Kabanata 4

1000 Words
ALLORA Isang linggo na ang nakakaraan ng maka attend ako ng birthday ni Johnny. Maayos naman siya at mabait. Hindi siya kagaya ng mga lalaking jina judge ako. Marami kaming napag usapan noong gabing iyon. At sa muling pagkakataon pakiramdam ko tumigil ang mundo ko. Muling nakaramdam ng kilig sa puso ko at totoo pala ang love at first sight. Hindi dahil pogi siya pero ang ugali niya ang mas nagustuhan ko sa kanya. Kaya ng sinabi ni lola na may date kami pumayag ako. Heto nga kanina pa ako hindi makahanap ng susuotin dahil lahat ng dami ko ay ang liliit na sa akin. Kaya kinalaingan ko pang magbawas ng timbang at nakakatuwa naman na bumaba ng limang kilo. 63 kg na lang ako pero mataba pa rin naman ako. Hindi nga lang kagaya ng noon ko. Naka alis na ako ng bahay at nagpahatid na ako sa driver ni abuela. Maaga akong nakarating sa location. Wala pa siya roon kaya hindi muna ako nag order ng makakain ko. Naghintay ako ng isang oras hanggang sa umabot na ng limang oras.. Nahiya naman ako mang abala dahil alam ko na napaka busy niyang tao. Pero nang mag dadapit hapon na naisipan ko ng umuwi at nagpasundo ako sa driver. Tumawag lang ako rito at dumating naman kaagad..Nag text lang ako kay Johhny na uuwi na ako baka busy siya. Nagreply naman agad ito. "Sorry, Allora. I have important meeting to attend to. Bawi na lang ako next tinme sayo." laman ng reply nito sa akin. "Ok." tipid na reply ko. Pagkatapos itinago ko na ang aking cellphone sa loob ng shoulder bag ko dahil nakita ko na ang sundo ko. Nakauwi na kami ng bahay at diretso ako sa kwarto. Hindi ko nakita si abuela baka nasa galaan na naman iyon. Kinaumagahan nagising na lang ako sa ingay nito. "Apo, halika lumabas ka rito." tili nito. Akala mo naman napaano na. "Po?" tanong ko sabay mano. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko. "Apo, ano na kwento ka na. Anong nangyari sa date niyo ni Johnny? Naisuko muna ba ang bataan?" tanong ni lola sa akin. Gusto kong humalakhak talaga kasi kung ano ano ang pinagsasabi nito.. Paano ko gagawin ang pagsuko ng bataan kung di naman sumipot..Pero ayoko na magalit ang abuela ko at gumawa na lang ako ng kwento. "La, napaka gentleman ni Johnny kaya malabo yang naiisip mo. Pero, la nag enjoy ako sa date namin kahapon." sagot ko. Nakangiti lang ang abuela ko. "Talaga, sige ikukwento ko lang sa amiga ko kay Celia. Naku tiyak matutuwa ang best friend ko. Alam mo naman matagal na niyang hinahanap yang pihikan niyang apo. Baka kayo na nga apo ang nakatadhana." masayang wika ni abuela bago lumabas ng aking kwarto. Hindi ko naman gustong magsinungaling pero naawa naman ako kay Johnny. Nakahiga lang ako at nakayakap sa aking unan. Ini imagine ko na kasama ko si Johnny siya ang unan ko at magkayakap kaming dalawa. "Eeeehh.." kilig na kilig na laman ng isipan ko. Kakaiba talaga siya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Totoo naman gentleman siya at ang gaan ng loob ko sa kanya kapag nagkakausap kaming dalawa. Sana nga lang magustuhan rin niya ako. Habang nag-iimagine ako ng ginagawa namin nito. Nainspired akong magbasa basa ng mga tips sa socmed kung paano mabilis pumayat. Gusto ko kasi kapag naging mag boyfriend kami ni Johnny ay mapayat na ulit ako. Kaso nakita ko pa lang mga pinag gagawa nila parang gusto ko na lang sumuko agad. Pakiramdam ko hindi ko rin kakayanin ang kanilang mga pinag gagawa. Mabuti pa't magbawas lang ng pagkain paunti unti. Lumipas ang ilang linggo muling nagset-up ang mga lola namin ni Johnny na magdate kami. At sana this time matuloy na nga. Sa Mansyon ako sinundo ni Johnny at ni Lola Celia. Pag dating pa nga lang nila amoy na amoy ko na ang pabangong gamit nito kaya lalo akong naiinlove sa kanya. Napaka neat din nito kahit palaging color white ang sinusuot. Isa rin yan sa gusto ko sa isang lalaki ang malinis sa sarili. Nag bless agad ako kay Lola Celia. At bumaba na rin ang abuela ko. "Bweno, maiwan na muna namin kayo mga apo. May gagawin lang kami ni amiga sa labas." ani ng abuela ko. Nakita ko naman ang pasimpleng pagsiko ng lola niya sa kanya bagay na ika inis pa yata ni Johnny. Nang maka alis ang mga lola namin. Naiwan naman kaming dalawa sa malawak na sala at walang imikan. Pero si Johnny na rin naman ang bumagsag ng aming katahimikan. "Look, Allora sorry talaga last time sobrang busy ko lang." panimulang wika niya at binuksan niya ang topic na nangyari nakaraan. "Maupo muna tayo Johnny. Halika dito sa sala. Anong gusto mo bang gawin natin?" tanong ko at bigla na lang akong namula sa sinabi nito. Mali nga ba ako nang piniling words na sabihin. "Thanks, ahm Allora hindi naman na ako magtatagal kasi marami pa akong gagawin. Pakisabi kay lola umalis na ako." ani niya. "Sige." sagot ko. Ihahatid na kita sa labas." alok ko. Kaso tumanggi siya at hwag na lang raw at maabala pa ako. Hindi na rin ako nagpumilit pa at nakakahiya.. Bakit pakiramdam ko parang ayaw niya sa akin? Iwinaksi ko ang mga laman ng aking isipan. Pumanhik na lang ako sa itaas ng aking kwarto at nagkulong. Hindi ko naman gustong maging malungkot pa. Habang nakahiga ako sa kama..Gusto ko sanang magbrowse ng aking social media account kaso bigla akong nag alangan. The last time I check it mukha ni Geller at Jennice ang aking nakita. They both look happy naman pero parang may bahagi sa puso ko na ayokong maging masaya sila. Hindi naman siguro ako bitter kung iniisip ko na baka maghihiwalay pa silang dalawa nito. Nang subukan niyang magbukas at hanapin ang account ni Johnny. Para siyang naghanap ng kanin ng makita ang beach photos nito recently lang. Napaka pogi at ganda ng katawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD