ALLORA Nang maisara ko ang pintuan habol ko ang bawat hininga. Medyo kabado ako talaga dahil kamuntikan na namang mag pang abot ang dalawa. Hindi ko malaman kay Johnny kung bakit pinipilit pa nito ang sarili sa akin gayong ito naman ang unang umayaw sa aming dalawa. Naalala ko pa ng ipadala ako nito sa ibang bansa kaya ganon na lang ang sama ng loob ko sa aking asawa. Tapos ngayon babalik ito para guluhin na naman ang maayos at tahimik kong buhay. Sa totoo lang kaya ko sinubukang ientertain si Manuel para makalimot na ako sa sakit ng nakaraan. Nakita ko naman kay Manuel ang gusto ko sa isang lalaki. Sana lang talaga mas makilala ko pa ang lalaki para malaman ko kung ito na nga ba talaga ang gagamot ng sugatan kong puso. Pumasok na ako sa aking kwarto at nagpalit na rin ng pajama para

