Habol ko ang aking bawat paghinga dahil kanina pa kabog ng kabog ang aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ng biglang magtama ang aming mga mata. Batid ko naman na mahal ko noon ang asawa dangan lamang ang galit sa puso ko ang nanaig. Nang pinadala ako nito sa ibang bansa halos isumpa ko si Johnny. Pero malaking pasasalamat ko rin rito dahil kung hindi ako pinadala nito sa ibang bansa hindi ko babaguhin ang aking sarili na para rin naman sa akin. Nang matapos ito sa paggamit ng comfort room, tinawag ako nitong muli. “Baby,” pang-aasar nito. Lumapit ako at inalalayan ito. “Sinabi ko na sayo, Johnny hwag mo akong matawag tawag na baby. Hindi na tayo mag-asawa pa ngayon, baka nakakalimutan mo na ikaw pa mismo ang nang hingi ng kalayaan mo.” inis na wika ko at talagan

