CHAPTER ONE
(MARY)
Napatigil ako nang guluhin na naman nila Skyler ang tinutupi kong damit. Nagtawanan pa sila. Nakakatawa na sila niyan?
Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy lang ang pagtutupi. Pagod na akong sitahin sila, hindi naman nakikinig. Magsasayang lang ako ng laway. Kaya bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin diyan. Wala ako sa mood para sabayan o sitahin sila, dahil wala din naman ‘yong silbi sa mga kagaya nilang walang magawa sa buhay kundi ang mangialam ng buhay ng iba.
Pinitik ni Skye ang noo ko kaya napahawak ako do’n, masakit pero sanay na ako. Hindi ko pa rin sila pinapansin.
“Hey, anyare sa’yo?”
Huminga ako ng malalim, magmumukha lang akong nakakatawa sa paningin nila ‘pag hindi ko sila pinansin ngayon.
Pagod kong tinignan si Skye at sumagot, “Nagtutupi.” Malayong sagot ko sa tanong niya. Pero nagtunog pilosopo ata ‘yon para sa kanila.
Nangunot ang noo niya at masama akong tinignan. “Aba’t namimilosopo ka na ngayon, ah.”
Hindi ako nagsalita. Tumayo ako at dinala ang mga tinupi kong damit para dalhin na sa itaas.
Napatigil ako nang hawakan ni Skyler ang damit ko. Huminga ako ng malalim at nagtatanong siyang tinignan. “Bakit?”
Nangunot ang noo niya. “Didn’t you see we’re here?”
Pinangunutan ko din siya ng noo. “Tapos?”
Mas lalong nangunot ang noo niya, pati si Skye. “Ang lakas na ata ng loob mong mamilosopo ngayon?”
Hindi ko siya sinagot. Binawi ko ang kamay mula kay Skyler at inayos ang pagkakahawak sa mga tinuping damit.
“May ginagawa ako kaya ‘wag ngayon.” Ani ko at naglakad paalis.
Pero ano ba ang aasahan ko sa mga matitigas ang ulo?
Sinundan nila ako at hindi tinigil ang pangungulit sa’kin.
“Hindi mo talaga kami papansinin?” Si Skye. Hindi ako sumagot.
“Ang pangit mong magtupi,” insulto ni Skyler at bigla na lang hinablot ang mga tinupi ko, dahilan para masira at magkalat ang mga ito.
Sandali silang natahimik. Napapikit ako at huminga ng malalim, pinipigilang lumabas ang inis.
Lumuhod ako at kinuha ang mga damit. Sa kuwarto ko na lang ito tutupiin ulit.
“Hey,” kalabit sa’kin ni Skyler.
Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy lang ang pagpulot ng damit. Ayokong sumabog na naman sa inis dahil sa kanila. Pasalamat na nga lang sila dahil pati damit nila tinutupi ko.
Hindi ko na inantay na magsalita pa ulit sila at mabilis na tumakbo paitaas. Tinawag pa nila ako na hindi ko na pinansin at dali-daling pumasok sa kuwarto ko at ni-lock ang pinto.
Wala sila mama at tito dahil may lakad kaya walang makakasita sa magkakapatid. Bukas pa daw sila makakauwi.
Tinignan ko ang oras mula sa suot kong relo, matapos tupiin ang mga damit. Pasado alas dyes na at may pasok pa kami bukas. Bukas ang dating ng mga katulong dahil tapos na ang day off nila kaya uutusan ko na lang silang ilagay ang mga tinupi kong damit sa mga closet ng magkakapatid dahil ayokong pumasok sa kuwarto nila at baka mapagtripan na naman ako.
Mas mabuting iwasan at hindi ko na lang sila pansinin para hindi na nila ako magulo pa o mapagtripan.
Kinabukasan hindi pa nag-aalas sinco ay nagising na agad ako para pumasok ng maaga at hindi makasabay ang magkakapatid. Ayaw ko na silang kasabay. Bawat papasok sa eskwelahan ay lagi ko silang kasabay dahil sa kanila naman ako pinapasabay ni tito, pero ngayon ayoko na. mas mabuting mag-commute na lang ako kaysa makasabay sila. Nakakapagod na ang mga pagmumukha nila. Gwapo sana pero ang papangit naman ng ugali. Bahala silang hanapin ako mamaya.
Lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Madilim at walang mga tao. Pumunta ako sa kusina at nagluto lang ng hotdog at itlog para lang sa’kin. Bahala na sila ng kakainin nila, malalaki na sila. Wala na akong pake kung hindi ‘yan sila marunong mag-luto, iinsultuhin lang naman nila ang luto ko ‘pag pinagluto ko pa sila, as usual. Ang lakas makasabing hindi masarap ang niluto ko, e, sila nga hindi marunong mag-luto.
Matapos kumain ay hinugasan ko na ang pinggan ko at naligo. Matapos maligo ay trouser lang at over-size crop top lang ang sinuot ko, naglagay lang ng bracelet at necklace na accessories at light make-up bago sinuot ang i.d at sinuot ang sling bag. Handa ng umalis.
Tinignan ko ang oras. Magaalas-syete na. siguradong gising na ang magkakapatid nito pero nasa loob pa ng kaniya-kaniyang kuwarto nila.
Lumabas ako ng kuwarto at dali-daling lumabas ng bahay para pumara ng masasakyan. At saktong paglabas ko ay may dumaan agad. Agad kong tinaas ang kamay kaya tumigil ang trycicle sa harap ko. May estudyanting naka-uniform na na nakasakay sa loob na sa hula ko ay high school student.
Sumakay ako sa likod at sinabi kay manong driver ang destinasyon ko.
Nang makarating na sa university ay agad na akong bumaba sa trycicle.
Binayaran ko si manong ng bente. “Salamat po, manong.”
“Salamat din, ma’am.”
Tumango lang ako at lumapit kay guard.
“Good morning, ma’am.”
“Good morning din po.” Sabi ko at pinakita sa kaniya ang i.d ko.
Tumango siya at pinapasok ako. “Ang aga natin, ma’am, ah?”
“Kasali po kasi sa bucket list ko na simula ngayon ay maaga na akong papasok.” Biro ko.
Mahina siyang humahalakhak. “Ganyan talaga ang good student, ma’am.”
Ngumisi lang ako.
Wala pang halos tao sa loob dahil sobrang aga pa, at siguradong wala pa ding tao sa department namin, pero buti na lang nasa akin ang susi ng room para sa first period naming kaya hindi na ako mag-aantay pa para mabuksan ang loob.
Habang papasok sa department namin, ay mahina akong kumakanta-kanta habang tumitingin sa paligid. Para sa’kin Maganda ang eskwelahan naming wala nga lang Magandang senaryo kasi halos walang puno, sayang ang sobrang lawak, e, hindi naman maapreciate ang view at kalawakan kung sobrang init naman. Ayaw ko na nga lang lumabas dahil masakit sa balat. Nakasemento pa ang daan kaya hindi ko magawang taniman ng puno ng pasekreto.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng room namin nang may mapansin akong taong nakayuko sa gilid. Lalake na nakaalamin mukhang may binabasa sa phone niya. At mukhang hindi ako napansin. Hindi ko makita ang mukha, siguro isa sa kaklase ko sa first period o subject.
Binuksan ko ang pinto at tinawag siya. “Psst,”
Inangat niya ang tingin at tumingin sa’kin, mukha pa siyang nagulat. At hala ang gwapo niya. Pero wala akong matandaang ganitong mukha sa department namin.
Umayos siya ng tayo at ngumiti sa’kin. Hala ang cute. “Bakit?” tanong niya.
“Taga dito kang department?” tanong ko pabalik dahil hindi talaga ako familiar sa mukha niya. Siguro transferee?
“Ah, oo,”
“Ngayon ko lang Nakita mukha mo dito. Transferee?”
Tumango siya. “Ngayon first day ko as a transferee dito at ito daw room para sa first subject ko.”
“Parehas pala tayo.” Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto. “Pasok ka na,”