Alas tres na ng hapon nang magsisimulang mag-iingay ang sa labas ng bahay dito. Unti- unting nagsidatingan ang mga bisita. Mostly mga employado sa kompanya ang bisita na may mga dalang bata. Para kasing children's party ang celebration ng birthday ni Jaia. May mga investors, stockholders, kasosyo sa negosyo ang nandito. Ngayon daw kasi ipakilala si Jaia bilang kauna-unahang apo ng mga Zueraldez. Napatingin ako sa anak ko na bihis na bihis na in her Cinderella costume. Yes, fairy tale style ang tema ng birthday ng anak ko. Kahit ako ay nakadamit din ng pang fairy tale na gown. Ang ganda talaga ng anak ko, mas lalong lumantad ng kaputian niya. Pati ang mukha niyang parang girl version ni Christian ay halata din. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin at inuluwa yon ni Christian na nak

