Kahit kinakabahan dahil sa presensya ng dalawa ay pinilit kong wag magpapa apekto alang- alang sa anak ko. Alam kong tulad ko, tensyunado din si Christian. Kasalukuyan kami ngayong nasa harapan ng malaking cake upang kantahan ng happy birthday ang anak. "Happy, birthday to you." Sinimulan namin ang kanya. "Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday, Jaia." Pagtatapos namin sa kanta. "Yeheeey!" Sabay- sabay pa ring sigaw ng lahat. "Happy birthday baby Jaia. Make a wish na. Bago mo e blow ang cake mo." Sabi ni Ate Claire na siyang nangunguna sa kantahan. Tumango naman ang anak ko pumikit upang magkapag wish na. At pagkatapos ay hinihipan nito ang kanyang cake. Nagpalakpakan naman ang lahat matapos yon. "Anong wish mo baby?" Tanong ko sa kanya. "Secret

