Kabanata 1
ALLORA
JHS PROM NIGHT
Palagi kong iniisip kapag darating ang araw na ito. Buong akala ko kasi masaya ang prom night. Excited pa naman ako ng sobra sobra sobra.
Maaga pa nga lang handa na ang aking susuotin na dress. Although medyo fitted siya sa akin pero ok lang dahil alam ko naman nandyan si Geller mahal naman ako ng aking hot and yummy boyfriend.
Mag iisang taon na kami. Bakit ko nga ba siya nakilala. Ikekwento ko sainyo kung paano at saan kami nagsimula.
Taong 2000 nagkakilala kami ni Geller ng nagtransferee ako dito sa Harah University kung saan wala ng mang bubully pa sa akin. No body shamer at all. Sa unang araw ko sa school marami agad akong nakilala. Isa na roon ang campus heartthrob ng school na si Geller.
Pina ibig niya ako at naging kami ng ilang buwan nitong panliligaw. Pero sa tatlong taon naming magkasintahan ni minsan ay hindi niya man lang ako ipinakilala sa kanyang mga magulang. Naghintay ako hanggang sa magkusa siya.
Habang nasa kotse kami at katatapos lang may mangyari sa amin. Tinanong ko siya ulit tungkol sa parents niya.
"Babe, kailan ko ba makikilala si Tita Glazer, fan na fan niya ako."
"Babe, malapit na at kunting tiis na lang rin." sagot ni Geller..
"Ok, babe." tahimik na sagot ko. Wala naman akong magagawa sa desisyon niya.
Hindi ko na siya pinansin pa dahil hindi rin naman ako mananalo sa kanya.
Nag sayaw kami pero nang yayain ito ng barkada niya bigla niya na lang akong iniwan. Kung minsan napapaisip na lang ako kung mahal niya ba ako o hindi?
Habang mag-isa ako na nakaupo may lumapit sa aking mga grupo.
"Hi! Miss sexy." wika nito pero halatang bnabastos niya na ako. Chubby ako nasa around 60 kilos lang naman ako.
"Hmmmp! Wala akong panahon sayo." pagmamaldita ko. Aalis na sana ako ng hawakan nito ang braso ko ng madiin.
"Bitiwan mo ako. Ano ba nasasaktan ako sabi." bulyaw ko kaso mukhang bingi ang gagong lalaki at tila wala siyang naririnig man lang.
"Well, ano? Halika tuturuan kita paano gumalang sa akin batchoy." pang uuyam niya sa akin.
"Bitiwan mo ko sabi." sigaw ko.
At dahil sa lakas ng sigaw ko lumapit ang boyfriend ko. Mabuti na lang naisipan niya akong balikan. Agad itong tumilapon sa lapag ng undayan nito ng sunod sunod na suntok.
"Ayos ka lang ba? Bakit ka ba kasi nakikipag usap sa gagong yan?" bulyaw nito sa akin. Ang kilig ko kanina ay napalitan ng sama ng loob.
"Parang kasalanan ko pa na nababastos ako? Sino bang nang iwan sa akin dito?" panunumbat ko sa kanya. Siya dapat ang kasama ko kanina hindi sana ako nabastos ng lasing na iyon.
"Oo, kasalanan mo. Hindi mo sana siya pinagkakausap. Ang hirap sayo mataba ka na nga boba ka pa." sumbat nito.
Pero hindi naman ako nasaktan sa pang aalipusta niya sa akin kundi sa sama ng loob na pang sisi niya.
"Ganon. Di mag break na lang tayo." sigaw ko sa mukha niya sabay walk-out. Tang ina niya! Wala siyang karapatang laiitin ang buong pagkatao ko.
Hindi siya ang taong kailangan ko sa buhay ko.
Nag walk-out ako sabay takbo papalayo ng hotel. Nagtext ako sa driver namin na sunduin na niya ako. Nang makalipas ang ten minutes dumating si Mang Gabo. Sumakay na ako at pinasibat na nito ang sasakyan.
Nang makauwi ako ng Mansyon. Wala ang parents ako. As usual mas mahal pa nga nito ang business nila at kumpanya namin kumpara sa akin..
Nagkulong ako sa kwarto at pina hatid ko na lang ang pagkain kay Manang Tere.
Kumain ako ng kumain habang nanunuod ako ng palabas.
Naging daily routine ko na ang pagkain kaya mas lumubo pa ako ng lumubo.
Ang dating 60 kilos ko ay umabot lang naman ng 80 kilos.
Mansyon at school na lang ang naging buhay ko at dahil doon nakalimutan ko na rin si Geller. Ang first and last boyfriend ko. Sa nangyari natakot na akong magmahal ulit at isa pa alam ko naman na wala ng tatanggap sa itsura ko na lumba lumba.
INTRAMURAL
Walang class puro sports lang at events ng kung ano-ano.
Habang nakatambay kami nila Claire sa corridor dumaan sa harapan ko si Geller at Jennice ang bago niyang girlfriend. Ang campus sweetheart sa school.. Pero wala akong pakialam sa kanilang dalawa kahit tumambling pa sila sa harapan ko.
"Babe, di ako makapaniwalang pumatol ka sa kanya." matabil na wika nito. At sinadya pang iparinig sa akin. Malditha talaga ito ewan ko ba kung bakit siya naging campus sweetheart sa sama ng ugali niya. Kung anong pinuti n kulay ng balat niya gayon naman ang itim ng kanyang budhi.
"Babe, sinabi ko naman sayo na ginayuma niya lang ako." mayabang na wika nito. At gusto ko na lang matawa. Tang-ina niya talaga bang ginayuma ko siya.
"Hahahahaa." tawang tawang sabay pa sila na pagtawanan ako. Kinuyom ko ang aking kamao at pinigilan ko na sapakin siya. Ayokong maguidance kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi naman siya worth it pang pansinin.
Nang maka alis sila kinamusta agad ako ni Claire. Ito lang talaga ang kaibigan ko na masasabi kong naging totoo sa akin.
"Beb, are you ok? Hayaan mo na iyon. Mabuti nga breneak mo iyong gago na iyon. Ang sama ng ugali non." wika nito.
"Yah! I'm ok beb. Hwag na natin siyang pag-usapan." pag-iiba ko ng usapan.
Pag uwi ko ng Mansyon dinaan ko na naman sa kain ang inis ko at sama ng loob. Tang ina akala ko ok na ako pero hindi pa pala. Haixt!!!
Nahiga ako sa kama at pinatay ko na ang television. Bukas ko na lang tatapusin ang movie.. Busog na busog ako na nakatulog.
At dahil sa ginagawa ko kada linggo nadadagdagan ang timbang ko. Ayoko naman sana kaso hindi ko na rin talaga mapigilang kumain ng kumain.. Ito lang kasi ang nagbibigay ng saya sa akin at nagpapagaan ng kalooban ko. Kumbaga stressed eating.
Ayoko naman magmukmok dahil niloko lang ako ni Geller. Wala akong