard. Once in a blue moon lang si guard nagbabantay ng gate ‘pag during class time at natyempohan pang ngayon. Si Jaztine ay sumama din, kulang na lang maging buntot ko kasi laging nasa likod ko. Umupo kami sa mga upuan at do’n kumain. Katabi ko si Aya at Jaztine. Kunti lang ang tao sa canteen kaya malaya kaming nag-iingay dahil wala naman kaming ma-e-estorbo dahil malayo din naman mga department dito. Sa lawak ba naman ng university. Binuksan ko ang phone at mga missed calls agad ng magkakapatid ang bumungad sa’kin. Ano na namang trip ng mga ‘to? Hindi ko ‘yon pinansin at binuksan ang message sa’kin ng kaibigan ko at kakalase ko rin sa first period na nagpaiwan sa room kasi naiinitan daw sa panahon. Hindi pa sinabing gusto lang landiin kaklase naming lalake na ex-boyfriend ng kaibigan namin. Wala kasi ‘yong girl code. Motto no’n, basta nalalandi patol agad, walang kai-kaibigan. ‘Beh, mga kuya mo nandito. Hinahanap ka.’ Basa ko sa message niya. Nando’n na naman sila sa room? Hindi ba sila napapakali hindi lang makita ang mukha ko? At wala ba silang pasok tatlo? Grabe naming college life ‘to, halos lahat walang pasok. Nagtipa ako ng message. ‘Ano daw kailangan?’ Agad siyang typing, ‘Hinahanap ka, nagtatanong kung nasa’n ka, teh.’ ‘Ano sagot niyo?’ ‘Gumagala,’ ‘Iyan lang?’ ‘Sinabi din naming kasama mo boyfriend mo, teh.’ Agad akong nabilaukan sa iniinom dahil sa sagot niya. Anong boyfriend?! Halata naman kung sinong boyfriend ang tinutukoy nila. Agad na hinagod ni Jaztine ang likod ko habang ang iba naming kasama agad na nagtawanan pero nakihagod din naman sa likod ko. Ang paplastik talaga ng mga ‘to. Nagtipa ako ng reply, ‘Gaga? Sinabi niyo talaga ‘yan?’ ‘Oo, beh, biro lang naman namin pero mukhang nagalit, nagdabog pa ‘yong isa. ‘Yong isa binangga ang upuan kaya natumba ang upuan, ta’s hindi pa inayos. Pasalamat na lang talaga sila mga gwapo sila.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD