Kabanata 2

1005 Words
Hindi ko gustong maging mataba pero ang pagkain lang ang naging karamay ko sa mga oras na palagi akong malungkot at nag-iisa. Ayokong sayangin ang luha ko sa mga taong walang kwentang sinira ang tiwala at pagmamahal ko kagaya na lang ni Geller. Nakatapos ako ng junior high school at nagpalipat na agad ako sa parents nang ibang school. Ayoko ng makita si Geller kailanman. He is my first love, my everything pero nagawa niya pa rin akong saktan. At durugin ng pinong pino. Lalo pa akong lumobo ng lumubo hanggang makatapos ako ng College. I won't entertain boys. Hindi na uso sa akin yan. Nameet ko sina Kyla at Allen sila ang naging tunay na kaibigan ko na tumanggap sa akin kahit mataba ako. Hindi ako nakarinig ng kahit anong judgement mula sa kanila. Nakatapos ako ng College at pinauwi ako ng Lola ko sa probinsya para magbakasyon. Siya na lang ang naiwan kong kamag-anak na mahal at tanggap ako. "Abuela, nandito na po ako." tawag ko rito ng makarating ako sa kanyang mala Palasyong bahay. Isa lang naman siya dahil may limang taon na rin ang nakakaraan ng mamatay ang abuelo ko at pati mga magulang ko. Long story kung ikukwento ko pa. "Allora, hija ikaw na ba yan?" tanong nito sa akin. At hindi makapaniwala na ang laki ko na sobra. Pero hindi naman niya ako kinagalitan man lang. "Yes po abuela ako pa rin 'to." biro ko dito. Habang niyayakap niya ako. "Naku! Hija, por pabor. Bakit ka naman nagpalaki ng husto ng ganyan. Alam mo naman na may lahi tayo na may PCOS. Hindi pwede sa atin ang magpalaki. Baka magaya ka sa Mommy mo na nahirapang magka anak kaya iisa ka lang na apo ko." nag-aalalang wika ng aking abuela sa akin. Alam ko naman na concern lang siya sa akin. "La, ok lng wala pa naman ako balak mag anak. Wala nga akong boyfriend e, saka kaka gruaduate ko lang rin naman ng College. Gusto ko muna enjoy-in ang sarili ko." sagot ko para hindi na siya mag-alala pa. Pero imbis mag worry ang abuela ko parang natuwa pa ito ng malamang single ako. "Talaga hija wala kang lovelife? Goods to know. May irereto ako sayo apo ng isa sa amigas ko. Naku! Mayor ng bayan ng Marahuya. Ito ang tawag sa bayan ng abuela ko sa parteng Antique. "Naku! La, hayaan niyo na wala naman akong balak mag boyfriend muna. Kakasabi ko lang rin po. I enjoy my life as of now, la. I have no time to have a relationship." nakangiting sagot ko at inaya ko na siya na pumasok sa loob dahil kanina pa kami sa labas ng kanyang malawak na hardin na tanging siya lang ang nagtatanim mula noon pa. Papasang plantitas ang abuela ko. Malalago at magaganda ang sibol ng lahat ng kanyang tanim. Hindi ko masabi rito na kaka break lang namin ng damuho kong ex-boyfriend. Ayoko na rin kasing mag-alala pa siya. Malaki na ako para isipin pa niya ang love life ko. Mag iisang linggo na ang nakakaraan ng magbakasyon ako sa bahay ng abuela ko. Masaya naman ako na kasama ko siya. Paminsan minsan natawag sa akin si Kyla at Allen at kinakamusta ako. Ibinalita rin nila sa akin na may work na sila sa kumpanya ng mga parents nila. Habang ako wala heto nakanganga muna at tatambay. Hindi pa naman ako pinapalayas ng abuela ko. Habang nakain kami ng hapunan bigla na naman niya sa aking nasingit ang pangalan ng apo ng amigas niya. "Hija, may events pala kanila Flatima Crimson. Baka gusto mong sumama para makilala mo si Johnny ang napakagwapong apo niya at Gobernador ng Antique." kilig na wika ng abuela ko na humuhugis pumupuso pa ang kanyang mga mata. "Naku! La, wala namang kakasyang gown sa akin. At isa pa baka pag tawanan lang nila ako. Kaya dito na lang ako sa bahay magluluto at kakain." sagot ko habang pinapapak ang lechon ng agawin ng abuela ko sa kamay ko ang balat nang lechon na hawak ko. "Tsk! Tsk! Paano ka hindi tataba ang hilig mo sa matatabang pagkain hija. Akin na nga yan heto ang kainin mo vegetable salad. Mas maganda yan sa kalusugan mo." ani ni abuela at wala na rin akong nagawa pa kundi kainin ang binigay niya kahit nasusuka pa ako. Matapos ang aming dinner panay kulit pa rin niya sa akin kaya hanggang sa napapayag ako at bahala na raw siya sa susuotin ko. Actually medyo nabawasan naman ako ng 2 kg simula ng umuwi ako dito. Siguro kung magtatagal ako dito baka bumaba pa. 68 kg na lang ako dating 70kg. Imagine that may naggagawa rin pa lang maganda sa akin ang pagbabawal ng abuela ko sa mga pang patabang pagkain. Sa umaga at hapon naman I do walking for 30 minutes. At minsan jogging na rin.. Mainam nga na malawak ang lupain niya at dito na lang ako sa loob. Mahirap na kung lalabas pa ako baka mapagkamalan pa akong walking ball sa pagkabilog ko. I'll try naman na mag reduce kaso hindi ko talaga kaya. Sobrang nagugutom ako kaya siguro ganon ang pakiramdam ko. May mga araw na para akong magkocollapsed sa pagbabawas ko ng kain, kaya itinigil ko na lang at para sa akin useless naman ito at wala naman akong dapat pagandahan pa. Masaya na ako sa buhay ko na mag-isa at walang sakit ng ulo kagaya ng ginagawa sa akin ni Geller. Nahiga na ako at nagpahinga dahil pagod na pagod ako sa byahe. Nagising ako pasado ala sain na ng gabi. Medyo gutom na rin ako kaya lumabas na ako ng kwarto para maghanap ng makakain. Pagbaba ko ng sala wala rito ang abuela ko. Magtatanong sana ako sa maid doon kaso nag alangan na rin ako. Nagtanong na lang ako sa kanila kung anong makakain ngayon. Nang sabihin niyang lechon paksiw natakam at naglaway agad ako. Naupo na ako sa hapag kainan at dinalhan na lang ako ni ate ng aking makakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD