JOHNNY Nakauwi na kami kinabukasan. Nasermunan pa nga ako ni Lola Celia dahil hindi ko raw iginalang si Larry. Parang apo na rin kasi ang turing nito sa anak ng dating katiwala. Si Lola Celia rin kasi ang nagpaaral kay Larry bilang isang Architect. Pero sa kung anong dahilan, hindi ko gusto ang atensyong ibinibigay nito sa asawa ko na halata naman na kursunada niya si Allora kaya mas lalo akong naiinis. "Huwag mong pag-initan si Larry, naiintindihan mo ba." Pinalo pa ni Lola Celia ang kamay nito sa sofa sa tabi ko. "Malaki ang naitutulong niya sa hacienda natin. At hanggang ngayon ay isa siya sa pinaka maaasahan dito." "Nang-iinis kasi siya," asar na sambit ko dito. "Sinasadya niya akong magselos! Alam naman niyang may asawa na si Allora, dumidikit pa rin siya!" "Bakit, nagseselos ka

