Hindi agad nakasagot si Allora, dahil nagi guilty siya sa nangyari kay Manuel. "Hindi mo kailangang sumagot agad, Allora. Pag-isipan mong mabuti hindi naman ako nagmamadali." sagot ni Johnny na talagang nagbago na ang pasya. Hindi naman malaman ni Allora na ikakatuwa nga ba niya ito. Ang hirap naman kasi ng pinagdadaanan niya. Nagi guilty siya sa pagkawala ng dalawang paa ni Manuel at the same time ayaw niyang paasahin si Johnny. Sa totoo lang ang gulo ng isip niya ngayon. Pero isa lang ang alam niyang tama ang balikan si Manuel at tulungan itong makabangon. Hinarap niya si Johnny. "Johnny, sorry pinapalaya na kita. Hindi na kita mahal." wika ko at pinipigilang mapaluha. Kinagat ko pa ang labi ko para sure akong di ako maiiyak. Kitang kita ko ang lamlam ng mga mata nito. "Allora, sabi

